Wednesday, May 20, 2009

Biometric system sa eleksiyon, gagamitin na sa 2010 election


Malaki ang pag-asang maalis na ang problema sa doble-dobleng pagre-rehistro ng mga botante kapag tuluyan nang maipatupad ang biometric system sa proseso ng eleksyon.

Sinabi ni Makati City Rep Teddy Boy Locsin, may akda ng HB06052, na batay sa tala ng Commission on Elections (Comelec), mayroong 48 milyon ang nakarehistrong botante sa buong bansa at 24 na milyon dito ang may kahina-hinalang tala sa Comelec.

Ayon kay Locsin kailangan magpa-rehistrong muli sa Comelec at dumaan sa proseso ng biometric ang 24 na milyon rehistradong botente.

Ipinahaya ni Locsin na tataguriang Automated Fingerprint Identification System (AFIS) ang proseso sa biometric at ito ang paraang susuri at maghahambing sa lahat ng mga fingerprint ng mga botente sa pamamagitan ng techniques nito upang alamin kung ang isang botente ay nagpa-rehistro ng higit sa isa para sa eleksyon.

Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong botante noong nakaraang barangay eleksiyon noong ika-29 ng Oktubre 2007 at ang mga nagpa-rehistro matapos ang petsang iyon ang siyang sasailalim sa proseso ng biomentricc para makaboto sila sa 2010 elections.


Free Counters
Free Counters