Wednesday, April 20, 2016

National Public School Database, itatatag

Ipinanukala sa Mababng Kapulungan ang pagtatatag ng National Public School Database upang maisaayos ang proseso ng pag-ienrol at ang gawaing administratibo ng mga guro ay maging mas epesiyente.

Ayon sa inihaing HB05974 ni Valenzuela City Representative Sherwin Gatchalian, layunin nito magkaroon ng National Public School Information Office na siyang mag-develop at magmintina ng isang database na naglalaman ng impormasyon hinggil sa isang estudyante kagaya ng mga grado sa eskuwela, personal data, good moral record at improvement tracking.

Sinabi ni Gatchalian na ang naturang panukala ay hindi lamang magsesilbe bilang isang bahagdan para sa proteksiyon o safekeeping ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang pagkakaroon ng pagpapaibayo ng mabilis na public access to edukasyon.

Sa ilalim ng panukala, tanging ang mga school administratior ang bibigyan ng kapangyarihan na magkaroon ng access sa mga datus na nakapaloob sa naturang database.
Free Counters
Free Counters