Friday, October 29, 2021

PAGSISIYASAT SA KALAGAYAN NG VISUAL ARTS SA BANSA AT IBA PANG MAY KAUGNAYANG INDUSTRIYA, TINAPOS NA NG KOMITE

Tinapos na ngayong Huwebes ng Espesyal na Komite ng Creative Industry and Performing Arts sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, ang kanilang imbestigasyon batay sa House Resolution 2035, na nakatuon sa kalagayan ng visual arts sa bansa, at iba pang may kaugnayang industriya. 


Tinalakay ng Komite ang iba’t ibang pagsisikap at inisyatiba ng pamahalaan upang tulungan ang industriya ng visual arts. 


Batay sa survey na kanilang isinagawa mula 2018 hanggang 2019, sinabi ni League of Cities of the Philippines (LCP) Junior Policy Officer Miki Monteverde, na ang mayoridad ng kanilang mga kasaping lungsod ay nagpahayag ng interes, upang paunlarin ang kanilang mga sektor ng visual arts at cultural mapping. 


Subali’t binanggit niya rin na nanatiling may hadlang sa kakulangan ng kapasidad sa teknikal, at pagkaantala ng tugon sa ayuda mula sa pambansang pamahalaan. 


Samantala, sinabi ni Rights Action Philippines Chairman Rey Dulay na mayroon pa ring kakulangan ng mga art centers, sa kabila ng kautusan ng Department of Interior and Local Government sa paglikha ng mga Local Culture and Arts Council sa mga munisipalidad. “Importante pong magkaroon ng activities within a community kung saan magkakaroon ng interaction ang mga artisits to promote the arts and culture ng bawat community,” ani Dulay. 


Tinalakay naman ni Artists’ Welfare Project, Inc. (AWPI) Executive Director Jenny Bonto ang iba’t ibang usapin at kapakanan na kainahaharap ng mga lokal na visual artists.


Sinabi niya na ang mga visual artists ay nangangailangan ng mga murang materyales, pagsasanay, pagmemerkado, espasyo, at digitization. 



Nangangailangan rin sila ng abot-kayang halaga ng pangangalaga sa kalusugan, social assistance, payong legal sa mga kontrata at pagpiprisinta, regulasyon, gawad, bawas sa buwis at mga insentibo, mga pamuhunan, kabilang na ang pagka-inklusibo. 


Ipinahayag niya rin sa Komite na kadalasan sa mga visual artists ay tahimik lamang sa mga pag-abuso at paglabag, dahil sa takot na mawalan ng trabaho at kita. 


Sa kanyang tugon, sinabi ni De Venecia na ang Freelance Protection Bill ay kinabibilangan ng non-retaliation clause, na kailangang maisulong para sa pagsasabatas nito upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa. 


At panghuli, sa turismo ng visual arts, sinabi ni Tourism Promotions Board Philippines (TPB PHIL) Acting Deputy Chief Operating Officer Baby Landan, na nagbabahagi ng oportunidad sa convergence ang Kagawaran ng Turismo (DoT) sa mga visual artists, sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal, domestic invitational programs, ayuda sa pagmemerkado sa mga sustainable community-based tourism destinations, at suporta sa pagmemerkado sa iba pang inisyatiba na may kaugnayan sa turismo.    


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV





PANEL CONCLUDES INQUIRY INTO THE STATE OF PH VISUAL ARTS AND OTHER RELATED INDUSTRIES 


The House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts chaired by Rep. Christopher De Venecia (4th District, Pangasinan) on Thursday, concluded its inquiry based on House Resolution 2035, which focused on the state of Philippine visual arts and other related industries.


The panel tackled various efforts and initiatives of the government in helping the visual arts industry. 


Based on a survey they conducted from 2018 to 2019, League of Cities of the Philippines (LCP) Junior Policy Officer Miki Monterde said that majority of their member-cities expressed interest to enhance their visual arts sector and cultural mapping. 


However, she noted that the roadblock remains on the lack of technical capacity and the delayed response for assistance from the national government. 


Meanwhile, Rights Action Philippines Chairman Rey Dulay said that there is still a lack of visible arts council offices, cultural organizers, and art centers despite the Department of Interior and Local Government (DILG) memorandum on the Creation of Local Culture and Arts Council in municipalites. 


“Importante pong magkaroon ng activities within a community kung saan magkakaroon ng interaction ang mga artists to promote the arts and culture ng bawat community,” Dulay said. 


Artists’ Welfare Project, Inc. (AWPI) Executive Director Jenny Bonto  discussed various issues and welfares that local visual artists are facing. 


She said visual artists need low-cost materials, training, marketing, space, and digitization. 


They also require affordable health care, social assistance, legal advice on contracts and representations, regulations, grants, tax cuts and incentives, investments, as well as inclusivity. 


She also told the panel that visual artists are often silent on abuses and violations for fear of losing their jobs and income. 


In response, De Venecia said that the Freelance Protection Bill includes a non-retaliation clause that needs to be lobbied for its enactment to protect workers' welfare. 


