Thursday, May 26, 2022

PROKLAMASYON NINA BBM-SARA BILANG BAGONG HALAL NA PANGULO AT PANGALAWANG PANGULO, ISINAGAWA NG KONGRESO

Nagsama kagabi, Miyerkules ang mga Miyembro ng Kamara de Representantes at Senado sa isang Joint Public Session at iprinoklama si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na may botong 31,629,783 o 58.77 percent ng kabuuang boto at Davao City Mayor Sara Zimmerman Duterte sa bilang na 32,208,417 na boto o 61.53 percent, bilang mga bagong halal na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, sa ginananp na pambansang halalan noong ika-9 ng Mayo 2022. 

Ang proklamasyon ay idinaos sa bulwagan ng Kamara matapos na aprubahan ng mga mambabatas ang Joint Committee Report of the Joint Canvassing Committee sa Joint Public Session, kasama ang Resolution of Both Houses No.1, na nagpoproklama sa mga kandidato, na nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga boto sa halalang pampanguluhan at pangalawang pangulo. 



[Ang RBH No. 1 ay may titulong “Resolution of Both Houses,  Approving The Report  of the Joint Committee Declaring The Results of The National Elections Held on May 9, 2022 For The Office of The President and Vice President,  Proclaiming The Duly Elected President and Vice President of the Philippines.” ]



Ipinahayag nina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, namuno sa Joint Canvassing Committee, sa kanilang mga sponsorship speeches ang kanilang mga obserbasyon sa idinaos a halalan, na kanilang inilarawan na “peaceful, expeditious and orderly.” 


Pinasalamatan din nila ang kanilang mga kapwa mambabatas sa kanilang paglahok sa pagbilang ng mga boto. 







Sinabi ni Romualdez na ang Joint Canvassing Committee ay binuo noong ika-24 ng Mayo, upang bilangin ang mga boto ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo noong ika-9 ng Mayo pambansang halalan. Matapos ang isang araw, ay natapos nila ang kanilang tungkulin. 


Binanggit niya na nanguna si Pangulong Marcos sa halalang pampanguluhan ng may malawak na agwat, sa bilang na 31,629,783 boto o 58.77 porsyento ng kabuuang boto. Gayundin, sinabi niya na si Vice President Duterte, ang nanguna sa halalan sa Pangalawang Pangulo, sa bilang na 32,208,417 boto o 61.53 porsyento ng kabuuang boto. Samantala, bago nag-adjourn ang Joint Public Session ay binati ni House Speaker Lord Allan Velasco ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Pinasalamatan rin niya ang Joint Canvassing Committee sa mabilis at patas na pagbilang ng mga boto na naggarantiya sa pagtitiwala ng sambayanan sa isang malinis na halalan. “Thank you to all the Honorable members of the Joint Canvassing Committee and the Secretariat for your hard work and invaluable support in ensuring a  historic canvassing that was finished in two days,” ani Speaker. Binati ni Senate President Vicente Sotto III sina President Marcos at Vice President Duterte. “Congratulations, you have been placed by God in this position for a reason. May He lead you into your purpose and may you live it courageously in every step you take,” ani Sotto.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters