Patayan dahil sa drug war, ‘di pumreno kahit Semana Santa
Nanlumo ang isang
mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil hindi nangilin ang Philippine
National Police (PNP) noong panahon ng Semana Santa matapos makapatay ang
mga ito ng 39 katao sa kanilang giyera kontra ilegal na droga.
“Despite our Christian tradition of penitence
and abstention from committing violence in deference to Christ’s passion and
resurrection, it seems that the war on drugs doesn’t care nor respect such,”
ani Villarin.
“This is mortifying
for the only dominantly Christian country in Asia,” reaksyon ni Akbayan
party-list Rep. Tom Villarin dahil isinantabi umano ng PNP ang tradisyon ng mga
Kristiyano na mangilin sa ganitong panahon.
Base sa
mga report, mula nang magsimula ang Semana Santa ay nakapatala ang PNP ng 4 na
patay kada araw sa kanilang giyera kontra ilegal na droga mula Abril 7 hanggang
16.
Nagsimula
ang Semana Santa noong Abril 9 at natapos noong Abril 16.
<< Home