Dapat wakasan na ang pangungolekta ng bayad sa mga pampublikong palikuran
Nananawagan
si Manila Teachers partylist Rep Virgilio Lacson na pagbawalan na ang pangungolekta
o paghihingi ng usage fees para sa paggamit ng mga palikuran sa lahat na mga
public at commercial places.
Sinabi ni
Lacson na isa umano ito sa mga dahilan kung bakit ang bansang Pilipinas ay
nalulugi ng humigit kumulang 9 na bilyong dolyar ng economic output kada taon
dahil sa masamang sanitation.
Binigyang
diin ni Lacson ang importansiya ng pagpapaibayo at paggagawad ng basic social
services sa lahat ng mga mamamayan sa bansa lalu na sa mga underprivileged at
marginalized.
Ayon sa
kanya, ang paggamit ng libre at functional na mga kubeta ay marapat lamang
umanong maging kaakibat sa pagsasagawa ng mga infrastructure para sa mga
mamamayan dahil ang akses dito sa mga pasilidad na ito ay makaka-apekto sa kalidad
ng ating mga negosyo at magdi-determina sa antas ng dignidad at kalidad ng
buhay ng isang komunidad.
Ikinalulungkot
ng mambabatas na maraming umanong mga establisimiyento sa bansa ang
nangungolekta ng bayad para sa paggamit ng kanilang mga kubeta.
Idinagdag
pa niya na kung kukulangin umano ang bansa ng mga comfort room, ang mga
underprivileged at ang mga marginalized ay mapopuwersang magbayad para lamang
magkakaroon ng human comfort na kung ikumpara sa ibang mga bansa, ang ganitong
pasilidad ay libre lamang.
Tinukoy ni
Lacson ang isang pag-aaral ng World Bank kung saan, tinatayang 9.1 milyong mga
Filipino ay gumagamit ng open toilets na ang ibig sabihin ay gumagamit lamang
ng mga kalsada o kung saan-saan na lamang, at 15.2 milyon ang gumagamit ng
public toilets.
Kaya kinakailangan
daw na i-criminalize ang mga lalabag sa ipapasang batas hinggil dito.
Dahil dito,
ipinanukala ni Lacson ang HB05118 na kilalaning Free Toilet Use Act na
magmamando sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa
pagpapatupad ng batas.
<< Home