Thursday, April 24, 2008

USAPING BIGAS

NANANATILING HATI ANG MGA KONGRESISTA KAUGNAY SA KANILANG PANGAMBA NA MAGANAP RIN SA BANSA ANG ISANG MADUGONG FOOD RIOT.

KINUWESTIYON NI ANAK MINDANAO REP MUJIV HATAMAN ANG KAKAYAHAN NG PAMAHALAAN NA IWASAN ANG FOOD RIOT SA GITNA NG NAPAPABALITANG KAKAPUSAN SA BIGAS NA IBINEBENTA NG NATIONAL FOOD AUTHORITY (NFA) SA PUBLIKO BASE SA NAPAKAHABANG PILA SA ROLLING STORES.

AYON SA KANYA, DALAWA HANGGANG TATLONG ORAS UMANO SA PILA ANG ATO BAGO MAKABILI NG BIGAS AT TALAGANG KAWAWA ANG MGA ITO NA NAKABILAD SA ARAW AT NAGMAMAKAAWA NA HAYAAN SILANG MAKABILI NG MARAMI PARA LANG HINDI SILA PABALIK-BALIK.

SA ISANG PRESS CONFERENCE NAMAN, NILINAW NI BUTIL REP LEONILA CHAVEZ, KINATAWAN NG MGA MAGSASAKA, NA WALANG DAPAT IKATAKOT SA FOOD RIOT KATULAD NG NANGYARI SA HAITI DAHIL LUMALAKI ANG PRODUKSIYON NG ANING PALAY PARA SA MGA FILIPINO.


SINABI NI CHAVES NA PARA SA LAHAT NG ATING MGA KABABAYAN, HUWAG MAG-PANIC DAHIL WALANG RICE SHORTAGE AT KASALUKUYAN TAYONG UMAANI AND OUR FARMERS ARE NOW EFFICIENT IN PLANTING HYBRID RICE.


SINABI NI CHAVEZ NA SUPORTADO NG KANILANG SEKTOR ANG PANUKALANG CORPORATE FARMING O HB03837 NINA PALAWAN REP. ABRAHAM MITRA AT SPEAKER PROSPERO NOGRALES KUNG SAAN MAGTATANIM NG PALAY ANG MGA NANGUNGUNA AT MALALAKING KOMPANYA PARA SA PANGANGAILANGAN SA BIGAS NG KANILANG MGA EMPLEYADO KAPALIT NG TAX INCENTIVE.


SINUPORTAHAN NAMAN NI HATAMAN ANG PANUKALA NI MANILA REP BENJAMIN ASILO NA GAMITIN NG PAMAHALAAN ANG BARANGAY SA DISTRIBUSYON NG MURANG BIGAS NG NFA PARA MATIYAK NA MAKIKINABANG ANG MGA MAHIHRAP NA BENEPISYUNARYO.

Free Counters
Free Counters