Tuesday, May 31, 2022

MGA PINUNO NG KAMARA, BINATI ANG KONBERSYON NG ESPESYAL NA KOMITE SA PAGIGING PANGUNAHING KOMITE

Nagpahayag ng kanilang pagbati kahapon, Martes sina House Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa mga miyembro ng Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle, sa regularisasyon nito bilang pangunahing Komite sa ika-18 Kongreso, sa pamamagitan ng masugid na pagsuporta ng dalawang pinakamataas ng pinuno ng Kamara. 

Isa-isang bumisita sina Speaker Velasco at Majority Leader Romualdez sa Nograles Hall, upang batiin ang mga miyembro ng espesyal na Komite matapos nilang isagawa ang kanilang pinal na pagpupulong para sa ika-18 Kongreso. 


Nagpahayag ng kaniyang pasasalamat sa pagdinig ang Panel Chairman na si Pangasinan Rep. Ramon “Mon Mon” Guico III sa dalawang pinuno ng Kapulungan, at sa lahat ng sumuporta sa pagbabago ng espesyal na Komite bilang pangunahing Komite.  


[“First and foremost, let me convey my sincerest gratitude to the Honorable Speaker Lord Allan Velasco and Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, honorable Vice Chairs JB Buernos and Jojo Lara, honorable members of the special committee on North Luzon Growth Quadrangle, and the honorable members of the House of Representatives from North Luzon regions for the successful conversion of the special committee into a standing committee. Congratulations fellow North Luzon representatives,” ani Guico.]


Matapos ang 26 na taon mula noong unang isagawa ng Komite ang kanilang pagpupulong noong ika-28 ng Agosto 28 1995, nasabi niya na sa wakas, ang kanilang kahilingan para sa regularisasyon ng espesyal na Komite ay kinilala.  



“And we are most grateful that through our resolute efforts, this happened during the 18th Congress under our watch. Speaker Velasco and Majority Leader Romualdez gifted us with a legacy that we can pass on to the incoming Congresses,” dagdag ni Guico. 


Samantala, inimbitahan ng Komite ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. para magbigay ng pinakabagong impormasyon hinggil sa kanilang pangako, na ayusin ang mga nakabinbing petisyon sa mga akreditadong institusyong medikal sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon.  


Nais din ng Komite ng pinakabagong impormasyon sa pagpapatupad ng PhilHealth Advisory No. 2022-0010, na sumasaklaw sa pagtaas ng premium na kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth. Sinabi naman ng abogadong si Eli Dino Santos, PhilHealth Executive Vice President at Chief Operating Officer, na inaasahan ng PhilHealth na makatanggap ng hindi bababa sa kumpletong kinakailangang mga dokumento para sa pagsusuri ng mga petisyon at pagsunod sa mga umiiral na pamantayan ng pangangalaga na kinakailangan para sa pamamahala ng mga pasyente. 


Kasabay nito, sinabi ni PhilHealth Area Vice President Walter Bacareza na ang bunga ng kanilang pakikipag-ugnayan ay nagresulta ng mga pagbabago sa PhilHealth.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, May 26, 2022

PROKLAMASYON NINA BBM-SARA BILANG BAGONG HALAL NA PANGULO AT PANGALAWANG PANGULO, ISINAGAWA NG KONGRESO

Nagsama kagabi, Miyerkules ang mga Miyembro ng Kamara de Representantes at Senado sa isang Joint Public Session at iprinoklama si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na may botong 31,629,783 o 58.77 percent ng kabuuang boto at Davao City Mayor Sara Zimmerman Duterte sa bilang na 32,208,417 na boto o 61.53 percent, bilang mga bagong halal na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, sa ginananp na pambansang halalan noong ika-9 ng Mayo 2022. 

Ang proklamasyon ay idinaos sa bulwagan ng Kamara matapos na aprubahan ng mga mambabatas ang Joint Committee Report of the Joint Canvassing Committee sa Joint Public Session, kasama ang Resolution of Both Houses No.1, na nagpoproklama sa mga kandidato, na nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga boto sa halalang pampanguluhan at pangalawang pangulo. 



