Tuesday, August 23, 2016

FOI law, dapat maipasa na ng Kongreso

“Dalawampung taon na ang nakalilipas at tayo ay puro salita lang ng salita at kung kaya't dapat lamang na wakasan na itong puro salita at dapat na tayong magtrabaho.”

Ito ang mariing sinabi ni Laguna Rep Sol Aragones nang kanyang udyokin ang kanyang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso na kagyat na nilang aktuhan ang pagpasa ng panukalang Freedom of Information (FOI) na matagal nang nakabinbin sa Lehislatura.

Marapat lamang umano na bigyang pansin ng mfa mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte nang hikayatin nito ang Kongreso na ipasa na ang proposed FOI measures na nakahain sa ating Lehislatura.

 Ayon kay Aragones, ipinahayag umano ni Pangulong Duterte na siya ay para sa bukas na governance at tinupad na niya ang kanyang campaign promise sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Executive Order No. 2, series of 2016 na nagpapatupad ng mga probisyon ng FOI law sa Executive branch.

Nasa Kongreso na ang bola upang magpasa ng isang FOI law upang ang karapatan ng mga mamamayan sa larangan ng impormasyon kanila nang ma-enjoy.

Matatandaang naghain si Aragones ng HB01855 o ang Freedom of Information Act na hango na rin sa kanyang naunang inihain na panukala noong nakaraang 16th Congress ngunit hindi pumasa.

Monday, August 22, 2016

* Pagpasa ng panibagong mining law, ipinursige sa Kamara

Inulit muli ni Ifugao Rep Teddy Baguilat ang kanyang paghamon sa kanyang mga kasamahang mga mababatas sa Kongreso ang agarang pagpasa ng isang bagong mining law na makatutugon sa environmental challenges ng bansa at para sa interes ng mga komunidad nito.

Sinabi ni Baguilat na batay sa malakas na panindigan ng Duterte administration laban sa irresponsible mining, ito na umano ang pagkakataon upang magpasa ng panibagong batas hinggil sa pagmimina.

Ayon sa kanya, sumusuporta umnao ang Duterte administration sa pagrebisa ng kaslukuyang mining law at ang pagigihng bukas nito sa pagpasa ng bago, mas people-centered, nationalistic at environmental friendly na batas at wala umanong magandang pagkakataon sa pagpasa ng naturang batas kundi ngayon nan a ayon sa kanya, matagal na umano niyang pinagsikapang maisagawa.

Ang kasalukuyang audit ng mga practices ng mga mining firm na isinasagawa ng Department of Environment and Natural Resources sa pamumuno ni Secretary Gina Lopez ay nagpapakita ng walang bahas na paglabag ng mga big mining firms na siyang nagdadagdag ng pangangailangan upang magpasa ng isang panibagong batas.

Thursday, August 11, 2016

Libreng retraining para sa standed OFWs sa Middles East

Iminungkahi ngayon ng isang mambabatas sa Kamara de  Representantes sa kasalukuyang pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magtatag at magsagawa ng libreng retraining program para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nanggaling sa Midle East na naapektuhan ng nangyaring oil price collapse doon.

Sa kanyang liham na ipinadala noong August 10, 2016 kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, hiniling ni Eastern Samar Representative Ben Evardone na magtatag ang TESDA at magsasagawa ng isang libreng retraining program para sa mga laid off at stranded na OFWs sa Middle East lalu na yaong mga nagtrabaho sa Saudi Oger at Bin Ladin Companies, kasama na ang mga na-repatriate na pauwi sa ating bansa.

Sinabi ni Evardone na karamihan sa mga OFW ay nagsakripisyo ng kanilang mga lakas, oras at resources sa pag-asa na maseguro ang matatag na economic state ng kanilang pamilya at masaganang buhay para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nauna rito, naghain si Evardone ng isang resolusyon, ang HR00123, na nananawagan para sa isang imbestigasyon hinggil sa kasalukuyang estado at kondisyon ng mga OFW sa Middle East lalu na ang mga na-stranded at naapektuhan ng oil price collapse.

* Rehab centers para sa mga substance dependent sa bawat rehiyon, itatatag

Hindi pa rin nawawalan nga pag-asa si Cotabato Representative Nancy Catamco na magbago ang maraming nating mga kababayang mga alcohol at drug dependent nang mariin niyang sinabi na kailangan umanong magtatag ng Drug Abuse and Alcoholism Rehabilitation Center sa bawat rehiyon sa buong bansa.

Ayon sa kanya, nakakaapekto umano sa lahat nang sector ng ating lipunan ang alcoholism at drug abuse, maging mayaman man o mahirap at mapa-anumang ethnicity sa ating bansa.

Dahil ditto, inihain ni Catamco ang HB01782 na siyang maglalaan ng pondo para sa naturang mga regional rehabilitation and treatment center na itatatag ng Department of Health (DOH), sa pakikipag- tulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa panukala ni Catamco, ang ponding kakailanganin para sa pagtatatag, maintenance at pagpapatakbo ng mga naturang Drug Abuse and Alcoholism Rehabilitation and Treatment Centers (DAARTC) ay isasali na sa General Appropriations Act bilang bahagi ng taunang budget ng DOH.

Bilang panimula sakali’t ang panukala ni Catamco ay maipasa bilang isang batas, maunang itatag ang DAARTC sa lungsoid ng Kidapawan, North Cotabato kalakip ang kakailanganing ponsdo na susuporta sa mga probisyon nito.

Monday, August 08, 2016

* Kauna-unahang silver medalist sa Olympic, pinapirihan sa Kamara

Pinapirihan ng mga mababatas sa Kamara de Representantes si Filipno weightlifter Hidilyn Diaz para sa pagkamit nito ng kauna-unahang silver medal ng bansang Pilipinas sa 2016 Rio Olympic Games.

Sa isang pahayag, sinabi ni Surigao del Sur Representative Prospero Pichay na maghahain siya ng isang resolusyon na magpupugay kay Diaz at hihiling pa ng karagdagang honor para sa kanya at sa iba pang mga paparating pang Filipino Olympic medalist.

Ayon pa kay Pichay, ang performance ni Hidilyn ang siya umanong magwakas sa dalawampung pagka-tigang ng bansa para sa Olympic silver medal at ipinakita umano niya ang kanyang kagalingan bagama't ito ay ang kanyang pangatlo pa lamang na showing sa Olympics.

Idinagdag pa ni Pichay na maaaring ang silver medal na pinanalo ni Diaz ang maging encouraging point para sa bansa upang magkamit pa ng medalya sa Rio Olympics.
Free Counters
Free Counters