Monday, April 21, 2008

CREDIT CARD FRAUD ACT, DAPAT IPASA SA LALUNG MADALING PANAHON

KAILANGANG MAIPASA SA LALUNG MADALING PANAHON NGAYONG PAGBUKAS MULI NG KONGRESO, ANG CREDIT CARD FRAUD ACT NA INUMPISAHA NANG TALAKAYIN NG HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE NOONG OKTUBRE NG NAKARAANG TAON.

ITO ANG MARIING IPINAHAYAG NG MGA NAGHAIN NG HB02675 NA SINA PARTY LIST REP NARCISO SANTIAGO III, PASIG SITY REP ROMAN ROMULO AT BATANGAS REP MARK LLANDRO MENDOZA NA MAY LAYUNING PAPATAWAN NG MULTA NA P10,000 HANGGANG SA DOBLE NG HALAGA NG NAKULIMBAT AT PAGKAKAKULONG NG RECLUSION TEMPORAL SA MINIMUM AT MAXIMUM NA PANAHON PARA SA ISANG CREDIT CARD FRAUD.

AYON KAY MENDOZA, BUNSOD NG PAGTAAS NG BILANG NG MGA GUMAGAMIT NG CREDIT CARD, ANG POSIBILIDAD NG KATIWALIAN O ANG TINATAWAG NA FRAUD AY TUMAAS DIN AT DAHIL SA SITWASYONG ITO, MARAPAT LAMANG NA MAGPASA NA NG KARAMPATANG BATAS UPANG MATUGUNAN ANG PROBLEMANG ITO.

AYON NAMAN KAY SANTIAGO, LAYUNIN NG KANILANG PANUKALA NA HADLANGAN ANG NATURANG KATIWALIAN AT MAPROTEKTAHAN ANG ATING BANKING AT FINANCIAL INSTITUTIONS SA PAMAMAGITAN PAGGAGAWAD NG MGA REMEDIAL MEASURE SA MGA PROBLEMANG BUNSOD NG MGA GANITONG FRAUDULENT ACTS.

Free Counters
Free Counters