Thursday, July 21, 2016

* Mga first-termer sa Kamara, magsasagawa ng isang Fellowship Dinner

Ang mga first-term majority at minority na mga myembro ng House of Representatives ay magsasagawa ng isang meeting bago pa man mag-umpisa ang pormal na pagbubukas ng Kongreso sa susunod na lingo upang i-kick-start ang isang regular na serye ng mga aktibidades na inaasahang nilang maging isang catalyst para sa mga constructive na mga debate hinggil sa sa mga mahahalagang pieces of legislation sa 17th Congress.

Sa isang pahayag na ipinalabas ng tanggapan ni Camarines Sur Rep LRay Villafuerte, sinabi nito na ang mga naturang mambabatas ay magsasagawa ng isang Neophytes’ Fellowship Dinner mamayang gabi na isinalarawan ng mga organizer bilang paunang aktibidad sa sa srye ng mga aktibidades nan aka-desinyo upang mapaigting ang camaraderie sa hanay ng 104 first-termers sa 298-member chamber.

Ang venue ng nabnggit na fellowship dinner ay ang EDSA Shangri-La Hotel sa may Ortigas Center sa Mandaluyong City.

Sinabi ng mga lawmaker-organizer na ang pagpupulong na ito ay walang political color o party affiliation at mangangahulugan at magselbi itong isang venue para sa mga neophyte na House members upang sila ay magkakakilalanan sa kanilang hanay kung saan sila ay naggagaling sa iba’t-ibang mga background areas of expertise.

Sa pamamagitang ng fellowship dinner na ito at sa susunod pang mga engagement nila, umaasa ang mga organizer na ang mga first-termer legislator ay makaka-buo ng magandang samahan at respeto sa kanilang samahan mapa-oposisyon man at hinggil na rin sa kanilang sa kani-kanilang mga adbokasiya sa pagsasabatas.

Sa inisyatiba ni Villafuerte, kanyang tinipon ang mga first-termer legislator matapos ganapin ang Executive Course para sa mga bagong House members kamakailan lamang.

Tuesday, July 19, 2016

Pagdaos ng Miss Universe Pageant sa Pilipinas, Jumpstart ng Tourism Program ng Duterte Administration ayon kay Rep LRay Villafuerte

Ipinahayag ni Camarines Sur Rep LRay Villafuerte na napapanahon na umano mag-host ang bansag Pilipinas ng Ms. Universe Pageant dito sa bansa.

Ito ay bilang reaksiyon ng solon sa pahayag ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo na inaprubahan na umano ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagho-host ng susunod na Ms Universe Pageant dito sa ating bansa.

Sinabi ng mambabatas na ang okasyon ay isang oportunidad para sa mga Pilipino nguni ito ay isang ring hamon para sa bansa.

Oportunidad sapagkat dito na umano natin maiso-showcase ang ating bansang sa buong mundo dahil mahigit sa 90 mga kandidata ang lalahok sa pageant na ang ibig sabihin ay mahigit 90 ring mga bansa ang magmamasid sa ating bansa.

Segurado, ayon pa kay Villafuerte, na ipo-promote ng Pilipinas ang naturang event at ito umano ay magiging isang malaking boost o tulak sa ating turismo.

Ngunit marami pang ayusin ang pamahalaan kung ang pag-uusapan ay ang torismo sapagkat importanteng maisaayos at mapaigting muna ang ating tourism infrastructure kagaya ng ating airport services.

Marapat lamang umanong mabigyan ng prayoridad at atensiyon ang pag-improve ng mga pasilidad at serbisyo sa lahat ng mga airport sa bansa.

Mabuti na lamang umano na sa pagsapit nitong panibagong administrasyon, natunghayan natin ang maigting na crackdown sa mga insedente ng tanim-bala sa ating mga airport.

Nangako ang mambabatas ng Camarines Sur na makikipagtulungan ito kung hihilingin ang kanyang suporta ng mga lider ng Senado at Kamara de Representantes kung ang pageant ay may pangangailangan ng additional funding.

Matatandaang ang pinaka-huling pag-host nga bansa nga Miss Universe Pageant ay noong taong 1994 pa at nararapat lamang mabigyan ng pagkakataon ang reigning Miss Universe, Pia Wurtzbach, makapag-korona ng susunod na Miss Universe, dagdag pa ni Villafuerte.

Monday, July 18, 2016

Pagtatag ng kagawaran o department of OFW, ipinanukala

Magiging Department of Overseas Filipino Workers (DOFW) na ang kasalukuyang opisina na nakikipag-coordinate lamang sa iba’t-ibang ahensiya ng gobeyerno para sa mga OFW kung maipasa ang panukala ni Bohol Representative Arthur Yap na nakapaloob sa HB00822.

Ipinursige ng mambabatas ang pagkakapasa ng kanyang panukala na naglalayong bumuo ng isang departamento sa pamahalaan na magpo-focus lamang sa mga pangangailangan at kapakanan ng mga OFW.

Sinabi ni Yap na ang isang hiwalay na departamento para sa mga OFW ay kailangan mabuo sapagkat ang mga overseas worker natin ay mayroong unique na mga pangangailangan na makikita lamang sa kanilang sector.
 
