Wednesday, April 19, 2017

Popularidad ni Duterte, pinangangambahan ng ilang mambatatas

Nangangamba ang isang opposition congressman matapos ma­nguna si Pangulong Rod­rigo Duterte sa 100 most influential poll ng Time Magazine dahil tiyak na lalo umanong la­laki ang tiwala ng Pangulo sa kanyang sarili at wala na itong pakikinggan.

Sinabi ni Akbayan party-list Rep Tom Villarin na ang naturang paha­yag niya ay dahil sa pagiging runaway winner ni Duterte sa Time Magazine poll kung saan sa 100 na kilalang tao sa mundo, ito lang ang nakakakuha ng 5% na boto.

Possible umanong lalaki ang tiwala ng Pangulo sa kanyang sarili at isasantabi na lamang niya ang participatory­ at empo­wering mechanisms sa pamamahala dahil ang mga tao daw sa mundo tulad nina Russian President Vladimir Putin, United State President Donald Trump at Pope Francis ay naungusan nito.

Hanggang sa kasalukuyan, ang pangulo umano ay nasa campaign mode pa rin at ito ay magiging isang recipe para sa distraksiyon kung ang democratic institutions ay isinasantabi kaysa sa kanyang personalistic leadership style, dagdag pa ni Villarin.

Gumawa ng pangalan si Duterte sa mundo matapos nitong ilunsad ang giyera kontra ilegal na droga sa bansa matapos maluklok ito sa kapangyarihan noong Hunyo 30, 2016.

Ngunit kung si Quezon City Rep Winston Castelo ang tatanungin, ang pangunguna ni Duterte sa Time Magazine poll ay dapat ipagmamalaki ng sambayanan dahil naging Filipino pride ang Pangulo at naging inspirasyon pa.

Ayon pa kay Castelo, ng ating bansang Pilipinas ay nasa world center stage dahil ipinakita ng Pangulo ang kanyang uncompromising at malakas na leadership para makapagpatupad ng kinakailangang pagbabago at mga reporma sa bansa.

Patunay din umano­ ang pangunguna ni Duterte sa Time Magazine poll na hindi umubra ang mga ginagawang paninira ng Western media sa pangulo ng Pilipinas.
Free Counters
Free Counters