[Ang RBH No. 1 ay may titulong “Resolution of Both Houses,  Approving The Report  of the Joint Committee Declaring The Results of The National Elections Held on May 9, 2022 For The Office of The President and Vice President,  Proclaiming The Duly Elected President and Vice President of the Philippines.” ]



Ipinahayag nina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, namuno sa Joint Canvassing Committee, sa kanilang mga sponsorship speeches ang kanilang mga obserbasyon sa idinaos a halalan, na kanilang inilarawan na “peaceful, expeditious and orderly.” 


Pinasalamatan din nila ang kanilang mga kapwa mambabatas sa kanilang paglahok sa pagbilang ng mga boto. 







Sinabi ni Romualdez na ang Joint Canvassing Committee ay binuo noong ika-24 ng Mayo, upang bilangin ang mga boto ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo noong ika-9 ng Mayo pambansang halalan. Matapos ang isang araw, ay natapos nila ang kanilang tungkulin. 


Binanggit niya na nanguna si Pangulong Marcos sa halalang pampanguluhan ng may malawak na agwat, sa bilang na 31,629,783 boto o 58.77 porsyento ng kabuuang boto. Gayundin, sinabi niya na si Vice President Duterte, ang nanguna sa halalan sa Pangalawang Pangulo, sa bilang na 32,208,417 boto o 61.53 porsyento ng kabuuang boto. Samantala, bago nag-adjourn ang Joint Public Session ay binati ni House Speaker Lord Allan Velasco ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Pinasalamatan rin niya ang Joint Canvassing Committee sa mabilis at patas na pagbilang ng mga boto na naggarantiya sa pagtitiwala ng sambayanan sa isang malinis na halalan. “Thank you to all the Honorable members of the Joint Canvassing Committee and the Secretariat for your hard work and invaluable support in ensuring a  historic canvassing that was finished in two days,” ani Speaker. Binati ni Senate President Vicente Sotto III sina President Marcos at Vice President Duterte. “Congratulations, you have been placed by God in this position for a reason. May He lead you into your purpose and may you live it courageously in every step you take,” ani Sotto.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Wednesday, May 25, 2022

PATULOY NA PAGBILANG NG BOTO HANGGANG HATINGGABI

Tinapos kagabi ng Martes, ng Joint Canvassing Committee ng Kamara de Representantes at Senado, na gumaganap bilang National Board of Canvassers, ang pagbilang nila ng boto na umabot na sa 60.69 per cent ng Certificates of Canvass (COCs) para sa mga kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo noong ika-9 ng Mayo pambansang halalan.


Ang nabilang na boto sa mga kandidato sa pangulo ay umabot na sa 40,850,591 hanggang alas onse ng gabi.


Ang Joint Canvassing Committee ay pinamumunuan nina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.


Sa kanilang hiwalay na deklarasyon ng suspensyon sa pagbilang ng mga boto para sa pangulo at pangalawang pangulo, ipinahayag nina Romualdez at Zubiri na itutuloy ang pagbibilang ngayon, Miyerkules, ganap na alas nueve ng umaga.


#SpeakerLordAllanVelasco


Tinapos kagabi ng Martes, ng Joint Canvassing Committee ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado, na gumaganap bilang National Board of Canvassers, ang pagbilang nila ng boto na umabot na sa 60.69 porsyento ng Certificates of Canvass (COCs) para sa mga kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo noong ika-9 ng Mayo pambansang halalan. Ang nabilang na boto sa mga kandidato sa pangulo ay umabot na sa 40,850,591 hanggang alas onse ng gabi. Ang Joint Canvassing Committee ay pinamumunuan nina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri. Sa kanilang hiwalay na deklarasyon ng suspensyon sa pagbilang ng mga boto para sa PATULOY NA PAGBILANG NG BOTO HANGGANG HATINGGABI


#SpeakerLAV pangulo at pangalawang pangulo, ipinahayag nina Romualdez at Zubiri na itutuloy ang pagbibilang bukas, Miyerkules, ganap na alas nueve ng umaga.


#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV PATULOY NA PAGBILANG NG BOTO HANGGANG HATINGGABI

Tinapos kagabi ng Martes, ng Joint Canvassing Committee ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado, na gumaganap bilang National Board of Canvassers, ang pagbilang nila ng boto na umabot na sa 60.69 porsyento ng Certificates of Canvass (COCs) para sa mga kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo noong ika-9 ng Mayo pambansang halalan. Ang nabilang na boto sa mga kandidato sa pangulo ay umabot na sa 40,850,591 hanggang alas onse ng gabi. Ang Joint Canvassing Committee ay pinamumunuan nina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri. Sa kanilang hiwalay na deklarasyon ng suspensyon sa pagbilang ng mga boto para sa pangulo at pangalawang pangulo, ipinahayag nina Romualdez at Zubiri na itutuloy ang pagbibilang bukas, Miyerkules, ganap na alas nueve ng umaga.

#SpeakerLordAllanVelasco 

PINUNO NG JOINT CANVASS COMMITTEE, PINURI ANG KAMPO NI VP LENI NA HANGAD  BILISAN ANG PAGBILANG NG MGA BOTO

PINUNO NG JOINT CANVASS COMMITTEE, PINURI ANG KAMPO NI VP LENI NA HANGAD  BILISAN ANG PAGBILANG NG MGA BOTO


Pinuri kahapon, Martes nina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, co-chairmen ng Joint Canvassing Committee ng Kamara at Senado, ang hakbang ni Vice President Leni Robredo at ng kanyang abogado na si Atty. Romulo “Mac” Macalintal, na pabilisan ang isinasawagang pagbilang ng mga boto para sa mga kandidato ng pangulo at pangalawang pangulo noong ika-9 ng Mayo 2022 pambansang halalan. 


Sa kanyang manispetasyon sa harap ng Joint Canvassing Committee, sinabi ni Macalintal na sang-ayon sa mga pahayag ni Vice President Robredo, at upang hindi maantala ang mga isinasagawang pagbilang ng canvassing board, nais nilang itala ang kanilang patuloy na manispetasyon na wala silang pagtutol sa pagsama sa pagbilang ng lahat ng certificates of canvass (COCs) para sa Pangulo, mula sa ibat ibang boards of canvasssers ng mga lalawigan at lungsod na matutukoy ng Komite na tunay, at isinumite alinsunod sa Section 20 ng RA 7166.


Ayon kay Atty. Mac, ayon sa tuloy-tuloy na manipestasyon, na kung papayagan ng joint committee, nais niyang respectfully waive our appearance before this joint committee to further expedite its proceedings. 


Sinabi niya na nanawagan si Vice President Robredo sa kanyang mga taga-suporta na, “that we need to accept the decision of the majority.








Sinabi niya, bagaman may hindi pa nabibilang, bagaman may mga tanong ukol sa eleksyon na ito na kailangang matugunan, palinaw na ng palinaw ang tinig ng taong bayan,” aniya. 


Ipinahayag naman ni Romualdez ang kanyang taimtim na pasasalamat sa ngalan ng dalawang kapulungan at nang sambayanang Pilipino sa, “for the graciousness of the Vice President and for the sportsman- like conduct of Atty. Macalintal, as well as the magnanimity of President-elect Bongbong Marcos as articulated by his able presumptive Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez.”


Pinasalamatan ni Zubiri si Macalintal sa kanyang kagandahang loob sa labanang halalan at kanyang hiniling ang kagalingan para kay Vice President Robredo well. 


Samantala, sa kanyang manispetasyon, sinabi ni Rodriguez, abogado ng halal na Pangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na, “We join in the manifestation of my distinguished colleague and one of the leading election law practitioners Atty. Romulo “Mac” Macalintal. 


