* Pagpasa ng panibagong mining law, ipinursige sa Kamara
Inulit muli ni Ifugao Rep Teddy Baguilat ang kanyang paghamon sa kanyang
mga kasamahang mga mababatas sa Kongreso ang agarang pagpasa ng isang bagong
mining law na makatutugon sa environmental challenges ng bansa at para sa
interes ng mga komunidad nito.
Sinabi ni Baguilat na batay sa malakas na panindigan ng Duterte
administration laban sa irresponsible mining, ito na umano ang pagkakataon
upang magpasa ng panibagong batas hinggil sa pagmimina.
Ayon sa kanya, sumusuporta umnao ang Duterte administration sa pagrebisa
ng kaslukuyang mining law at ang pagigihng bukas nito sa pagpasa ng bago, mas
people-centered, nationalistic at environmental friendly na batas at wala
umanong magandang pagkakataon sa pagpasa ng naturang batas kundi ngayon nan a ayon
sa kanya, matagal na umano niyang pinagsikapang maisagawa.
Ang kasalukuyang audit ng mga practices ng mga mining firm na
isinasagawa ng Department of Environment and Natural Resources sa pamumuno ni
Secretary Gina Lopez ay nagpapakita ng walang bahas na paglabag ng mga big
mining firms na siyang nagdadagdag ng pangangailangan upang magpasa ng isang
panibagong batas.
<< Home