Programa sa online jobs, paiigtingin
Umapela
si Senador Sonny Angara sa gobyerno na paspasan ang mga programa na
magpapabilis sa internet connectivity lalo na sa mga malalayong probinsya at
mga barangay upang makakuha ng marami pang online jobs.
Sinabi ni Angara na sa ilalim ng 2017 national
budget, naglaan na ang Kongreso ng 22.5 million pesos para sa rural impact
sourcing program sa ilalim ng DICT.
Tinukoy
ng senador ang Rural Impact Sourcing Program ng Department of Information and Communications
Technology (DICT) na malaking tulong para makapagbigay ng “high-paying at
sustainable jobs” sa mga malalayong lugar na mas marami ang populasyon ngunit
maraming walang trabaho dahil sa kakulangan ng investors.
Naniniwala
ang senador na dapat mabigyan din ng pagkakataon ang mga nasa probinsiya at
hindi na kailangan magtungo sa Metro Manila o Cebu upang makakuha ng online
jobs.
“Dapat mayroon
din silang oportunidad sa kani-kanilang mga probinsya. Hindi na dapat nila
kailangang pumunta pa sa Metro Manila o sa Cebu para makakuha ng online jobs.
They
should be able to stay where their families are and have meaningful work,”
ayon kay Angara.
Ayon pa
kay Angara, taong 2013 ay ipinatupad na ang Rural Impact Sourcing Program
ngunit kailangan pa rin umano itong palakasin upang makahikayat ng marami pang
investors sa pamamagitan ng pagpapabilis ng internet connectivity.
<< Home