Mungkahing pagtatatag ng Central Credit Information Corporation, inihain
Nanawagan si Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez para sa isang congressional inquiry
tungkol sa pagkabigo ng pamahalaan na maitatag ang Central Credit Information
Corporation (CCIC) sa ilalim ng RA09510 na kilala sa katawagang Credit
Information System Act in 2008.
Sinabi ni Rodriguez batay sa kanyang inihaing HR02026 na makaraan ang tatlong taong maisabatas ang nabanggit na batas, itinatanong niya kung bakit walang CCIC ang naitatag para hindi mapinsala ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Binanggit ni Rodriguez ang Section 5 ng RA09510 na lumikha sa korporasyon na kikilalaning Credit Information Corporation (CIC) na ang pangunahing layunin nito ay tumaggap at pagsamahin ang mga credit data, umakto bilang central registry o central repository ng credit information.
Ayon sa kanya, isinulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtatatag ng CIC dahil papayagan nito ang credit-worthy enterprises na mapadali ang pag-secure ng bank loans upang makatulong sa pangangailangan ng MSME para palakasin ang kanilang credit access.

---
<< Home