Pinagtibay ng SC ang dating desisyon nito na i-acquit si dating Pangulong Arroyo
Pinal na
ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) na i-reject ang appeal ng mga
government layer na humiling para sa reversal ng naging desisyon nito na
ipa-walang-sala si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep Gloria
Macapagal-Arroyo sa kasong plunder dahil sa diumanong misuse ng P366 milyon intelligence
fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa boto
na 11-4, in-affirm nito ang kanilang July 19, 2016 ruling na naggawad sa
inihaing demurrer to evidence ni Arroyo apara sa criminal case na kanyang
kinaharap sa Sandiganbayan.
Sinabi ni
Atty Theodore Te, spokesman ng high court, na ang mga mahistrado ay bumuto rin sa
pag-uphold ng kahalintulad na kaso laban sa co-accused ni Arroyo na si dating
PCSO official Benigno Aguas.
Idinagdag
pa ni Te na sinabi umano ng korte na ang
desisyon nila na gawaran ng kanya-kanyang demurrer to the evidence sina Arryo
at Aguas ang naging basehan ng kanilang acquittal kung kaya’t anumang banta
para i-reconsider ang sesisyon ay magreresulta lamang ng double jeopardy.
“Insufficiency
of evidence” ang isinayt ng tribunal na naging basehan din nila sap ag-dismiss
ng kaso at sa kanilang pag-order ng release ni Arroyo sa hospital arrest.
Nagpahayag
ng pasasalamat ang kampo ni Arroyo, sa pamamagitan ni Atty Laurence Arroyo, sa
high court para sa pag-uphold sa desisyon nito na ibasura ang plunder case
laban sa kanya ng sinabi nila na anga naging-ruling ng korte ay ang magtatapos
na sa kasong ito.
<< Home