Assistance centers para sa mga kababaihan at kabataan, itatatag
Pumasa
na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magtatatag
ng mga resource development
at crisis assistance centers para sa kababaihan at kabataan sa lahat ng
lalawigan at lungsod sa bansa.
Ang HB06155 na iniakda
nina Agusan del Norte Rep Ma Angelica Amante-Matba, Zamboanga City Rep Maria Isabelle Climaco, Dinagat Rep Ruben
Ecleo, Jr, Gabriela partylist Rep Luzviminda Ilagan, Una ang Pamilya partylist
Rep Reena Concepcion Obillo at Kalinga Rep Abigail
Faye Ferriol ay naglalayong bigyan ng tulong ang mga kababaihang biktima ng
panggagahasa at iba pang paglapastangan.
Sinabi
ni Amante-Matba na bibigyan ng karapatan ang lahat ng kababaihan at kabataan na biktima ng
prostitusyon at sexual exploitation, domestic violence, abuse at battery, rape,
incest, sexual abuse, harassment o molestation, illegal recruitment,
trafficking at labor exploitation at pati na rin ang mga biktima ng armed
conflict, natural or environmental disasters na dumaranas ng trauma sanhi ng
pagkamatay ng miyembro ng pamilya.
Ayon
naman kay Ilagan, ang mga abandoned and run-away woman and children, women and children in
detention, mga biktima ng anumang uri ng violence and suffering from any crisis
situation, victims suffering from mental, emotional, psychological and physical
disabilities na nagngailangan ng special support at assistance and biktima ng
iba pang mga circumstances na kikilalanin ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD).
---
<< Home