Tuesday, July 19, 2016

Pagdaos ng Miss Universe Pageant sa Pilipinas, Jumpstart ng Tourism Program ng Duterte Administration ayon kay Rep LRay Villafuerte

Ipinahayag ni Camarines Sur Rep LRay Villafuerte na napapanahon na umano mag-host ang bansag Pilipinas ng Ms. Universe Pageant dito sa bansa.

Ito ay bilang reaksiyon ng solon sa pahayag ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo na inaprubahan na umano ni Pangulong Rodrigo Durterte ang pagho-host ng susunod na Ms Universe Pageant dito sa ating bansa.

Sinabi ng mambabatas na ang okasyon ay isang oportunidad para sa mga Pilipino nguni ito ay isang ring hamon para sa bansa.

Oportunidad sapagkat dito na umano natin maiso-showcase ang ating bansang sa buong mundo dahil mahigit sa 90 mga kandidata ang lalahok sa pageant na ang ibig sabihin ay mahigit 90 ring mga bansa ang magmamasid sa ating bansa.

Segurado, ayon pa kay Villafuerte, na ipo-promote ng Pilipinas ang naturang event at ito umano ay magiging isang malaking boost o tulak sa ating turismo.

Ngunit marami pang ayusin ang pamahalaan kung ang pag-uusapan ay ang torismo sapagkat importanteng maisaayos at mapaigting muna ang ating tourism infrastructure kagaya ng ating airport services.

Marapat lamang umanong mabigyan ng prayoridad at atensiyon ang pag-improve ng mga pasilidad at serbisyo sa lahat ng mga airport sa bansa.

Mabuti na lamang umano na sa pagsapit nitong panibagong administrasyon, natunghayan natin ang maigting na crackdown sa mga insedente ng tanim-bala sa ating mga airport.

Nangako ang mambabatas ng Camarines Sur na makikipagtulungan ito kung hihilingin ang kanyang suporta ng mga lider ng Senado at Kamara de Representantes kung ang pageant ay may pangangailangan ng additional funding.

Matatandaang ang pinaka-huling pag-host nga bansa nga Miss Universe Pageant ay noong taong 1994 pa at nararapat lamang mabigyan ng pagkakataon ang reigning Miss Universe, Pia Wurtzbach, makapag-korona ng susunod na Miss Universe, dagdag pa ni Villafuerte.
Free Counters
Free Counters