Thursday, May 28, 2009

Political catfight: Rep. Amante’s wife to run vs. alleged mistress for mayor

Hell hath no fury than a wife scorned.

The wife of Agusan del Norte Rep. Erlpe John Amante is set to run for mayor of Cabadbaran City against his alleged mistress, a scion of a politican clan whom he has reportedly taken to introducing as his “soulmate.”

In a press conference, Judy Chin-Amante confirmed her plan to run for mayor. She said she is hopeful that her sister-in-law, Gov. Maria Angelica Amante-Matba, will support her bid though the latter has yet to announce who she will be backing in the upcoming polls.

Amante-Matba is reportedly at odds with her lawmaker-brother.

“I am hoping Governor Angel will support me in 2016. My children want me to do this, to do something right for the people. My late parents-in-law served Cabadbaran well. If only they were alive today, I know deep in their hearts they won’t allow these things to happen to us,” said Chin-Amante.

Amante’s wife’s mayoralty bid will pit her against Katrina Mortola, the lawmaker’s alleged mistress, and provincial board member Rey Jamboy.

Chin-Amante said her estranged husband has been planning for Mortola to become mayor for quite some time.

“My husband has been going around the (city’s) barangays for months now with his mistress for political consultations. He had been planning this early to push his mistress to run for mayor in Cabadbaran,” she said.


20150811

Monday, May 25, 2009

Bagong Salary Standardization, aprubado na sa Kamara

Bunsod ng pagkakapasa sa Kamara ng HJR0036, ang panukalang taasan, gawing makatuwiran at pagkakaroon ng pamantayan ang suweldo ng lahat na mga manggagawa ng pamahalaan, makakaasa na ang mga empleyado ng gobyerno na ito ay maipatutupad simula ngayong darating na Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ito ang pahayag kasabay ng paninegurong ginawa ng House Speaker Prospero Nograles sa mga manggagawa matapos itong inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa noong nakaraang Miyerkules na naging resulta ng matinding talakayan ng mga mababatas sa bulwagan.

Sinabi ni Nograles na lahat ng kawani ng buong pamahalaan ay makikinabang sa programang ito, ano man ang kalagayan nila bilang manggagawa, kasama na ang lahat ng sundalo at unipormadong kagawad ng Sandatahang Lakas, sa ilalim ng hiwalay na sistema sa pasweldo na nakasaad sa HJR0036.

Ang pagsertipika ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga panukala bilang ‘urgent’ ang nagbunsod upang mapabilis ang pag-aapruba nito sa plenaryo at ang pagtataas ng sahod sa mga manggagawa ng pamahalaan ay ipatutupad sa loob ng apat na taon na magsisimula sa ika-1 ng Hulyo, 2009.

Ang HJR0036 ay kapalit na resolusyon ng HJR0024 na iniakda ni Nograles at 13 iba pang panukala na magkakahiwalay na inihain ng mga mambabatas mula sa koalisyon ng mayoridad, minoridad at mga mambabatas mula sa partylist.

Nakatakdang umpisahan na ring talakayin ng Senado ang naturang panukala upang ito ay tuwirang maipasa na at maipasa sa tanggapan ng Pangulo ng bansa upang lagdaan at maging ganap na na batas na ipatutpad sa takdang panahon.


Wednesday, May 20, 2009

Biometric system sa eleksiyon, gagamitin na sa 2010 election


Malaki ang pag-asang maalis na ang problema sa doble-dobleng pagre-rehistro ng mga botante kapag tuluyan nang maipatupad ang biometric system sa proseso ng eleksyon.

Sinabi ni Makati City Rep Teddy Boy Locsin, may akda ng HB06052, na batay sa tala ng Commission on Elections (Comelec), mayroong 48 milyon ang nakarehistrong botante sa buong bansa at 24 na milyon dito ang may kahina-hinalang tala sa Comelec.

Ayon kay Locsin kailangan magpa-rehistrong muli sa Comelec at dumaan sa proseso ng biometric ang 24 na milyon rehistradong botente.