Finally on visual arts tourism, Tourism Promotions Board Philippines (TPB PHIL) Acting Deputy Chief Operating Officer Baby Landan said that the Department of Tourism (DoT) provides convergence opportunities to visual artists through various expositions, domestic invitational programs, marketing assistance to sustainable community-based tourism destinations, and marketing support for other tourism-related initiatives. (30)

Thursday, October 28, 2021

MGA NAGWAGI SA PATIMPALAK SA PAGLULUTO, KINILALA NG KAPULUNGAN


Tinapos ngayong Miyerkules ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunguna ng Office of the Speaker ang “What’s Cooking in the House?” na patimpalak sa pagluluto sa pamamagitan ng isang seremonya ng paggawad. 


Ang kaganapan ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng HRep 2021. 


Layon ng paligsahan ang maipakita ang mga kasanayan sa pagluluto at pagkamalikhain ng mga kalahok, gayundin ang paglalaan ng pahinga sa komunidad ng Kapulungan mula sa pang-araw-araw na pisikal at mental na stress na dulot ng pandemya. 


Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ni Deputy Secretary-General for the Office of the Speaker Atty. Jocelia Bighani Sipin na pinili nila ang isang patimpalak sa pagluluto, dahil ang hapag kainan ay espesyal sa pamilyang Pilipino. 


“Naisip namin na very special sa atin, sa pamilyang Pilipino, ang ating hapag kainan. At walang selebrasyon na kumpleto kung wala tayong pagsasaluhan,” aniya. 


Ipinahayag din ni Sipin na siya mismo ay nagluluto kahit walang pormal na pagsasanay sa pagluluto. 


“In fact sa akin, kung ano lang yung napanood ko sa You Tube or mga nabasang recipes, yun lang po. Ang importante, kung ano yung nilalagay natin sa ating pagluluto. At para sa akin, ang sikretong ingredient always when you cook, (is) add a pinch of love,” aniya. 


Ipinakita din sa programa ang isang video ni Sipin na naghahanda ng Low Carb Cauli Rice Sushi. 


Samantala, nagawang batiin kahit saglit lang ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga manonood online.  


Mainit na binati ng mga opisyal at kawani ng Kapulungan si Speaker na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa ika-9 ng Nobyembre. Nagpasalamat naman siya sa lahat – sa mga kalahok, manonood at mga bumati sa kanya. 


Hinusgahan ng mga hurado ang 15 video na lumahok mula sa iba't ibang klaster batay sa sumusunod na pamantayan: 1) Speaker's Choice 30 porsiyento (15 porsiyento para sa paghahanda at presentasyon ng pagkain, at 15 porsiyento para sa pagtatanghal ng video at pagiging malikhain); 2) Chef's Choice 30 porsiyento (paghahanda at presentasyon ng pagkain); 3) Artist's Choice 30 porsiyento (pagtatanghal ng video at pagiging malikhain); at 4) Audience's Choice 15 porsiyento (Facebook Likes), para sa kabuuang 100 porsiyento.  


Ang mga kalahok ay hiniling na magsumite ng tatlong minutong video ng pagtatanghal ng kanilang pagluluto sa ayos na mp4. Kinailangan din nilang pagtuunan ng pansin ang mga pagkain na maaaring ituring na pangunahing pagkain tulad ng manok, baboy, baka, isda at pasta. 


Kinailangan din nilang panatilihing totoo ang mga bagay at tiyaking ipinapakita ng kanilang mga video na sila talaga ang nagluluto. 


Ang mga hurado ay sina Sipin, ang mag-asawang artista na sina Jan Marini Alano at Gerard Pizarras, gayundin ang tanyag na Chef na si Rosebud Benitez-Velasco. 


Ang mga nagwagi ay sina: Unang Pwesto na may ₱20,000 na gantimpala, Christine Santos ng Legislative Information Resources Management Department (LIRMD), Chicken Pastel; Ikalawang Pwesto na may gantimpalang ₱15,000, Velenda Leuterio ng Office of the Deputy Secretary General, Engineering and Physical Facilities Department, Meaty Pasta; at Ikatlong Pwesto na may ₱10,000 na gantimpala, Myra Tuazon Fontilla ng Finance Department, Boneless Lechon Belly. 


Ang mga nakatanggap ng natatanging pagkilala ay sina: Most Appetizing Award (Chef’s Choice) Fontilla; Most Creative Award, Santos; at Audience Choice Award, Dr. Nikos Lagman ng Komite ng Labor and Employment. 


Ang lahat ng kalahok ay binigyan ng ₱1,500 at goody bags mula sa San Miguel Corporation at Delicious Special Bihon sa kagandahang-loob ni Benitez-Velasco. 


Ang mga tagapanood ay inaliw din sa mga papremyo sa raffle. Ang programa ay pinamunuan ni John Martin Rey Estrera ng Office of the Speaker. 


Ang mga nagsilbing host ng programa ay sina Lyra Jane Destriza at Neil Stephen Madrid, na pinasalamatan ang mga sumusunod upang maisakatuparan ang nasabing pagdiriwang:  Speaker Lord Allan Velasco, Secretary-General Mark Llandro Mendoza, DSG Sipin, Information and Communications Technology Service (ICTS), Institutional Information and Design Service (IIDS), Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS), Engineering and Physical Facilities Department, at Team SLAV.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

RESOLUSYON NA PUMUPURI KAY DATING MAHISTRADO PAMARAN AT NHCP, IPINASA NG KOMITE NG VETERANS AFFAIRS


Ipinasa ngayong Huwebes ng Komite ng Veterans Affairs sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamunuan ni Bataan Rep. Geraldine Roman, ang Ulat ng Komite at substitute bill sa House Resolution 1873, na inihain ni TUCP Rep. Democrito Mendoza. 


