PNP trust fund ni Pangulong Duterete, suportado sa Kamara
Ipinanukala
ni Deputy Speaker ar Batangas Rep Raneo Abu sa pamamagitan ng HB02426 ang
pagtatatag ng isang trust fund upang matulungan si Pangulong Rodrigo Duterte na
ipalawig ang pagpapalakas ng Philippine National Police (PNP) na eksklusibong
gagamitin para sa programang reorganisasyon at pagmomodernisa ng PNP.
Ayon sa kanya, base umano sa pagsasaayos ng operational readiness at mission capacity ng PNP sa pamamagitan ng PNP modernization plan, ang kagawaran ay magiging handa na sa pagsabak sa mga hamon at banta sa buong bansa.
Sinabi ni
Abu na ang kanyang proposal sa ilalim ng PNP reorganization and modernization
act ay magbibigay sa PNP ng kaukulang pondo para masuportahan ang iba’t ibang
proyekto nan aka-desinyo para maiangat ang mga personnel at ang modernisasyon
ng mga pasilidad at gamit nito.
Ayon sa kanya, base umano sa pagsasaayos ng operational readiness at mission capacity ng PNP sa pamamagitan ng PNP modernization plan, ang kagawaran ay magiging handa na sa pagsabak sa mga hamon at banta sa buong bansa.
Iginiit pa
ni Abu na ang pangangailangang pag-transform at pag-develop ng PNP bilang isang
community at service-oriented agency sa lahat ng aspeto ng kapulisan at sa
internal security functions nito.
Sa
pagsiseguro ng kapayapaan at kaayusan at public safety ng bansa, ayon pa sa
kanya, ay ang pangunahing responsibilidad ng PNP at sa kasalukuyan, wala nang
hihigit pang mga banta sa ating mga mamamayan, mga mamumuhunan, local man o
dayuhan ang peace and order situation ng ating bansa.
Upang
maisakatuparan ng PNP ang iba’t ibang mga programa nito para i-contain ang mga
banta sa katatagan at peace aqnd order ng bansa, nararapataq lamang umanong
i-transform ang kagawaran na maging isang modernong law enforcement
organization na puwedeng ikumpara sa mga world’s best.
Saq
ilalim ng panukala, ang PNP, sa pamamagitan ng National Police Commission
(NapolCom) ay magsumite sa Kongreso ng schedule of priority projects at
activities ganun ng annual estimated average costs nito.
<< Home