Mandatory PhilHealth coverage para mga PWD, itinutulak sa Kamara
Mariing
itinulak ni Quezon City Representative Alfredo Vargas ang kanyang panukala, ang
HB06251 na magmamando sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)
na i-enrol ang lahat na mga may kapansanan o yaong tinatawag na mga PWD o persons
with disability sa National Health Insurance Program (NHIP) ng nabanggit na
tanggapang pamahalaan.
Sinabi
ni Vargas na ang pag-amiyenda sa RA 7277, as amended, na kilala bilang Magna
Carta for Persons with Disability ay magmamando sa PhilHealth na ang lahat na mga
PWD ay kailangang maisama na maging miyembro ng naturang programa dahil may
iilan pa ring mga may kapasanang hindi nai-enroll sa NHIP.
Ayon
sa kanya, ang pondo para sa naturang programa ay manggagaling sa proceeds sa
koleksiyon ng sin tax batay na rin sa probisyon ng RA10351 na kilala bing Sin
Tax Reform Law of 2012.
Idinagdag
pa ni Vargas na ang mga PWD ay kumakatawan sa isa sa mga sector kung saan prayoridad
sila sa health development na binanggit sa 1987 Constitution batay na rin sa
Social Justice and
Human Rights clause.