Ipinahaya ni Locsin na tataguriang Automated Fingerprint Identification System (AFIS) ang proseso sa biometric at ito ang paraang susuri at maghahambing sa lahat ng mga fingerprint ng mga botente sa pamamagitan ng techniques nito upang alamin kung ang isang botente ay nagpa-rehistro ng higit sa isa para sa eleksyon.

Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong botante noong nakaraang barangay eleksiyon noong ika-29 ng Oktubre 2007 at ang mga nagpa-rehistro matapos ang petsang iyon ang siyang sasailalim sa proseso ng biomentricc para makaboto sila sa 2010 elections.


Mga dokumento sa pagsasabatas, madali nang makamtan


Ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagbalangkas ng mga panukalang batas ay isang mahalagang bahagi ng lehislasyon upang matiyak na ang mga ito ay naglalaman ng tunay na saloobin at hangarin ng taumbayan, kaya’t nararapat lamang na maging hayagan ang nilalaman nito sa sambayanan.

Ito ang naging pahayag ni ARC party-list Rep Narciso Santiago III sa kanyang paghahain ng HB06125 na naglalayong magtatag ng isang sistema na magpapabilis sa pamamahagi ng impormasyon hinggil sa lehislasyon.

Sinabi ni Santiago na karapatan ng mga mamamayan na malaman ang mga nilalaman ng mga usapin at panukalang batas na direktang nakakaapekto sa kanilang kabuhayan at isa na umano rito ang pagmamantine ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ng mga website na maaaring gamitin upang makakuha ng sipi ng mga mahahalagang dokumento hinggil sa iba’t ibang usapin at panukala.

Idinagdag pa ng solon na dapat lamang umano na gamitin ang teknolohiyang ito para sa mabilis na pamamahagi ng impormasyon at upang agad ding maipaabot sa kinauukulan ang mga saloobin at opinyon ng taumbayan sa mahahalagang usapin sa takdang oras.

Iminungkahi ni Santiago na walang ulat mula sa komite ang dapat na ipalabas kapag hindi ito naisumite o nabigyan ng sipi ang lahat ng mambabatas, gayun din ang taumbayan sa pamamagitan ng Internet sa loob ng 24 na oras bago ito bigyan ng halaga.


Tuesday, May 19, 2009

Pinagsusumite ng ulat ang NEDA sa Kamara hinggil sa ODA

Pinagsusumite ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez ang National Economic
Development Authority (NEDA) ng ulat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa mga programa sa pamumuhunan at pondo sa official development assistance (ODA) na nagmumula sa pamahalaan at mga ahensya ng iba’t ibang bansa.

Ayon kay Rodriguez, dapat pairalin ng Kamara ang oversight functions nitom upang mabantayan at mabusisi ang paghahanap at pamamahala ng mga inutang ng pamahalaan sa iba't ibang bansa at sumunod sa mga patakarang ipinaiiral sa ilalim ng probisyon sa pangungutang.

Sa kanyang HR01089, sinabi ng mambabatas na sa ilalim ng section 21 article 12 ng Saligang Batas, lahat ng mga inutang sa mga dayuhang bansa ay kailangang sumunod sa mga batas at patakarang ipinaiiral ng Kagawaran ng Pananalapi at lahat ng impormasyon hinggil dito ay dapat na ilahad ng pamahalaan sa mamamayan.

Ang NEDA ang ahensya umano na siyang pangunahing responsable sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan para sa kaunlaran ng pamayanan at ekonomiya.

Upang maipatupad ang mga programa ay nangungutang ang pamahalaan sa mga dayuhang bansa para pondohan ang mga proyektong ito.

Ang utang panlabas ng bansa at mga ayudang pinansyal ang nagdadala ng kaunlaran sa ating mamamayan, lalo na sa mga mahihirap na pamayanan sa mga kanayunan.


Monday, May 18, 2009

Pondo para sa pagretiro ng barangay officials, isinusulong

Makatatanggap na ng kabayaran mula sa pamahalaan ang mga opisyal ng barangay na magreretiro sa kanilang tungkulin kapag naisabatas ang HB05906 na isinusulong ni Quezon Rep Danilo Suarez.

Ang panukala ni Suarez ay nag-uutos sa bawat barangay sa bansa na maglaan ng bahagi ng kanilang taunang pondo na hindi bababa sa limang porsiyento ng taunang internal revenue allotment para sa pagreretiro ng mga opisyal ng barangay na kinabibilangan ng mga barangay tanod maging sila ay halal o hinirang, mga health worker, daycare workers at mga myembro ng lupong tagapamayapa.

Ayon kay Suarez, sa kasalukuyan, ang mga hinirang na opisyal ng barangay tulad ng kalihim, ingat-yaman, mga miyembro ng lupong tagapamayapa at mga barangay tanod ay hindi nakatatanggap ng mga benepisyo tulad ng tinatanggap ng mga kapitan ng barangay at mga kagawad na halal ng kanilang nasasakupan at bilang pagtanaw sa kanilang tapat na paglilingkod at kasipagan ay dapat lamang na sila ay gawaran ng gantimpala sa panahon ng kanilang pagreretiro.

Sinabi ng mambabatas na dapat lamang na tanawin ang lawak ng responsibilidad ng mga opisyal ng barangay dahil sila ang nangunguna sa paglilingkod sa kanilang mga kabarangay para sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan at marami sa kanila ang halos nagsilbi sa barangay sa kanilang buong buhay kahit napakaliit ng sweldo, subali’t wala silang natatanggap na benepisyo sa panahon ng kanilang pagreretiro.

Pag-amiyenda sa Coops Code, ipinanukala

Isinusulong ngayon sa Kamara ang pag-amiyenda sa 1990 Cooperative Code para lalong tumatag ang sektor ng kooperatiba sa buong bansa.

Sinabi nin Coop-Natco party-list Rep Jose Ping-ay na dapat lamang na maamiyendahan na ang naturang karta upang mareorganisa na ang Cooperative Development Authority (CDA) na itinatag sa ilalim ng Republic Act 6939, sa pamamagitan ng pagpasa ng HB05900 na kanyang inihain.

Ayon kay Ping-ay, layunin ng kanyang panukala na isulong ang pagpapatatag ng mga kooperatiba bilang isang pangunahing bahagi ng pambansang plano para sa kaunlaran.

Sa loob ng dalawang dekada ng pagpapatupad ng Cooperative Code, ayon sa kanya, marami na ang ipinagbago at inilago ng mga kooperatiba kung kaya't isinulong nila na mas lalo pa itong patatagin upang maging karapatdapat sa pandaigdigang ekonomiya at makapaghatid ng kalidad na serbisyo sa mga kasapi nito.

Ang RA 6938 o Cooperative Code of the Philippines ay itinatag noong ika-8 Kongreso pa at ito ay naglalayong isulong ang pagtatatag ng mga kooperatiba bilang tugon sa mga mamamayan upang maging masinop sila para makamit ang pansariling kaunlaran at pagtatatag ng sarili nilang kabuhayan.

Ang CDA ay itinatag upang magsilbing tagapamahala ng mga patakarang ipinaiiral sa ilalim ng kanilang mandato.

Carbon monoxide sa mga pampublikong sasakyan, iinspeksiyunin


Upang lalong matiyak na ligtas at hindi lalampas sa antas na 70 PPM (Part Per Million) ang carbon monoxide sa mga behikulo, iminungkahi ni ARC party-list Rep Narciso Santiago na lahat ng pampublikong sasakyan at ang exhaust system nito ay dadaan sa masusing inspeksiyon.

Sinabi ni Santiago na nararapat lamang na protektahan at turuan ang taumbayan sa masamang epekto ng nakalalasong carbon monoxide.

Ayon sa kanya, tinawag na silent killer ang carbon monoxide dahil walang amoy, kulay, lasa at on-irritating ito at hindi napapansin ng mga biktima ang masamang panganib sa kapaligiran kaya't kanya umanong inihain ang HB06066 na naglalayong amiyendahan ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kanyang pakikipag-usap sa Department of Health, sinabi ni Santiago na kailangang mamahagi ng mga polyetos na ikakabit sa lisensiya ng mga operator na may babala sa nakakalasong carbon monoxide at mga suhestiyon para sa wastong gagawin upang mapigilan na magkaroon ng aksidenteng pagkalason ang publiko.

