Pagpapahaba ng prison terms sa halip ng death penalty, ipinanukala
Hiniling
ni Northern Samar Rep Raul Daza sa kanyang mga kasamahan na ikonsidera ang
pagdadagdag ng prison terms at pag-aalis ng parole privilege para sa mga
kombiktado ng heinous crimes na ayon sa kanya ay mas katanggap-tanggap pa kaysa
sa death penalty.
Sa
panukalang inihain ni Daza, ang HB04872, layunin nito na dadagdagan ang tagal o
duration at epekto ng mga parusa sa reclusion temporal at reclusion perpetua
kahit ipinasa na unanimously ng House of Representatives ang panukalang
parusang kamatayan
Sa
kanyang panukala, nananawagan si Daza para sa pag-amiyenda sa Revised Penal
Code sa pamamagitan ng pag-increase sa prison term sa reclusion perpetua o ang
life imprisonment mula sa maximum na 20 years na magiging 30 years at maximum
na 40 years.
Sa ilalim
ng panukala, ang mga kombiktado ng reclusion perpetua ay hindi na eligible sa
parole sa loob ng Indeterminate Sentence Law.
Ang
HB04872 ay may layunin ding i-adjust ang prison sentences para sa mga kriming
punishable ng reclusion temporal mula 12 taon at isang araw hanggang 30 taon.
Ang
maximum prison term para sa reclusion temporal sa kasalukuyan ay 20 taon.
Si Daza
ay isa sa 52 na mga mambabatas na hindi sumang-ayon sa pagpasa ng death penalty
bill na binalangkas para sa third and final reading noong nakaraang buwan.
Ayon kay
Daza, bagamat kailangan ng ating bansa ang isang malakas na deterrent laban sa
kriminalidad lalu na sa salut ng illegal na droga, ang death penalty ay ayon sa
kanya, empirically nagpapakita lamang na ito ay hindi epektibo.
Ang
panukala ni Daza ay kasalukuyang nakabinbin pa rin sa House committee on
justice na siya namang malakas na nagrekomenda na maipasa ang death penalty
bill.
<< Home