Gawing boluntaryo at hindi na cumpolsory sa mga teacher ang manilbihan sa eleksiyon, ganap na na batas
Naging
ganap na na batas ang naunang panukala sa mababang kapulungan, ang HB05412, na
may layuning gawing boluntaryo na o non-compulsory na para sa mga guro sa
pampublikong paaralan na maninilbihan bilang mga kagawad o yaong tinatawag na electoral
boards o EBs sa halalan tuwing nagaganap ang eleksiyong lokal at nasyonal.
Natakalatag
din sa batas ang mga benepisyo sa mga magsisilbe sa eleksiyon kung saan ang Chairperson
of Electoral Boards ay makatatanggap ng P6,000.00, Members of Electoral Boards
ay P5,000.00, DESO ay P4,000 at Support staff ay P2,000.00.
Dati-rati,
requirement para sa mga public school teachers na magsilbe tuwing nagaganap ang
halalan batay na rin sa dating batas hinggil sa eleksiyon.
Nilagdaan
ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang naturang batas, ang Republic Act No.
10756 noong nakaraang ika-8 ng Abril 2016, hudyat na ito ay handa nang ipatupad sa
darating na eleksiyon.
Ang
batas ay pinamagatang “An Act Rendering Election Service Non-Compulsory for Public School Teachers, Authorizing the Appointment of Other Qualified
Citizens, Providing for Compensation and Other Benefits."
<< Home