Monday, April 17, 2017

Kamara, nakapagpasa ng 186 na mahahalagang panukala sa loob ng 83 session days

Nakapagpasa ang House of Representatives ng 186 significant legislative measures sa loob lamang ng 83 session days ng 17th Congress, isa sa sinasabing more productive series ng legislative sessions sa kasaysayan ng Kamara.

Sa nalalabing isang buwang legislative session, ang House ay inaasahang umakto sa iilang mga mahahalagang panukala na kinabibilangan ng Comprehensive Tax Reform Program measure at ang panukala na magbababa ng edad ng criminal liability habang ang super majority bloc ay nagsisikap na maging instrument ng pagbabago na nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mangyari.

Ang 186 na inaprubahang mga pnukala at kapasyahan ay naging bahagi ng 794 na measures na prenoseso ng Kamara sa nakaraang 83 session days, o nag-aaverage ng 10 measures na prenoseso ng mga mambabatas ayon sa statististical data na ibinigay ng House Bills and Index Service at Committee on Rules.

Kasama rin sa 794 na prenosesong measures ay ang 317 resolutions na ini-refer hinggil sa inquiries, 283 measures na substituted o consolidated, at walong measures din ang nasa calendar of business na tatalakayin agad sa pagbubukas muli ng sesyon sa ika-dalawa ng Mayo.

Sa kabuoan, may 6,239 na measures ang inihain, 5,317 ay mga panukalang batas at 922 ang resolution at 181 committee reports na rin ang nai-hain na committee reports ng iba’t ibang House panels.
Free Counters
Free Counters