Coast Guard at Air Force, tatanggap ng parangal sa Kamara
Nais ni AGHAM partylist Rep Angelo Palmones na parangalan ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Air Force (PAF)Western Mindanao Command dahil sa mabilis na pagtugon ng mga ito sa tawag ng tungkulin.
Inihain
ni Palmones ang HR02319 na may layuning bigyang parangal ang PGC at PAF bilang
pagkilala sa kanilang kahanga-hangang aksiyon sa gitna ng kalamindad.
Sinabi ni Palmones na
nararapat lamang umanong bigyan ng parangal
ang PCG sa pamumuno ni Vice Admiral
Edmund Tan at PAF Western Mindanao Command sa pamumuno naman ni Major General Noel Caballes dahil sa mabilis na
pagresponde ng mga ahensiyang ito sa Luxury Liner M/V Azamara Quest of the
Royal Caribbean habang nasusunog ang makina ng nabanggit na barko sa karagatan
ng Sulu noong April 1, 2012.
Ayon kay Pamones, ipinakita
umano ng PCG at PAF Western Mindanao Command ang kanilang kapabilidad at kahandaang
humawak ng sitwasyon tulad nito.
Napa-ulat na ang
barko ay may lulan na 590 foreign passengers at 411 crew members ay natatangay
ng alon sa gitna ng karagatan ng Sulu matapos masunog ang makina.
Agad na nagpadala ang
PCG ng apat na search and rescue vessels na may kasamang medi-cal at rescue
personnel alinsabay din sa search and rescue operations na isinagawa ng PAF.
Nasugatan ang limang
miyembro ng crew at naparalisa ang barko sa karagatan ng Sulu na may 200 milya
ang layo sa baybayin ng Balikpapan, sa Indonesia section ng Borneo.
---
<< Home