Ang panukala ay pumupuri sa retiradong mahistrado ng Sandiganbayan, Manuel Pamaran, dahil sa kanyang mahalagang paglilingkod sa bansa bilang isang intelligence operative ng kilusan ng mga guerilya noong ikalawang digmaang pandaigdig. 


Kinilala rin sa resolusyon ang walang kapantay na kontribusyon ni Pamaran bilang Presiding Justice ng Sandiganbayan, at Pangulo ng Veterans Federation of the Philippines. 


Bilang beterano, naglingkod si Pamaran nang walang pag-iimbot sa bansa, sa panahon ng kadiliman, ayon pa sa resolusyon. Naging benepisaryo siya ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Educational Benefit, na kanyang ginamit upang makapag-aral ng kursong Law sa Manuel L. Quezon University. 


Binanggit sa panukala na si Pamaran ay naglingkod nang walong taon bilang punong mahistrado ng Sandiganbayan, na may namumukod tangi at matapang na paghuhusga, at iba pa. 


Sa idinaos na pagdinig, nagmosyon si MAGDALO Rep. Manuel Cabochan III, upang aprubahan ang resolusyon, na siya namang inaprubahan ng Komite. 


Gayundin, inaprubahan ng Komite ang substitutre resolution sa HR 1912, na inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, na nagpapahayag ng pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), sa kanilang pag-apruba ng paglalagay ng historical marker upang magpugay sa namayapang bayani ng ikalawang digmaang pandaigdig, at Kagay-anon Antonio Julian C. Montalvan. 


Idinagdag naman bilang co-authors ng HR 1912 sina South Cotabato Rep. Shirlyn Banas-Nograles at APEC Rep. Sergio Dagooc.        


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

MUNGKAHING SUSPINDIHIN ANG EXCISE TAX SA LANGIS, TINALAKAY NG KOMITE NG ENERHIYA


Kaagad na tumugon ngayong Huwebes ang Komite ng Enerhiya sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Deputy Majority Leader Juan Miguel Macapagal Arroyo, sa panawagan ng Department of Energy (DOE), na isaalang-alang ang pagbibigay ng awtoridad sa ahensya na suspindihin ang excise tax sa langis. 


Nagsagawa ng pagpupulong ang Komite hinggil sa implikasyon ng iminungkahing suspensiyon, gayundin ang pagsusuri sa mga probisyon ng Republic Act 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998. 


Ayon kay Arroyo ang panukala ay makakaapekto sa revenue generation ng bansa, kaya kailangang kumonsulta sa Department of Finance (DOF). 


Sa layuning maibsan ang mga pasanin ng mga Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, iniharap ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ang rekomendasyon ng ahensya, na amyendahan ang Section 43 ng RA 10963 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, na payagan ang pagsuspinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo. 


Tinalakay din ni Abad ang mga iminungkahing pag-amyenda ng DOE sa RA 8479, na binubuo ng 1) pagdaragdag ng seguridad ng probisyon ng suplay at 2) pag-uutos sa mga kompanya ng langis na magsumite ng hindi pinagsama-samang lingguhang pagsasaayos ng presyo at pump price. 


Binigyang-diin ni DOE Secretary Alfonso Cusi na hindi ito para sa DOE, kungdi para sa mamamayang Pilipino, na patuloy na nahihirapan sa pananalapi sa panahon ng pandemya. 


Samantala, tinutulan naman ni DOF Strategy, Economics, at Results Group Director Euvimil Nina Asuncion ang panukalang pagsuspinde sa excise tax, at sinabing makakasama ito sa pagbangon ng ekonomiya at pangmatagalang paglago ng bansa. 


Para kay Asuncion “better and more equitable” na solusyon ay ang pagpapatupad ng mabilis, at naka-target na suporta sa mga mahihinang sektor. Aniya ang Development Budget Coordination Committee (DBCC), sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ay gumagawa na ng cash subsidy program para sa mga driver ng public utility vehicle na aabot sa P1 bilyon. 


Bago matapos ang pagpupulong, hinimok ni Arroyo ang DOE at ang DOF na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa isa't isa, para magkaroon ng patas na kasunduan, kung saan ang mga mamimili at ang ekonomiya ay hindi magdurusa nang labis. Tiniyak niya na susuportahan ng Komite ang panukalang sinang-ayunan ng dalawang ahensya.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Wednesday, October 27, 2021

IMBESTIGASYON HINGGIL SA PAGBABA NG MGA PRESYO NG PALAY, SINIMULAN NG KOMITE

Sinimulan ngayong Martes ng Komite ng Agriculture and Food sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, ang deliberasyon sa dalawang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang pagbaba ng presyo ng palay.


Ang House Resolution 6 na inihain ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing ay nananawagan ng imbestigasyon, bilang ayuda sa lehislasyon, sa bumabagsak na presyo ng palay.


