BENIPISYO PARA SA MGA BARANGAY TANOD, IPINANUKALA
LAYUNIN NG PANUKALA NI ENVERGA NA TATAGURIANG BARANGAY TANOD INCENTIVES ACT ANG PAGTUGON SA MGA PANGEKONOMIKONG PANGANGAILANGAN NG MGA NATURANG MIYEMBRO NG BARANGAY NA SIYANG GANAP NA INAASAHAN MGA MAMAYAN SA PAGMINITINA NG KAPAYAPAAN SA KOMUNIDAD.
AYON KAY ENVERGA, NAPAPANAHON NA UMANONG MAGGAWARAN NG SUPISIYENTENG BENEPISYO ANG MGA BARANGAY TANOD DAHIL SILA NAMAN TALAGA AY TUNAY NA BAHAGI NG LONG-TERN FOUNDATION NG TUNAY NA DEVELPMENT SA ANTAS NG BARANGAY.
IDINAGDAG PA NIYA NA TILA YATA UMANO AY NAPABABAYAAN NA LAMANG ANG DEDIKASYON AT COMMITMENT NG MGA BARANGAY TANOD SA KANILANG SERBISYO AT NAKAKALIMUTAN NA LAMANG MAY MGA PANGANGILANGAN DIN SILANG MABIGYAN NG MGA BENEPISYO.
IILAN SA PROBISYON MGA NG PANUKALA AY NAGSASABING LAHAT NG MGA MIYEMBRO NG BARANGAY TANOD BRIGADE NA TULOYTULOY NA NAKAPANUNGKULAN NG HINDI BABABA SA ISANG TAON AY OTUMATIKONG MAGING MIYEMBRO NG GSIS NA MAY LIFE INSURANCE AT SOCIAL SECURITY PROTECTION KAGAYA NG RETIREMENT, DISABILITY, SEPARATION AT UNEMPLOYMENT BENEFITS.