Wednesday, April 23, 2008

PAIIGTINGIN ANG TAX COLLECTION NG BIR PARA SA KASALUKUYANG TAON

HINIMOK NG CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS ANG KAGAWARAN NG RENTAS INTERNAS O BIR NA ISUSTINE LAMANG ANG TAX COLLECTION EFFORTS NITO PARA MAKAMIT ANG LAYUNIN NG PAMAHALAAN NA MAKALIKOM PARA SA BUONG TAON NG SABIHIN NIYA NA MASYADONG MAAGA PA NA MAGBUNYI ANG AHENSIYA DAHIL SA PAGTAAS NG KOLEKSIYON NITO SA FIRST QUARTER NA UMABOT SA P21 BILYON.

SINABI NI ANTIQUE REP EXEQUIEL JAVIER NA MATAPOS MAGSUMITE NG PAGUULAT ANG BIR NA ITO AY NAKAKOLEKTA NG P163 BILYON MULA ENERO HANGGANG MARSO NA SIYANG MATAAS NG P21 BILYON SA P142 BILYON NA KOLEKTA NOONG NAKARAANG TAON AT MATAAS PA SA TARGET NG AHENSIYA PARA SA PERIOD NG P155.11 BILYON.

NGUNIT ANG FIGURE NA ITO AY MAS MABABA SA P181 SA TARGET NA INITAKDA NG DEVELOPMENT BUDGET COORDINATION COMMITTEE (DBCC) PARA SA FIRST QUARTER PARA SA KASALUKUYANG TAON AYON PA KAY JAVIER.

MARAMING ASPETO PA UMANO NG TAX COLLECTION ANG DAPAT NA AYUSIN UPANG MAKAMTAN NG BIR ANG P845 BILYON NA TAX GOAL PARA SA TAONG ITO NA SIYA NAMANG 18.4 NA POSIYENTO MATAAS KAYSA SA P713.6 BILYONG KOLEKSIYON NOONG TAONG 2007.

UMAASA UMANO SIYA NA MAS LALAUNG PAG-IBAYUHIN NG BIR ANG TAX COLLECTION NITO SA MGA SUSUNOD NA MGA BUWAN.
Free Counters
Free Counters