Gayundin, ang HR 320 na inihain ni Deputy Speaker Evelina Escudero ay nananawagan ng pagsisiyasat, bilang ayuda sa lehislasyon, sa kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka lalo na sa pagtatanim, pagbebenta, at pagpepresyo ng palay.


Ang parehong panukala ay naglalayong magmungkahi ng mga panukalang batas, na magpapagaan sa pasanin ng mga magsasaka ng palay sa bansa.


Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ni Enverga na sisiyasatin ng Komite ang bumabagsak na presyo ng palay. 


Aniya, batay sa mga ulat noong huling bahagi ng Setyembre, bumaba ang presyo ng palay hanggang ₱10/kg sa Oriental Mindoro, habang ₱12 hanggang ₱14/kg sa Nueva Ecija, Isabela, Camarines Sur at Ilocos Norte.


“This is a precarious situation. We don’t want our farmers to stop planting. It will be best if we address the factors that caused the drop of palay prices,” ani Enverga.


Sa pagtalakay naman tungkol sa pag-aangkat ng bigas, sinabi ni Department of Agriculture Bureau of Plant Industry (DA BPI) Director George Culaste na pinangangasiwaan ng BPI ang pagpapalabas ng sanitary at phytosanitary import clearance (SPSIC) para dito, sa paraang hindi magkakasabay ang pagdating ng mga inangkat na bigas sa panahon ng lokal na pag-aani ng mga magsasaka.


Samantala, iniugnay ni Raul Montemayor ng Federation of the Free Farmers Cooperatives, Inc. (FFFCI), ang mga sanhi ng pagbaba ng presyo ng palay sa pagtaas ng mura at mababang halaga ng mga inangkat, maulan na panahon, at kakulangan ng mga pasilidad pagkatapos ng anihan, at iba pa.


Sa kanyang pagbubuod, ipinahayag ni Suansing na kailangan nilang: 1) subaybayan ang pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), dahil makakatulong itong mabawasan ang gastos sa produksyon, 2) isaalang-alang ang oras sa pamamahagi ng mga binhi, at 3) buuin ang mga magsasaka bilang kooperatiba, upang maging kuwalipikado silang tumanggap ng mga makinarya sa sakahan.


Ipagpapatuloy ng Komite ang imbestigasyon sa susunod na pagdinig.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

WEBINAR SA DATA PRIVACY SA NEW AT NEXT NORMAL, ISINAGAWA NG KAPULUNGAN

Nagdaos ngayong Martes ang Information and Communications Technology (ICT) ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ng isa pang webinar bilang bahagi ng pagdiriwang ng HRep Month 2021, na may pamagat na “Data Privacy in the New and in the Next Normal: Life amidst the Pandemic.”


Sinabi ni Dir. Atty. Vaneza Defensor ng Office of the Secretary General (OSG), na ang mga palagiang pagsasanay at kamalayan, tulad ng webinar sa data privacy, ay nagbibigay sa empleyado ng Kapulungan, na muling balikan ang mga pinagtibay na haligi ng pagsunod sa kasalukuyang mga kalagayan, kung saan ang lahat ay halos ginagawa online.


Binanggit niya na ang House Data Privacy Committee sa pamumuno ni Legislative Operations Department (LOD) Deputy Secretary General (DSG) Atty. Dave Amorin, ay ginawa na ang mga alituntunin sa data privacy at data breach.


Bukod dito, sinabi niya na ang Kapulungan ay nagpatibay ng mga patnubay na agency-specific at nagpatupad ng mga patakaran, upang matiyak ang kaligtasan at seguridad para sa personal na data, at sensitibong personal na impormasyon.


Nakipagtulungan ang House ICT at OSG sa National Privacy Commission (NPC), para itaas ang kamalayan tungkol sa kung paano mas mapoprotektahan ang personal na data, at sensitibong impormasyon bilang isang institusyon. Sinabi ni NPC Policy Review Division Chief at Atty. Vida Zora Bocar na masusing tinalakay ang pinasimpleng limang haligi ng pagsunod sa Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act (DPA) of 2012, para sa parehong pampubliko at pribadong sektor.


Ito ay: 1) pagtatalaga ng Data Protection Officer (DPO), ang focal person na magtitiyak ng proteksyon ng mga karapatan at obligasyon sa privacy ng data, sa loob ng ahensya; 2) pagsasagawa ng Privacy Impact Assessment (PIA), upang suriin ang mga banta sa privacy at mga panganib sa pagproseso ng personal na data; 3) Privacy Management Program (PMP), na nagsisilbing gabay ng ahensya para sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng personal na data; 4) pagpapatupad ng PMP sa pamamagitan ng Security Measures, upang magarantiya ang pagiging epektibo ng mga alituntunin sa privacy ng data na ipinataw sa loob ng ahensya; at, 5) Data Breach Response, na isang diskarte para sa pagpigil at pagpapagaan sa mga epekto ng personal na data breach.