Likewise, we would like to recognize and thank the patriotism exhibited by Vice President Leni Robredo for expressly recognizing the integrity and result of the recently concluded general elections,” ani Rodriguez. 


Sa isang pulong balitaan, kanyang tiniyak na magtutungo ang bagong halal na Pangulong Marcos sa Miyerkules ng hapon sa Kapulungan para sa kanyang inaasahang proklamasyon. 


“Absolutely, he will attend, and I think the canvassing will be done, hopefully it depends on up to what time we’re going to extend the canvassing tonight,” ani Rodriguez.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Monday, May 23, 2022

MAHIGIT 150 NA MGA COCs AT ERs, TINANGGAP NA NG KAMARA GALING SA SENADO

Tinanggap ng mga opisyal ng Kamara de Representantes kaninang umaga ang mahigit 150 na mga Certificates of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs), isang araw bago ang Kongreso mag-convene sa isang joint session bilang National Board of Canvassers (NBOC) upang bilangin ang mga votes cast at iproklama ang mga nanalong presidential at vice presidential candidates sa katatapos lamang na local at national elections.

Si House Speaker Lord Allan Velasco at si Senate President Vicente Sotto III ang magpi-preside sa NBOC. 


Mariing sinabi ni Velasco kamakailan na ang Kongreso ay committed na isagawa nila ng epesiyente ang pagbibilang batay sa mandato ng Saligang Batas sa pag-combine ng accuracy at bilis para maproklama na kaagad ang duly-elected na Presidente and Vice Presidente sa loob ng naging eskedyul nito.


#18thCongress #PartnersForProgress

Friday, May 20, 2022

MGA MIYEMBRO NG MEDIA SINAMAHAN NG MGA OPISYAL NG KAPULUNGAN SA WALK-THROUGH SA PAGDATING NG BALLOT BOXES SA LUNES

Pinasadahan kahapon ng mga opisyal ng Secretariat ng Kamara ang mga miyembro ng media, bilang paghahanda sa kanilang pag-uulat sa pagdating ng mga ballot boxes mula sa Senado sa darating na Lunes, bilang bahagi ng mga kaganapan sa pagbilang ng mga boto para sa kandidato ng pangulo at pangalawang pangulo sa 2022 pambansang halalan. 


Ang mga opisyal ng Kapulungan ay pinangunahan ni Secretary-General Mark Llandro Mendoza, Deputy Secretary-General ng Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD) Atty. Gracelda Andres, Press and Public Affairs Bureau (PPAB) OIC Executive Director Dr. Celine Marie Buencamino, at mga opisyal ng Legislative Security Bureau (LSB). 


Sinabi ni Andres na ang mga ballot boxes na naglalaman ng election returns (ERs) at certificates of canvass (COCs) ay darating sa Kapulungan mula sa Senado sa pamamagitan ng daan tungo sa House Main Entrance, sa madaling araw ng ika-23 ng Mayo 2022. 


Aniya, sina Senate Sergeant-at-Arms MGen. Rene Samonte AFP (Ret.) at House Sergeant-at-Arms BGen. Rodelio Jocson (Ret) ay mismong naroon sa Main Entrance Lobby para salubungin ang ililipat na mga ballot boxes. 






Pinaalalahanan ni Andres ang mga miyembro ng media na kailangan nilang sumailalim sa COVID-19 antigen test, bago sila pahihintulutang makapasok sa loob ng Kapulungan, para saksihan ang pagbibilang ng boto. 


Matapos nito ay sinamahan niya ang mga media sa Main Entrance Lobby patungo sa Session Hall. 


Dumaan sila sa Media Center, kung saan aniya, itatabi ang mga ballot boxes na naglalaman ng mga ER. 


Ipinakita niya sa mga media ang bagong ayos na Session Hall. 


Samantala, bago ang walk-through, ipinaalam ni Buencamino sa media ang mga pamamaraan at protocol na dapat sundin, tulad ng pagsailalim sa antigen test sa Linggo, ika-22 ng Mayo na isasagawa ng Kamara mula ala una hanggang alas singko ng hapon. Ang resulta ng antigen test ay may bisa ng isang linggo. 


