‘Di inokupahang housing units ng mga sundalo’t pulis, iimbestigahan
Sisiyasatin
ng House committee on housing and urban development kung ano ang dahilan kung
bakit hindi inookupahan ng mga sundalo at pulis ang mga ipinatayong bahay ng
National Housing Authority (NHA) para sa mga ito.
Baka hindi naman daw mga tunay na beneficiary
ang mga nag-apply sa programa at ginagamit lamang ang mga pangalan ng pulis at
sundalo.
Napag-alaman
ang aksiyong ito kay Negros Occidental Rep Albee Benitez, chairman ng nasabing
komite, sa kanilang isasagawang hiwalay na imbestigasyon sa pag-okupa ng
Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa mga housing units ng mga pulis at
sundalo sa Pandi, Bulacan.
Sqa isang
panayam, sinabi ni Benitez na sisentro ang kanilang imbestigasyon sa mga unit na
hindi inokupahan ng AFP at PNP beneficiaries sa naturang housing program.
Ayon sa
kanya, sa report ng Commission on Audit (COA), 8% lamang sa 57,000 housing
units ang inokupahan ng mga mga pulis at sundalo.
Matagal
na aniyang tapos ang mga housing unit at 74% na umano ang na-award sa mga
beneficiaries o katumbas ng 40,000 units subalit 8% lang ang aktuwal na
inokupahan ng mga sundalo at pulis.
Mahigit 40,000
units na umano ang awarded ngunit ang occupancy rate ay umaabot lamang walong
posiyento ang na-okupahan kaya mahigit 4,000 lamang inokupahan kung kaya’t siya
ay nagtataka.
Ito umano
ang kanilang tututukan sa isasagawang imbestigasyon dahil kung tumira na ang
may 4,000 beneficiaries, bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ng may 36,000 iba
pang benepisyaryo kung nai-award na ito sa kanila.
<< Home