Binanggit din ni Bocar na ang lahi, etnikong pinagmulan, relihiyon at pulitikal na kaugnayan, kalusugan, genetic o sekswal na buhay, gayundin ang mga personal na numero na ibinigay ng gobyerno ay lahat ay itinuturing na sensitibong personal na impormasyon.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

WEBINAR, SUMENTRO SA "DIY RECYCLE, REUSE, REPURPOSE"

Upang ipagdiwang ang Buwan ng Kapulungan ng mga Kinatawan 2021, hinikayat ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), na pinamumunuan ni SAA Ret. Police Major General Ma O Aplasca ang mga opisyal ng Secretariat at mga kawani na maging eco-friendly sa pamamagitan ng "DIY Recycle, Reuse, Repurpose" webinar na ginanap ngayong Martes.


Sinikap nitong itaas ang kamalayan ng mga kawani ng Kapulungan, kung papaano pamahalaan ang kanilang mga basura at gawing kapaki-pakinabang ang mga recyclable na materyales. Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng kaniyang suporta si Secretary General Mark Llandro Mendoza sa pagsisikap ng Kapulungan na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran, at nabanggit niya na si Speaker Lord Allan Velasco ay nagpasimula rin ng mga plano at programa, na naglalayong bawasan ang basura sa loob ng Batasan Complex.


Tinalakay naman ni The Plastic Flamingo (The Plaf) Communication and Marketing Associate Allison Audrey Tan sa webinar ang kanilang misyon na makipag-ugnayan sa mga sambahayan, na gawing matibay na eco-lumber ang mga basurang plastik, gayundin kung papaano makakapag-ambag ang mga dumalo sa proyekto ng The Plaf.


Nagpalabas naman ng mga video ang OSAA na nagtatampok ng do-it-yourself na mga gamit sa bahay, at mga dekorasyon na maaaring gawin ng mga kawani gamit ang mga recyclable na materyales.


Naglaan din ng oras si Aplasca upang pag-usapan ang mga pagbabagong naidagdag, upang mas mapaigting ang kaligtasan at seguridad sa Kapulungan na inilatag ni Speaker Velasco at ng mga opisyal ng Kapulungan, upang gawin itong isa sa pinakaligtas na institusyon ng pamahalaan sa bansa.


“Ginagawa natin ito para maprotektahan natin ang ating mga empleyado, our respective families, and communities.  Kailangan po namin ang inyong pang-unawa at kooperasyon,” aniya.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

-QC GOVERNMENT, DAPAT MAGBIGAY NG YEAREND INCENTIVES SA MGA KAWANI NITO — DEFENSOR

Hinimok ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na bigyan ng year-end incentives ang lahat na mga empleyado nito katumbas ng isang buwang sahod.


Sinabi ni Defensor na maging isang karagdagang financial assistance ang insentibong ito sa mga city personnel na karamihan, kagaya sa mga nakararami, ay nagdusa sa kahirapang pang-ekonomiya na dulot ng Covid-19 pandemic.


Ayon sa kanya, mayroong pinansiyal na kapasidad ang lungsod para makapamigay ng year-end bonus.


Idinagdag pa ng solon na batay sa sariling ulat ng lungsod, nakakolekta ang pamahalaan ng P22 bilyon magmula sa local taxes noong 2020 at tinatayang makaka-kolekta pa ng mas mataas ngayong taon, maliban pa sa bilyones na internal revenue allotments bilang bahagi ng share nito mula sa national taxes.





“Clearly, the city can afford the extra one-month salary, in addition to other incentives and compensation city employees are entitled to under the law,” he added.


Defensor pointed out that Quezon City owes its financial stability largely to its personnel and residents religiously paying their taxes.


“It’s high time the city shows its appreciation to its workforce through an additional one-month salary grant,” he stressed.


He said all city employees, whether permanent, casual or contractual, should receive the incentive.


Earlier, District 2 Councilor Winnie Castelo, Defensor’s vice mayor-candidate, made a similar call.


The Defensor-Castelo Malayang Quezon City team has unveiled a P17-billion economic recovery package that calls for direct financial aid to the poor and small businesses, improved pandemic responses and new infrastructure projects.


The two have also proposed a five-percent tax discount to all businesses in the city.

-2022 BADYET, ISINUMITE NA NG KAMARA SA SENADO NANG MAS MAAGA SA ITINAKDA PETSA

Nasa wastong landas ang pagsasabatas ng panukalang P5.024-T national budget para sa 2022 bago matapos ang taon, matapos ito isumite ng Kamara sa Senado noong Lunes, ika-25 ng Oktubre.


Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na ang mga printed copy ng inaprubahang 2022 General Appropriations Bill (GAB) ay ipinadala na sa Senado, na mas maaga ng dalawang araw sa itinakdang petsa na October 27 ng Kapulungan.


Sa kaganapang ito, sinabi ni Velasco na ang Kamara ay nasa wastong oras na ipadala ang napakahalagang panukalang badyet kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, para sa kanyang lagda sa Disyembre nitong kasalukuyang taon.


Habang ang ekonomiya ay unti-unting umuusad para sa ganap na pagbubukas, sinabi ni Velasco na siya ay extremely hopeful na ang national budget ay makatutulong sa pagpapasigla ng pambansang ekonomiya tungo sa isang strong recovery magmula sa 2022.


Sinabi pa ng pinuno ng House  na hindi mapapasubalian ang kahalagahan ng pagsasabatas ng pambansang badyet sa pagsisimula ng fiscal year sa a-uno ng Enero, 2022.



