Thursday, August 11, 2016

* Rehab centers para sa mga substance dependent sa bawat rehiyon, itatatag

Hindi pa rin nawawalan nga pag-asa si Cotabato Representative Nancy Catamco na magbago ang maraming nating mga kababayang mga alcohol at drug dependent nang mariin niyang sinabi na kailangan umanong magtatag ng Drug Abuse and Alcoholism Rehabilitation Center sa bawat rehiyon sa buong bansa.

Ayon sa kanya, nakakaapekto umano sa lahat nang sector ng ating lipunan ang alcoholism at drug abuse, maging mayaman man o mahirap at mapa-anumang ethnicity sa ating bansa.

Dahil ditto, inihain ni Catamco ang HB01782 na siyang maglalaan ng pondo para sa naturang mga regional rehabilitation and treatment center na itatatag ng Department of Health (DOH), sa pakikipag- tulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa panukala ni Catamco, ang ponding kakailanganin para sa pagtatatag, maintenance at pagpapatakbo ng mga naturang Drug Abuse and Alcoholism Rehabilitation and Treatment Centers (DAARTC) ay isasali na sa General Appropriations Act bilang bahagi ng taunang budget ng DOH.

Bilang panimula sakaliā€™t ang panukala ni Catamco ay maipasa bilang isang batas, maunang itatag ang DAARTC sa lungsoid ng Kidapawan, North Cotabato kalakip ang kakailanganing ponsdo na susuporta sa mga probisyon nito.
Free Counters
Free Counters