GENERICS ONLY PROVISION SA CHEAPER MEDICINES ACT, AALISIN NA
PARA MABASAG NA ANG PAGKAKAANTALA NG PAGPASA NG PANUKALANG CHEAPER MEDICINES ACT, NAPAGKASUNDUAN NG MGA KONGRESISTA SA MABABANG KAPULUNGAN NA ALISIN NA LAMANG ANG GENERICS ONLY PROVISION NITO AT SA HALIP, MAGHAIN NA LAMANG SILA NG ISA PANG PANUKALA NA MAGPAPAIGTING PA SA RA06675, ANG GENERICS LAW.
AYON KAY HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES, NAPAGKASUNDUAN NILA NA ALISIN NA LAMANG ANG NATURANG PROBISYON SA RECONCILED VERSION NG NABANGGIT NA PANUKALA PARA MALAGDAAN NA NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO ITO AT MAGING GANAP NA NA BATAS BAGO PA SUMAPIT ANG ARAW NG MGA MANGGAGAWA O LABOR DAY.
AYON SA KANYA, ITO NA MARAHIL ANG MAGING REGALO NG KONGRESO AT NG PANGULO NG BANSA SA MGA FILIPINO SA PAGGUNITA NG LABOR DAY.
IDINAGDAG PA NI NOGRALES NA PINAGBIGYAN NA LAMANG NG KAMARA ANG NAGING HARD-LINE POSITION NG SENADO NA ALISIN ANG NATURANG PROBISYON SANGAYON NA RIN SA PANGAKO NG MGA SENADOR NA WALANG MASAMANG EPEKTO SA INTENSIYON NG BATAS NA NAIS PABABAIN ANG PRESYO NG MEDISINA O GAMOT.
ANG PAGKAKAPASA NG HB02844 UPANG MAGING GANAP NA NA BATAS AY TUNAY NA MAKAKATULONG UMANO NA MAIBSAN ANG ECONOMIC PRESSURE NA DINARANAS NG MGA FILIPINO DAHIL SA TUMATAAS NA HALAGA NG MGA PRODUKTONG PAGKAIN AT LANGIS, DAGDAG PA NG SPEAKER.

<< Home