Pagiging no. 1 ni Duterte sa online poll ng Time Magazine, pinapurihan
Pinapurihan
ngayon ni Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers si Pangulong Rodrigo R.
Duterte sa pagkakahirang nitong nasa top spot ng online poll ng TIME Magazine
hinggil sa world’s 100 most influential people para sa taong 2017.
Mahal ng mga Filipino
ang mga taong mga realistic at down-to-earth at yaong may sense of humor na
siya namang madaling makapag-identify ang bawat isa at naipakita niya ang
kanyang pagiging tunay na lider ng Davao City.
Sinabi
ni Barbers na ang buong Surigao del Norte at siya ay malugod na bumabati sa
ating Pangulo, isang phenominal at populist na lider na kinilala hahil sa
kanyang pragmatic policies na hindi nagpapatakbo ng rules at niceties na
ginagawa ng ibang mga lider.
Ayon
kay Barbers, si Pangulong Duterte ay nararapat lamang na nasa pinakamataas sa
listahan ng online poll ng Time Magazine dahil sa estilo nito ng kanyang
leadership, governance at unorthodox methods sa pag-solbar sa problema ng kapayapaan
at kaayusan ng bansa at sa socio-economic at political ills nito.
Bilang
isang dating mayor ng Davao City ng mahigit pa sa 30 taong, dagdag pa ng
mambabatas, alam umano ni Duterte ang mga pagbabago ng subculture at modes ng
kanyang constituents – ano ang kanilang mga problema, papaano sila mag-isip at
ano ang kanilang mga pangangailangan – at ang paggawad sa kanila ng
pinakamainam na palisiyang solusyon sa bawat sitwasyon.
Sa
kabila ng palagihang paggamit ng Pangulo ng mga street lingo at iba pang mga
pagmumura, sinabi ni Barbers na minahal at kinagigiliwan pa rin ito ng mga tao sapagkat
siya ay tapat at sinsero sa kanyang mga salita at mga gawa.
<< Home