Monday, May 25, 2009

Bagong Salary Standardization, aprubado na sa Kamara

Bunsod ng pagkakapasa sa Kamara ng HJR0036, ang panukalang taasan, gawing makatuwiran at pagkakaroon ng pamantayan ang suweldo ng lahat na mga manggagawa ng pamahalaan, makakaasa na ang mga empleyado ng gobyerno na ito ay maipatutupad simula ngayong darating na Hulyo ng taong kasalukuyan.

Ito ang pahayag kasabay ng paninegurong ginawa ng House Speaker Prospero Nograles sa mga manggagawa matapos itong inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa noong nakaraang Miyerkules na naging resulta ng matinding talakayan ng mga mababatas sa bulwagan.

Sinabi ni Nograles na lahat ng kawani ng buong pamahalaan ay makikinabang sa programang ito, ano man ang kalagayan nila bilang manggagawa, kasama na ang lahat ng sundalo at unipormadong kagawad ng Sandatahang Lakas, sa ilalim ng hiwalay na sistema sa pasweldo na nakasaad sa HJR0036.

Ang pagsertipika ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga panukala bilang ‘urgent’ ang nagbunsod upang mapabilis ang pag-aapruba nito sa plenaryo at ang pagtataas ng sahod sa mga manggagawa ng pamahalaan ay ipatutupad sa loob ng apat na taon na magsisimula sa ika-1 ng Hulyo, 2009.

Ang HJR0036 ay kapalit na resolusyon ng HJR0024 na iniakda ni Nograles at 13 iba pang panukala na magkakahiwalay na inihain ng mga mambabatas mula sa koalisyon ng mayoridad, minoridad at mga mambabatas mula sa partylist.

Nakatakdang umpisahan na ring talakayin ng Senado ang naturang panukala upang ito ay tuwirang maipasa na at maipasa sa tanggapan ng Pangulo ng bansa upang lagdaan at maging ganap na na batas na ipatutpad sa takdang panahon.


Free Counters
Free Counters