Ang carbon monoxide ay isang uri ng toxic gas at lasong nakamamatay sa maraming bansa, ayon kay Santiago.

Idinagdag pa ng mambabatas na ang paglanghap ng tao nito ang siyang umaatake sa central nervous system at sa puso kaya't kailangang makalanghap ng sariwang hangin o artificial respiration at oxygen ang biktima.



Pamamahala sa mga lupain, pag-isahin na sa iisang tanggapan

Nakatakda nang talakayin sa plenaryo sa susunod ng linggo ang panukalang batas na magtatatag ng Land Administration Auhtority (LAA) na may layuning maresolbahan ang problema sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa bansa, matapos itong aprubahan ng House committee on government reorganization.

Sinabi ni Zamboanga City Rep. Erico Basilio Fabian na sa kasalukuyan, watak-watak umano ang administratibong tungkulin ng LAA sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Fabian, hawak ng Land Registration Authority (LRA) at Registries of Deeds ng Department of Justice, Land Management Bureau Land Management Service sa regional at provincial community offices, National Mapping and Resource Information Authority at CARP secretariat at tanggapan sa iba’ibang lugar ang siyang nangangasiwa sa pamamahagi at pagti-titulo ng lupa.

Sinnabi naman ni Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo, isa sa mga may-akda ng panukala, na dapat talakayin at aprubahan ito upang mapaayos na ang makatuwiran at wastong panuntunan sa mga pagtala, pagtititulo, dokumentasyon at panuntunan sa impormasyon sa lantad, kompleto at mapagkakatiwalaang pamamaraan.


Wednesday, May 13, 2009

Problema sa mahinang sanitasyon sa bansa, dapat sulosyunan

Nabahala si Zamboanga-Sibugay Rep Belma Cabilao sa kakulangan ng malawakang plano para sa kalinisan na maaaring magdulot ng problema sa pagkalat ng mga nakahahawang sakit tulad ng pinangangambahang AH1N1 virus.

Nanawagan si Cabilao, Chairperson of the House Committee on Ecology, sa Kagawaran ng Kalusugan na kagyat na magpatibay ng mga panukala na tutugon sa problema.

Sinabi ni Cabilao, dapat umanong maglaan ng pondo ang Kongreso sa pagpapagawa ng mga pampublikong palikuran sa buong bansa, bilang isa sa matagalang programa ng pamahalaan na tutugon sa kalinisan. Napakahalaga ng usaping ito dahil malamang isa ito sa sasagip sa atin sa anumang karamdaman.

Hinihimok din ng mambabatas ang mga kapwa mambabatas na maglaan ng pondo para sa ganitong proyekto sa kanilang mga distrito, imbes na gumugol ng milyon-milyong halaga sa pagkalat ng mga nakahahawang sakit tulad ng cholera, pulmonya, dengue at iba pang sakit.

Ang panukala ni Cabilao ay nag-ugat sa HR00566 na inihain ni Nueva Ecija Rep Joseph Violago na duminig sa usapin sa problema ng sewerage system sa Boracay kung saan ay ipinanukala ang mga istratehiya at plano upang mapangalagaan ang pulo mula sa mga negatibong epekto ng pag-unlad.

Hindi akalain ni Nueva Ecija Rep Eduardo Nonato Joson na hindi inaksyunan ng DOH ang problema sa sewerage system ng Boracay sa kasagsagan ng pagdinig sa Kamara sapagka’t ang usapin ay dapat na tinugunan mismo ng mga lokal na opisyales ng pamahalaan.

Ikinatuwiran ng mga kinatawan ng DOH na dumalo sa pagdinig na ang lokal na pamahalaan ang nagpapatupad ng pambansang pamantayan hinggil sa sistema ng sanitasyon.

