ULAT NG KOMITE SA SUBSTITUTE BILL HINGGIL SA BARANGAY MICROFINANCE SYSTEM, APRUBADO
Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Micro, Small and Medium Enterprise Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni MANILA TEACHERS Rep. Virgilio Lacson, ang ulat ng Komite sa substitute bill sa House Bill 7968, batay sa mga rekomendasyon ng Komite ng Ways and Means at Appropriations.
Ang panukala ay iniahin ni Bataan Rep. Geraldine Roman, na naglalayong itatag ang barangay microfinance system.
Bago inaprubahan ang ulat ng Komite, inaprubahan ng Komite, batay sa amyenda at istilo ang substitute bill.
Ang panukala ay nilalaman ng ulat ng TWG na iprinisinta ni TWG Chairman, Misamis Oriental Rep. Christian Unabia.
Sa idinaos na pagdinig, tinalakay ni Unabia ang mga probisyon at amyenda sa panukala.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Roman na ang pangunahing layunin ng panukala ay itatag ang isang sistema, na aabot sa antas ng pinakamahihirap, ang mga barangay.
Iginiit niya ang kahalagahan ng pautang lalo na sa panahon ng pandemya.
Ayon kay Roman, “Maraming pamilya ang nabibiktima ng mga nagpapa 5-6. Maraming pamilya ang nabibiktima ng mga foreign nationals na mga usurious ang kanilang interest rates.
Sinabi niya na sa pamamagitan ng barangay microfinance system, “makapag create tayo ng sistema where credits are accessible.”
Sa ilalim ng panukalang “Barangay Microfinance Cooperative Act,” ay itatatag ang isa o higit pang Barangay Microfinance Cooperatives (BMCs) sa bawat barangay, na pangangasiwaan ng mga residente ng barangay.
Sinabi ni Roman na layon ng panukala na turuan ang mga mamamayan na maging “responsible sa panghihiram ng pera.”
Inilarawan ni Lacson na ang panukalang barangay microfinance system ay isang game changer, na makatutulong ng husto sa mga mamamayan.
Samantala, sinabi naman ni Bulacan Rep. Lorna Silverio na makatutulong ang sistema, upang makabawi ang bansa mula sa lugmok na ekonomiya.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
<< Home