Monday, April 17, 2017

Pagtatatag ng isang departamento para sa water reservation, ipinanukala

Ipinanukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso Magtatatag ang pagtatatag ng Department of Water Resources and Services (DWRS) na siyang mangangasiwa sa water reservation at magre-regulate sa paggamit ng tubig.

Sinabi ni Nueva Ecija Rep Estrelita Suansing, chairperson ng House committee on ecology na ang nasabing panukala ay kanyang inihain dahil nanga­nganib na umanong maubos ang tubig sa bansa.

Ayon kay Suansing, noong 2015 ay nagbabala na ang World Resource Institute sa Pilipinas na mahaharap ang bansa sa water shortage sa mga susunod na taon dahil bukod sa lumalaki ang populasyon ng Pilipinas ay apektado pa ang water supply dahil sa climate change.

Idinagdag pa ng mambabatas na maliban dito, magpapalala umano sa problema ang nakakalitong tungkulin ng mga ahensya na may kinalaman sa patubig sa bansa kaya inihain niya ang HB04995 para magtatag na lamang ng isang ahensya na manga­ngasiwa sa tubig.

Sa sandaling maging batas ito, ang mga ahensyang kinabibilangan ng National Water Resources Board at Laguna Lake Development Authority, na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Local Water Utilities Administration (LWUA), National Irrigation Administration (NIA) at Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na nasa ilalim naman Office of the President ay pag-iisahin na lamang sa DWRS.
Free Counters
Free Counters