Ipinaliwanag din niya ang hinggil sa: 1) patakaran sa pagsaksi sa pagbibilang ng boto, 2) papaano ang paraan sa pagkuha ng Media Accreditation ID at House Access Pass, 3) ang patakaran para sa mga stand upper sa South Lobby, at 4) ang mga lokasyon kung saan lamang pahihintulutan ang mga media. 


Sinabi rin ni Buencamino na ang mga kaganapan sa pagbilang ng mga boto ay ipapalabas nang live sa mga TV monitor sa Speaker Jose de Venecia Hall na nasa South Wing Annex. Malugod namang tinanggap ni Secretary-General Mendoza ang mga miyembro ng media sa loob ng session hall. 


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Thursday, May 19, 2022

PROYEKTONG MAGPAPAHUSAY SA MGA PASILIDAD NG KAMARA, PINASINAYAHAN

Pinasinayahan kahapon (Miyerkules), sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco, ang ilang mahahalagang proyekto sa Kamara, na nakatuon sa pagsusulong ng mga pisikal na pasilidad sa Batasan Complex.


Ang mga proyekto ay magpapahusay din sa kaligtasan at seguridad, gayundin sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga mambabatas, kawani, at mga bisita.


Ang mga proyekto na natapos ay ang: 1) Mga Solar Panel, kabilang ang isang inverter panel sa South Wing Annex East Side at roof deck solar panel, 2) South Outdoor Gender Responsive Restrooms, 3) South Screening Facility para sa mga Bisita, 4) North Sewage Treatment Plant, 5) South Sewage Treatment Plant, 6) North Lobby Turnstile sa New North Elevator, 7) South Lobby Turnstile sa New South Elevator, at 8 ) Pagsasaayos ng Information and Communications Technology (ICT) Office. 


Ang paglalagay ng mga solar panel sa gusali ng SWA, isa sa mga prayoridad na proyekto ni Speaker Velasco, ay bababa ng humigit-kumulang pitong metriko tonelada ng carbon dioxide na nabubuo ng Kamara taun-taon. 


Sa kanyang talumpati, pinuri ni Speaker Velasco ang Secretariat sa matagumpay na pagpapatupad ng mga plano ng pamunuan ng Kamara.


(na magsusulong sa mga pasilidad ng Kapulungan, magpapahusay sa kaligtasan at seguridad, gayundin sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga mambabatas, mga kawani, at mga bisita.)


Sinamantala din niya ang pagkakataon upang magpahayag ng pasasalamat sa Kapulungan sa pagkakataong sulitin ang kanyang tungkulin bilang House Speaker. 


Para kay Secretary-General Mendoza, kanyang sinabi na kahit kaunti na lang ang natitira, patuloy pa rin si Speaker Velasco sa pagsusulong ng mga bagong pasilidad at pagsasaayos sa loob ng complex. 


“Ito pa lang ‘yung tapos na. Meron pa po tayong ongoing projects,” aniya. "Ganyan po kagaling ang ating Speaker Lord Velasco. 


Ang mga projects na ito ay talagang nasa puso ng ating Speaker," ani Secretary General Mendoza. 


Tinagurian niya si Speaker Velasco na, "the hard-working Speaker with a heart." Ang mga natapos na proyekto ay binasbasan ni Fr. Rolando Perfecto. Jr. FdCC. Vicar, San Pablo Apostol Parish. Tondo, Maynila. 


Ang iba pang miyembro ng Kamara na nakiisa sa programa at dumaan sa mga pasilidad ay sina Surigao del Sur Rep. Johnny Ty Pimentel, 1-PACMAN Rep. Enrico Pineda, Manuel Zamboanga City Rep. Jose Dalipe, Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo at dating Marikina City Rep. Miro Quimbo. Dumalo rin sina Sergeant-at-Arms PBGen. Rodelio Jocson (Ret.), Office of the Speaker Deputy Secretary General Atty. Jocelia Bighani Sipin, Inter-Parliamentary and Public Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Gracelda Andres, Legal Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Annalou Nachura, Legislative Operations Department Deputy Secretary General Atty. David Robert Amorin, Committee Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Arlene Dada-Arnaldo, at Internal Audit Department Deputy Secretary General Jose Ma. Antonio Tuaño, CESO II.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Tuesday, May 17, 2022

MGA USAPIN SA PAGHAHANDA PARA SA PAGBILANG NG BOTO NG PANGULO AT VP, TINALAKAY NG KAMARA AT SENADO

Tinalakay kahapon ng mga opisyal ng Kamara ng mga Kinatawan at Senado, sa isang hybrid na pagpupulong ang mga nalalabi pang usapin hinggil sa paghahanda sa pagbilang ng mga boto ng pangulo at pangalawang pangulo sa nakalipas na 2022 pambansang halalan. 


Isasagawa ang pagbibilang mula ika-24 hanggang ika-27 ng Mayo 2022 sa bulwagan ng Kamara. 


Sa naturang pagpupulong, pinangunahan ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza ang mga opisyal ng Kamara sa pagtalakay sa mga usapin, kasama ang Senado na pinamumunuan ni Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica. 


Ilan sa mga usaping tinalakay ay ang paglilipat ng mga ballot boxes na naglalaman ng mga Certificates of Canvass (CoCs) at mga Election Returns (ERs) mula sa Senado tungo sa Kapulungan sa umaga ng ika-23 ng Mayo. 


Sinabi ni Deputy Secretary General for Legal Affairs Atty. Annalou Nachura na maglalaan ang Kapulungan ng lugar para sa mga CoCs at ERs. 


Isinasaad sa 1987 Saligang Batas na ang Pangulo ng Senado, ay bubuksan ang lahat ng sertipiko sa harap ng Senado at Kapulungan sa isang magkasanib na sesyon, 30 araw matapos ang halalan. 

Tuesday, May 10, 2022

BAGONG PANGULO AT PANGALAWANG PANGULO, MAAARING MAIPROKLAMA NG KONGRESO SA IKA-27 O IKA-28 NG MAYO

Ipinapalagay ng mga pinuno ng Kamara at Senado na maipoproklama nila ang bagong pangulo at pangalawang pangulo sa ika-27 o ika-28 ng Mayo. 

Magkapareho ang pananaw nina House Speaker Lord Allan Velasco at Senate President Vicente Sotto III kahapon, Lunes, na kanilang ipinahayag sa pulong pambalitaan na agad na idinaos sa Kamara, matapos ang Initialization of Consolidation and Canvassing System (CCS) na bibilang sa mga certificates of canvass (CoCs) mula sa mga lalawigan, lungsod at ibayong dagat. 


(“We can actually promise that we’ll get to finish everything by June,” ani Speaker Velasco.)


Sinabi ni Speaker Velasco na maaaring ang lima hanggang pitong araw ng pagbibilang ay masyado nang mahaba. 


(“Sobra sobra yun,” aniya.)


Noong mga nakaraang halalan, sinabi ni Speaker na ang pagbilang ng boto ay tumagal dahil isinasagawa ang pagbilang nang mano-mano. 


(“This time it’s gonna be computerized. So you won’t see anymore white boards, manual tallies,” aniya.)


Sinabi naman ni Senate President Sotto na ang plano ay simulan ang pagbilang ng boto sa umaga ng ika-24 ng Mayo, dahil magbabalik-sesyon na ang Kamara at Senado sa ika-23 ng Mayo.





Sinabi niya na sa panahong iyon ay pangangalanan ng Senado ang kanilang pitong kinatawan sa National Board of Canvassers (NBOC). 


Ang mga miyembro ng Congressional Canvass Committee na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ay pangungunahan nina Speaker Velasco at Senate President Sotto. 


Samantala, matapos ang pulong balitaan, ay malugod nilang tinanggap ang mga dayuhang tagamasid na nasa bansa para sa 2022 pambansang halalan.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters