Monday, July 04, 2016

Constituent Assembly, isinusulong para sa pag-amiyenda sa 1987 Constitution

Ipinanukala ni Negros Occidental Rep Alfredo Benitez na i-convene ang House of Representatives at ang Senate na maging isang Constituent Assembly upang mag-introduce ng mga amiyenda sa 1987 Constitution, kasama na rin ang pagpalit bilang isang federal form of government ang bansa.

Nakapaloob sa House Joint Resolution No. 2 ni Benitez at kanyang sinabi na kabilang sa kanyang panukala ang Constituent Assembly na ayon sa kanya ay ang pinaka-mabilis at least expensive na mode para amiyendahan ang Charter para mapalitan ang form of government tungo sa federalism.


Mariing ina-advocate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang federalism bilang isang mainam na system of governance para sa bansang Pilipinas na ayon sa kanya na ang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila ay tumatanggap lamang ng kakarampot na badyet galing sa Internal Revenue Allotment.

Ayon kay Benitez, ang Constitutional Assembly ay ang pinaka-mabilis at hindi masyadong magastos na paraan kaysa sa iba pang modes of Charter change.


Mayroon pang dalawang klase ng pag-amiyenda sa Konstitusyon at ito ay ang Constitutional Convention at ang People’s Initiative.
Free Counters
Free Counters