Mga probisyon sa legal separation, palalawigin
“Hindi mawawalang-bisa
sa pamamagitan ng legal separation ang paghihiwalay ng mag-asawa, ngunit ito ay makakapawi sa
pagdurusa ng naaagrabiyadong partido.” Ito ang tinuran ng dalawang mambabatas sa
kanilang paghain ng panukala, ang HB05238.
Sinabi nina
Gabriela partylist Represenatives Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan, mga
may-akda ng naturang panukala, na sakaling maipasa ang kanilang proposal,
palalawigin nito ang mga batayan sa legal separation sa pamamagitan ng pagbibigay
ng opsiyon sa kabiyak, lalu na ang esposa o babae, na maka-iwas o umalis sa
isang magulong pagsasama.
Isa sa mga
mahahalagang probisyon na nais isama sa batas ay ang pagsasama sa mga batayan o
grounds para sa legal separation ang physical, psychological, financial or
economic or sexual violence, o anupamang serious banta o attempt to inflict violence
against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner.
Iginiit ng
mga mambabatas na ang mga naturang amiyenda sa batas ay naaayon na rin sa Magna
Carta of Women na ipinasa na upang makamit at mapaganda pa ang mga karapatan ng mamamayan sa
kanilang pantaong dignidad.
<< Home