Tuesday, April 18, 2017

Malakas na ekopnomiya ng Pilipinas, makikita sa pamamagitan ng 'Dutertenomics'

Mapapawi na ang mga agam-agam ng mga kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pamahalaan diumano ay nangangalap ng mga pamamaraan upang i-maniho ng maayos ang ekonomiya ng bansa kapalit ng masidhing palisiya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ito ang naging pahayag ni House committee on Appropriations Chair at Davao City Rep Karlo Alexei Nograles ng kanyang sinabi na sa katatapos lamang na state visit ni Pangulong Duterte sa Middle East, nakapangalap ang pangulo ng mahigit $925 Million sa pamumuhunan galling sa Bahrain, Qatar at Saudi Arabia.

Sinabi ni Nograles na taliwas sa mga sinasabi na ang pangulo ay bigo sa aspeto ng economic governance, ang eknomiya ng bansa ay nagpapakita lamang ng mataas nap ag-asa dahil sa mga repormang pang-ekonomiko ng administrastyon.

Ayon kay Nograles, ang basic common sense at true compassion para sa mga mamamayan ay ang mga solidong pundasyon ng mga economic policy ni Pangulong Duterte.

Idinagdag pa ng mambabatas na palagi na natin umanong naririnig qang pagmamayabang ng nakaraang administrasyon ang hinggil sa statistics ng ating economic growthngunit wala naman umano tayong anumang significant na mga pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.

Ang pananaw na ito ay magbabago na ngayon dahil ang economic agenda ng pangulo ay naka-angkla sa kung papaano gawing maging magaan ang pamumuhay para sa ating mga kababayan at an gating economic growth ay hindi lamang patutungkol sa mga figure at statistics kundi ito naging makatutuhanan na sapagkat ang real reforms na siyang aangat sa pamumuhay ng bawat mamamayan, particular na yaong mga mahihirap ngunit matiyaga namang nagtatrabaho ay naisasakatuparan na.

Sinabi ni Norgrales na ang tinatawag na “Dutertenomics” ay sumisentro sa naging commitment ng pangulo sa pakikipaglaban nito sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang kapiligirang angkop para sa mga job-generating investments.
Free Counters
Free Counters