Magtanim ng dalawang puno bago magkamit ng birth certificate
Ipinanukala ngayon sa
Kamara na magtatanim muna ng dalawang puno ang bawat isang magulang na
nagsilang ng anak bago nito makuha ang
certificate of live birth ng sanggol.
Ito ang nakasaad sa HB06087
o ang tinatawag na “Family Tree Planting Act of 2012,” na nag-uutos sa mag-asawa na nakatira sa Pilipinas,
kahit na sila ay kasal o hindi kasal, na magtanim ng dalawang puno para sa bawat anak na isisilang.
Sinabi ni Paranaque Rep
Edwin Olivarez, may akda ng panukala, na ang puno ay pwedeng itanim sa
bakuran ng kanilang bahay o sa lugar na itatalaga ng Provincial Environmental
and Natural Resources Office (PENRO) o ng Community Environment and Natural
Resources (CENTRO) kung saan sila nakatira.
Bago isyuhan ang mga
magulang ng Local Civil Registrar ng lungsod o munisipalidad ng birth
certificate, kailanga munang magbigay ng joint affidavit na nagpapatunay na
sila ay nagtanim na ng dalawang puno bilang pagsunod sa batas at ipi-presinta
ito sa civil registrar.
Mag-iisyu
ang Punong Barangay ng affidavit of compliance kung ang puno ay naitanim na sa
kanilang lugar o sa itinalagang lugar ng PENRO at CENTRO.
Idinagdag pa ni Olivarez
na ang certificate of compliance ang unang kailangan para ma-release ang
certificate of live birth ng bata para matiyak na sumunod ito sa kautusan.
---
<< Home