Mas mabigat pang parusa sa pandarambong, iminungkahi

Marapat lamang na repasuhin ang kasalukuyang batas hinggil sa pandarambong o iligal na paggamit ng pampublikong pondo at marapat ding taasan pa ang parusang ipinapataw dito upang makatugon sa kasalukuyang halaga ng salapi ng bansa na may katumbas na pantay at makatarungang batas.

Ito ang iminungkani ni Camiguin Rep Pedro Romualdo sa kanyang inihaing HB05829 ng kanyang sinabi na napapanahon ito dahil ang halaga ng piso sa dolyar mula ng ipinatupad ang batas hinggil dito ay P6 hanggang P10 kada dolyar pa ang palitan at sa kasalukuyan ay P48 na sa $1 ang palitan.

Sa kasalukuyang probisyon, ayon pa kay Romualdo, sa napakaliit na halaga ng dinambong ay napakalaki ng ipinapataw na parusa kagaya ng kaso na aabot sa kulang-kulang P12,000 halaga ang dinambong, ang kaakibat na kaparusahan dito ay mula reclusion temporal sa minimum, hanggang prision correccional sa maximum kaya panahon na umano para repasuhin ang mga probisyon ng Revised Penal Code hinggil sa pandarambong na ipinatutupad sa ating bansa sa loob ng 55 taon.

Sa ilalim ng panukala ni Romualdo, ang parusang arresto mayor o pagkabilanggo ng 2 buwan hanggang at 1 araw hanggang 4 na buwan ay ipinapataw kung ang halagang pinag-uusapan ay kulang sa P10,000, at mula 4 na buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan kapag ang halagang dinambong ay mahigit na P10,000.00 hanggang P20,000. Prision correccional naman ang ipapataw (6 na buwan at 1 araw hanggang 2 taon at 4 na buwan) naman kapag mahigit sa P20,000 hanggang P30,000.00.

Kapag naisabatas ang panukala, ang pagkabigo na magsumite ng ulat ay may kaakibat na kaparusahang multa na nagkakahalaga ng P20,000 imbes na P200 hanggang P6,000. Itataas din ang multa mula 5% hanggang 50% ng halaga na dinambong ng isang opisyal ng pamahalaan, na mapapatunayang iligal na gumamit ng pampublikong pondo o ari-arian, na hindi naman magdudulot ng kasiraan o kahihiyan sa paglilingkod nito sa publiko.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang pandarambong ay isang kasalanang isinagawa ng isang opisyal ng pamahalaan na responsable sa mga pondo o ari-arian ng bayan na naglalaan, iligal na naglalaan, o di kaya ay may kapabayaan sa pamamahagi ng pondo o ari-arian para sa ibang tao. Ang pagkabigo ng isang opisyal na maglabas na pondong pinanghahawakan nito ay isang malinaw na katibayan na ginamit nito ang pondo para sa
pansariling kapakanan.

Disaster risk reduction and management bill, isinusulong

Nananawagan si Bukidnon Rep Teofisto Guingona III para sa agarang pagkakapasa ng panukalang batas hinggil sa nagsaayos sa panukalang batas hinggil sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).

Sinabi ni Guingonan na mahalagang umanong maipasa na kaagad ang panukalang batas na ito lalo na ngayong binabagyo na bansa at lubhang matindi ang pinsalang dulot ng kadadaan lamang na mga bagyong Dante at Emong.

Ayon sa kanya, layunin ng DRRM bill na lalong pag-ibayuhin ang ating kahandaan at bawasan ang pagiging bulnerable kapag panahon ng sakuna o kalamidad dahil ang pinakamatinding sakunang maaaring mangyari ay ang paghihintay na lamang natin na mangyari ang kalamidad nang wala tayong ginagawang paghahanda.

Idinagdag pa niya na dumaan na umano sa mga komite ng National Defense and Security, Millennium Development Goals, at Government Reorganization ang panukalang batas at kasalukuyang nasa Committee on Appropriations upang maaprobahan bago ito talakayin sa plenaryo.
Free Counters
Free Counters