Ayon sa kanya, marami umano ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibayong dagat na kumakaharap at nagdurusa ng iba’t-ibang klase ng abuso kung saan, kalimitan sa kanila ay nakaka-eksperiyensiya ng mga hindi magandang pagtrato galing mga kinatawan ng pamahalaan o opisyal ng mga embahada, eksploytasyon ng iba’t-ibang uri ng employer o sa mga recruiter, unfair charging ng mga hindi kailangang bayarin, illegal at wala sa panahong terminasyon ng work contract at human trafficking.

Idinagdag pa ng solon na kasalukuyan, maraming mga government agency ang may mandato na i-address ang main concern ng mga OFW, kabilang na rito ang repatriation, illegal recruitment, labis-labis na koleksiyon na mga placement fee at legal assistance.

Kabilang ditto sa mga coordinating agencies ay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Pverseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Department of Labor (DOLE).

Monday, July 04, 2016

Panukalang mag-abolish ng contractualization employment scheme, isinusulong

Alinsunod sa pahayag na nanggaling kay Pangulong Rodrigo Duterte, naghain ng panukala si Anak Pawis Partylist Rep Ariel Casilao na mag-a-abolish sa contractualization employment scheme sa buong bansa

Matatandaang noong panahon ng kampanya para sa national election, nangako si Pangulong Duterte na noo’y kandidato pa sa pagka-pangulo na kanyang i-abolish ang contractualization scheme na kanyang inilarawan bilang unfair labor practice at isang kasangkapang sa eksploytasyon laban sa mga manggagawa.


Sinabi ni Casilao hindi lamang isang short-term na taktika ang contractualization upang mabawasan ang gastosin ng mga employer kundi ito pa ay tumatalo sa isang union organizing drive, ngunit ang isang long-term strategy para mabawasan ang mga obligasyon sa mga manggagawa at ipawalang-bisa ang kanilang mga karapatan base sa pagpapananatili ng isang   said contractualization isang employment relationship.

Ayon Casilao, ang mga malalaking kosporasyon kagaya ngShoemart (SM) na isang retail company na minamay-ari ng pinakamayamang mamamayan sa buong Pilipinas na si Henry Sy, kilala sa pagiging notorious para sap ag-i-employ ng mga contractual employees na may maiksing employment tenure na 3 hanggang 5 buwan lamang.

Constituent Assembly, isinusulong para sa pag-amiyenda sa 1987 Constitution

Ipinanukala ni Negros Occidental Rep Alfredo Benitez na i-convene ang House of Representatives at ang Senate na maging isang Constituent Assembly upang mag-introduce ng mga amiyenda sa 1987 Constitution, kasama na rin ang pagpalit bilang isang federal form of government ang bansa.

Nakapaloob sa House Joint Resolution No. 2 ni Benitez at kanyang sinabi na kabilang sa kanyang panukala ang Constituent Assembly na ayon sa kanya ay ang pinaka-mabilis at least expensive na mode para amiyendahan ang Charter para mapalitan ang form of government tungo sa federalism.


Mariing ina-advocate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang federalism bilang isang mainam na system of governance para sa bansang Pilipinas na ayon sa kanya na ang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila ay tumatanggap lamang ng kakarampot na badyet galing sa Internal Revenue Allotment.

Ayon kay Benitez, ang Constitutional Assembly ay ang pinaka-mabilis at hindi masyadong magastos na paraan kaysa sa iba pang modes of Charter change.


Mayroon pang dalawang klase ng pag-amiyenda sa Konstitusyon at ito ay ang Constitutional Convention at ang People’s Initiative.

* JobStart Philippines Program, naging Republic Act 10869 na

Pinapurihan ni re-elected Davao City Rep Karlo Alexei Nograles ang pagkakapasa bilang ganap na batas ng kanyang panukalang isinulong sa Kongreso na magpapatatag ng pambansang implementasyon ng JobStart Philippines Program na tutulong sa mga kabataang unemployed sa paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kanilang mga kakayahan ay kaalaman na nakamtan sa pamamagitan ng formal education at technical training.

Sinabi ni Nograles na ang RA10869 o ang JobStart Philippines Act ay may layuning paiiksiin ang oras sa pag-aaral ng mga kabataan para sa tinatawag na work transition at madagdagan ang kanilang tsansa at makasama sila sa productive employment.

Idinagdag pa ni Nograles na sa partisipasyon ng pribadong sector at iba pang mga stakeholder, ang programa umano ay makakatulong sa pag-develop ng life skills ng mga kabataan pati na rin yaong mga values ng professionalism at work appreciation at makapaggagawad sa mga trainee ng isang condusive at safe work environment o magiging venue kung saan maia-apply nila ang mga kaukulang theory at code of ethics.

Ang isa pang layunin umano ng programa ay ang pagpapayabong pa ng delivery ng employment facilitation services ng Public Employment Service Office o kilala sa katawagang PESO.

Ang PESO ay isang community-based multi-employment service facility na naka-link sa mga regional office ng DOLE para sa koordinasyon at technical supervision at sa DOLE central office para mag-constitute ng isang national employment service network.
Free Counters
Free Counters