(“In line with our commitment to ensure the timely enactment of next year’s national budget, we have transmitted to the Senate the 2022 GAB duly approved by the House ahead of schedule,” ani Velasco.


“In doing so, we hope to give our senators reasonable time to scrutinize and pass their own version of the GAB as we look forward to the bicameral conference where we can thresh out and reconcile the differing provisions of the House and Senate versions,” dagdag pa niya.)


“We cannot afford a reenacted budget, which is expected to dampen the country’s economy from the COVID-19 crisis,” punto ni Velasco. “A reenacted budget will definitely ruin our efforts to build back better and deliver much-needed services for our kababayans amid the pandemic.” #

Tuesday, October 26, 2021

-CAYETANO, MASAYA SA KANYANG PAGIGING INDEPENDENT SENATORIAL CANDIDATE

Nagpahayag ng kagalakan si dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa pagiging independent candidate sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections


Sinabi ni Cayetano na masaya siya bilang isang independent at sa palagay daw niya, puwede niyang kausapin ang lahat na mga presidentiables na payag makipag-usap sa kanya.


Nagtungo si Cayetano kahapon sa Lucena City, Quezon upang makipag-usap sa mga coconut farmer.


Binigyan ni Cayetano ng kopya ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magniniyog bilang simbolo ng pagtupad sa kanyang pangako.


Noong kampanya para sa 2016 elections, nangako si Cayetano at si Duterte sa mga coconut farmer ng Lucena na tutulungan ang mga ito. Si Cayetano ang running mate ni Duterte.





“It’s more sentimental, because we made a promise to coconut farmers together dito sa Quezon,” sabi ni Cayetano.


Dagdag pa ng mambabatas: “First and foremost, it’s our campaign promise of Duterte-Cayetano (to) farmers, coco farmers, secondly I was the principal author (in the) House. So I’m here to support that.”


Inamin ni Cayetano na hindi ito pabor sa lahat ng ginawa ng administrasyong Duterte pero marami rin naman umano itong tamang ginawa.


Mayroon pa umanong “last two minutes” ang administrasyon para tapusin ang mga natitira nitong proyekto at programa.


“At di ba tayong mga Pilipino, mahilig tayo sa basketball e, so yung last two minutes napaka-importante. Ang daming projects na pwedeng tapusin in the ‘last two minutes,’” sabi pa ni Cayetano.


Si Duterte ay manunungkulan hanggang Hunyo 2022. (Billy Begas)


Cayetano masaya sa pagiging independent

Monday, October 25, 2021

700 NA DONASYONG TESTING MACHINE, NAKATENGGA

Isiniwalat ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor na mayroon umanong 700 test machines na donasyon sa Pilipinas at maaaring gamitin para ma-detect ang COVID-19 virus sa loob ng 45 minuto ang hindi ginagamit ng gobyerno.


Sinabi ni Defensor, nagbigay ang Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis and Malaria ng mga GeneXpert machine sa Department of Health (DOH) upang mabilis mabilis na ma-diagnose ang TB kasama na ang multidrug-resistant TB.


Naglabas na ang World Health Organization (WHO) ng panuntunan kaugnay ng paggamit ng TB laboratories bilang COVID-19 testing sites.


Ngunit ayon kay Defensor, nais ng Health Facilities and Services Licensing Bureau ng DOH na kumuha umano ng lisensya ang mga TB laboratories bago payagang mag-test ng coronavirus.


“The problem, as usual, is bureaucratic red tape, as if we are not in the middle of a public health emergency,” punto ni Defensor.


Kung gagamitin umano ang mga GeneXpert unit ay magiging halos 1,000 na ang mga COVID-19 testing laboratory sa bansa na magpapabilis sa COVID-19 testing.


“The DOH should harness all our GeneXpert machines to help put a downward pressure on the elevated cost of COVID-19 testing services offered by private laboratories,” dagdag pa ni Defensor.


Sa kasalukuyan ay mayroong 287 lisensyadong pampubliko at pribadong COVID-19 testing laboratory sa bansa– 118 sa mga ito ay nasa Metro Manila, 80 sa iba pang bahagi ng Luzon, 43 sa Visayas at 46 sa Mindanao.


Sa ilalim ng panukalang 2022 national budget, sinabi ni Defensor na P5.1 bilyon ang inilaan ng DOH para sa “COVID-19 Laboratory Network Commodities”.


“But if the DOH will simply mobilize all our GeneXpert units for COVID-19 testing, then there may be no need for the government to buy additional RT-PCR machines,” punto ni Defensor.


Ang kailangan na lamang umanong bilhin ng DOH ay mga cartridge-based Xpert Xpress SARS-Cov-2 test kit na gagamit ng GeneXpert machines sa pag-detect ng COVID-19.

MGA KABATAANG PRE-KINDER SA KAPULUNGAN, NAGDAOS NG PAGTATANGHAL SA ONLINE SA PAGDIRIWANG NG HREP MONTH AT BUWAN NG UNITED NATIONS

Nagdaos ngayong Lunes ang Early Childhood Care and Development Center (ECCDC) sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ng isang online na pagtatanghal para sa United Nations (U.N.) Month, kasabay ng pagdirwang ng HRep Month 2021.


Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Director Anabelle Hufanda, Officer-in-Charge ng Human Resource Management Service (HRMS), na ang 2021 United Nations Program ng HRep-ECCDC ay isang paalala, na dapat nating tanawin ang makabuluhang hinaharap.


Binanggit niya na binibigyang-diin ng programa ang kahalagahan ng matibay na pagsasamahan, sa pagitan ng mga bata at kanilang mga pamilya.


Ang bawat mag-aaral sa pre-kindergarten 1 at 2 ng HRep ECCDC ay nagdaos ng virtual na pagtatanghal, kasama ang kani-kanilang pamilya, upang ilarawan ang mga iba’t ibang kultura, sayaw at mga lokal na pagkain ng iba’t ibang bansa sa mundo. Kumatawan ang mga bata sa mga bansa ng Pilipinas, India, China, Indonesia, Kingdom of Saudi Arabia (KSA), Japan, Egypt, Greece, United States of America (USA), South Korea, Samoa, Fiji Island, Portugal, France, Canada, Mexico at Hawaii. Sama-samang sumayaw din ang mga bata ng HRep Pre-K 1 at 2 sa online, sa himig ng “I’ve Got Peace Like a River” at “Can’t Stop that Feeling.”


Samantala, pinaalalahanan ni Administrative Department Deputy Secretary General (DSG) Dr. Ramon Ricardo Roque, CESO I, Diplomate, ang bawa’t isa sa misyon ng UN, na magkaisa ang mga bansa upang makamtan pandaigdigang kapayapaan at pagkakaisa.


Bukod rito, sinabi niya na dapat tayong magsimula sa ating mga anak at kaapo-apuhan, kung nais nating makabawi sa makatarungan at napapanatiling daigdig.      


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

ULAT NG KOMITE SA SUBSTITUTE BILL HINGGIL SA BARANGAY MICROFINANCE SYSTEM, APRUBADO

Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Micro, Small and Medium Enterprise Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni MANILA TEACHERS Rep. Virgilio Lacson, ang ulat ng Komite sa substitute bill sa House Bill 7968, batay sa mga rekomendasyon ng Komite ng Ways and Means at Appropriations.


Ang panukala ay iniahin ni Bataan Rep. Geraldine Roman, na naglalayong itatag ang barangay microfinance system.


Bago inaprubahan ang ulat ng Komite, inaprubahan ng Komite, batay sa amyenda at istilo ang substitute bill.


Ang panukala ay nilalaman ng ulat ng TWG na iprinisinta ni TWG Chairman, Misamis Oriental Rep. Christian Unabia.


Sa idinaos na pagdinig, tinalakay ni Unabia ang mga probisyon at amyenda sa panukala.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Roman na ang pangunahing layunin ng panukala ay itatag ang isang sistema, na aabot sa antas ng pinakamahihirap, ang mga barangay.


Iginiit niya ang kahalagahan ng pautang lalo na sa panahon ng pandemya.


Ayon kay Roman, “Maraming pamilya ang nabibiktima ng mga nagpapa 5-6. Maraming pamilya ang nabibiktima ng mga foreign nationals na mga usurious ang kanilang interest rates.


Sinabi niya na sa pamamagitan ng barangay microfinance system, “makapag create tayo ng sistema where credits are accessible.”


Sa ilalim ng panukalang “Barangay Microfinance Cooperative Act,” ay itatatag ang isa o higit pang Barangay Microfinance Cooperatives (BMCs) sa bawat barangay, na pangangasiwaan ng mga residente ng barangay.


Sinabi ni Roman na layon ng panukala na turuan ang mga mamamayan na maging “responsible sa panghihiram ng pera.”


Inilarawan ni Lacson na ang panukalang barangay microfinance system ay isang game changer, na makatutulong ng husto sa mga mamamayan.


Samantala, sinabi naman ni Bulacan Rep. Lorna Silverio na makatutulong ang sistema, upang makabawi ang bansa mula sa lugmok na ekonomiya.        


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

MGA PROGRAMA SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN, ISINULONG SA KAMARA NA MABIGYANG PRAYORIDAD

Nanawagan si San Jose Del Monte City Rep Florida Robes na bigyang prayoridad ang kalusugang pangkaisipan sa gitna ng lumalaking bilang ng insidente ng depresyon at pagpapakamatay sanhi ng pandemyang dulot ng COVID-19.


Binigyang diin ni Robes na lumolobo ang bilang ng tinatamaan ng sakit sa pag-iisip sa nakalipas na dekada na lalo pang pinalala ng pandemya.


Sinabi ng mambabatas, isa sa mga guest speaker sa Philippine Press Institute online forum, nasa 5% lamang ng pondo ng Department of Health (DOH) ang nakalaan sa mental health program.


Ayon sa kanya, marami siyang natanggap na ulat sa isyu ng kalusugang pangkaisipan sanhi ng kawalan ng katiyakan na dulot ng pandemya.


Ito aniya ang dahilan kaya’t naghain siya ng panukalang batas, ang House Bill 9980 na magtatatag ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan na magiging kauna-unahan sa bansa sa oras na maipasa bilang batas.






Noong nakaraang buwan ay inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang panukala at hinihintay na lang ang pag-apruba rito ng Senado.


