Monday, April 17, 2017

Hindi dapat hindi matataba ang PE teachers at school coaches

Kasabay ng pagbubukas ng 2017 Palarong Pambansa sa Antique sa susunod na linggo, pinuna ng isang mambabatas sa Kamara de Representantes ang naglalakihang katawan ng mga Physical Education (PE) teachers at mga coach ng mga atleta.

Sinabi ni 1-Ang Edukasyon party-list Rep Salvador Belaro, kailangang aksyunan na ng Department of Education (DepEd) ang problema sa mga school sports officials at PE teachers dahil hindi nila ginagawa ang kanilang itinuturo sa estudyante na maging malusog at may maayos na pangangatawan.

Ayon sa mambabatas, kalimitan ay makikita umano na karamihan sa PE teachers at coaches ay nakakalimot nan a isagawa ang kanilang mga itinuturo at sila nagsitabaan at nagsibigatan at mga mahihina na sa agility, flexibility at lakas.

Hindi umano katanggap-tanggap ito dahil bilang mga sports official ay dapat maging ehemplo umano ang mga ito sa mga estudyante na kanilang tinuturuan ng iba’t ibang larangan ng palakasan at hindi nagpapalakihan ng katawan.

Ayon sa kanya, nais umano na kung mayroong dapat manguna para sa maayos at malusog na pangangatawan ay ang mga sports officials kasama na ang PE teachers para gayahin sila ng kanilang mga tinuturuan.

Marapat na umanong humananp ng mga pamamaraan ang DepEd school officials upang masolusyunan ang mga problemang pangkalusugan hindi lamang ng student-athletes kundi ganun na rin ang kanilang PE Teachers at coaches.

Ang 2017 Palarong Pambansa ay pormal na magsisimula sa bukas, Abril 23 at matatapos sa Abril 29 subalit nagsipagdatingan ang mga atleta sa Antique para maging pamilyar na ang mga ito sa kanilang paglalaruan.

Umaasa ang mambabatas na mababawasan na ang mga insidente ng pagkahilo sa mga atleta na karaniwang nangyayari dahil sa init ng panahon ngayong tag-init.
Free Counters
Free Counters