Sinabi pa ni Robes na popondohan ng pamahalaang lungsod ng SJDM ang itatayong mental health clinic sa pakikipag-ugnayan sa DOH. Magkakaloob ito ng serbisyo kabilang ang counselling at theraphy, crisis counseling at intervention, medication, evaluation and management, group therapy, mindfulness meditation, after-hours care at iba pang serbisyong may kaugnayan sa pangkaisipan.


Bukod pa aniya rito ang pagbibigay ng psychotherapy sa pasyenteng dumaranas ng maraming karamdaman sa utak tulad ng management of difficult emotions, pagkabalisa at pagkakunsumi, childhood trauma, isyung pang-kultura, life transitions, depresyon, parenting issues, post-traumatic stress disorder, domestic abuse pati na ang family at interpersonal conflicts


Inakda rin ni Robes ang iba pang panukalang batas na naglalayong palakasin ang serbisyong pangkalusugan ng kaisipan sa paaralan, kolehiyo at unibersidad. Sinabi niya na ang HB 10284 o ang An Act Strengthening the Mental Health Services of State Universities and College at ang HB 10327  o ang An Act Strengthening the Promotion and Delivery of Mental Health Services Through Hiring and Deployment of Mental Health Professionals ay inaprobahan na ng Committee on Health at nakatakda ng aprobahan sa ikalawang pagbasa sa pagbubukas ng Kongreso sa susunod na buwan. RNT

PANUKALA HINGGIL SA MAPAGKUKUNAN NG PONDO PARA SA NATIONAL MUSEUM, TINALAKAY

Tinalakay ngayong Huwebes ng Komite ng Basic Education at Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Pasig City Rep. Roman Romulo, ang House Bill 7621, na naglalayong magtatag ng balangkas para sa pagpopondo sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng National Museum of the Philippines, sa pamamagitan ng taunang General Appropriations Act (GAA).


Ang pagpopondo ay karagdagan at susuportahan ang pagpapaunlad ng K-12 na edukasyon sa bansa. 


Inihain ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, layon din ng panukalang batas na kilalanin ang kahalagahan ng mga museo sa pagkakumpleto at non-formal na edukasyon ng mga mag-aaral. Sa online na pulong, sinabi ni Department of Education Assistant Secretary for Finance-Budget and Program Monitoring, and Procurement Ramon Fiel Abcede na tinatanggap ng DepEd ang panukalang batas, na nagmumungkahi ng benchmarking para sa paglalaan ng pondo ng isang porsyento mula sa badyet ng DepEd. 


Sinabi niya na kukunsulta din siya sa kanilang legal na dibisyon tungkol dito. Sumang-ayon ang Komite na tapusin ang pagkakaloob ng pagpopondo ng panukalang batas sa ilalim ng Seksyon 3 sa susunod na pagdinig. 


Samantala, nagsagawa rin ang Komite ng isang pangangasiwa na pagtalakay sa sariling wikang na may aprubadong ortograpiya sa ilalim ng K-12 na katutubong wika batay sa multilingual na edukasyon. 


Tinanong ni Romulo kung bakit ang ortograpiya sa tatlong pangunahing wika ay tinatapos pa rin samantalang ang mga aklat na ito ay nailathala na. 


Ang mga opisyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) at DepEd ay nagbigay sa Komite ng mga huling kaganapan sa mga monograpiko at ortograpiko, na mga naibahagi ng inang-wika sa mga materyales, sa pag-aaral na tinatapos ng dalawang ahensya.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

-PAGGAMIT NG COMMERCIAL FLIGHTS SA DEPLOYMENT NG MGA SUNDALO, INIREKOMENDA SA KAMARA

Hinimok ni House Committee on Strategic Intelligence chairperson at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang Department of National Defense (DND) na pasakayin muna ng commercial flight ang mga sundalo habang wala pa ang mga eruplanong bibilhin ng Philippine Air Force.


Ayon kay Pimentel, kung halimbawa may isang dagliang pag-deploy ng mga sundalo sa isang lugar at walang available na military aircraft, ang commercial o chartered flight ay kanilang inirekomenda.


Sinabi niya na maaaring maglaan ang Kongreso ng pondo para pambayad sa mga commercial flights.


Bukod sa mas magiging komportable ang mga sundalo ay makatutulong din umano ito sa pagbangon ng local airline industry na isa sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.





Noong Hulyo 4, isa sa dalawang C-130H place ng PAF ang naaksidente habang papalapag sa Jolo Airport sa Sulu province kung saan nasa 50 ang nasawi.

Hindi nagtagal ay naglaan ang Kamara de Representantes ng P5.5 bilyon sa ilalim ng 2022 national budget para makabili ang PAF ng limang C-130J Super Hercules plane mula sa American aerospace and defense contractor na Lockheed Martin Corp.


“We are all for the purchase of the new aircraft. Besides their military use, the new planes will improve our capacity to swiftly deploy emergency first responders as well as relief supplies to provinces hit by typhoons, earthquakes, and other natural disasters,” sabi ni Pimentel.


Ang Super Hercules ay isang versatile four-engine turboprop troop and cargo transport aircraft na maaaring makalipad at makalapag sa maikli at malubak na runway.


Ang bawat C-130J ay kayang magsakay ng 92 pasahero o 64 fully equipped soldier.

Free Counters
Free Counters