Monday, June 27, 2016

* Inaantabayanang maging batas na ang Basic Life Support Training Act

Matapos tanggapin ng Office of the President ang panukalang Basic Life Support Training in Schools Act, ito ay naghihintay na lamang sa pagkakalagda ng Pangulong PNoy upang ito ay ratipikahan na maging ganap na batas.

Ang HB06204 ay may layuning maseguro na ang mga mamamayan at makapagsanay ang mga mamamayan ng mga kinakailangan at sapat na kaalaman at basic skills na romesponde sa anumang health emergencies.

Ang panukala ay magmamando sa lahat nang mga public at private basic education schools sa buong bansa na turuan ang mga magaaral ng basic life support training sa pamamagitan ng paggamit ng paggamit ng psychomotor training sa pamamaraang nakabatay sa angkop na edad ng mga estudyante.

Nakapaloob sa pagsasanay ang mga programa na denibelop ng Philippine Heart Association (PHA) o ang Philippine National Red Cross (PNRC) sa pamamagitan ng nationally-recognized at evidence-based guidelines para sa emergency cardiovascular care at psychomotor training.

Ang Basic Life Support training ay magiging bahagi rin ng comprehensive health and physical education curriculum ng mga paaralan at ito maggagawad ng certificate sa lahat na mga successful students na nakakompleto sa programa.

* “Exact Change Act,” nakaantabay sa lagda ni PNoy

Nakaantabay na lamang sa paglagda ni President Aquino ang panukalang magmamando sa mga establisiyemento na magbigay ng eksaktong sukli sa mga konsiyumer upang maging batas.

Ang proposed “Exact Change Act” ay ipinasa sa Pangulo para aprubal at lagda nito matapos niratipikahan ng House of Representatives ang Conference Committee Report ng HB04730 noong nakaraang June 6 at ng SB01618 noong May 23, 2016.

Patatatagin ang proteksiyon ng mga konsiyumer dito sa panukalang ito lalu na sa pagbili ng mga commodity o goods na binibili at sa mga serbisyo na ina-avail ng mga costumer.

Pinatatatag dito sa batas na ito ang palisiya ng Estado na protektahan ang interes at ipagpapaibayo mang general welfare ng mga consumer at ganun na rin ang pagtatag ng standards of conduct para sa mga negosyo at industriya.

Dito idideklara na maging unlawful para sa anumang negosyo na magbigay ng hindi sapat o eksaktong sukli sa lahat ng mga consiyumer na bumili o tumanggap ng produkto o serbisyo kahit gaano kaliit ng halaga ng sukli.

Ipagbabawal din dito ang pagsusukli ng anumang bagay na may katumbas na halaga ng sukli kundi pera lamang ng nararapat na halaga ang dapat isukli at imamando sa din sa mga establisimiyento ang paglagay ng paskil sa bawat counter nito ang mga katagang Demand Your Exact Change.

* Panukalang Socialized Housing Bill, nakaabang sa paglahgda ni PNoy

Ang panukalang batas na magpapatatag ng Balanced Housing Development Program qay kasalukuyan nang nakaantabay sa lagda ni Pangulong Benigno Aquino III upang ito ay maging isang ganap na na batas.


Ang HB04116 na pinamagatang Balanced Housing Development Program Amendments Act at may layuning isama na rin ang mga developer ng subdivision at condominium project na maging bahagi sa socialized housing program sa pamamagitan ng pag-amiyenda ng RA07279 o kilala sa katawagang “Urban Development and Housing Act of 1992.”

Nakapaloob din sa panukala na labing limang porsiyento (15%) ng kabuoang subdivision area at limang posiyento (5%) condominium area ay naka-allocate sa socialized housing batay sa pasya ng developer.

At ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang National Economic Development Authority (NEDA) ang magdi-determina at magpasya ng hiwalay na socialized housing price ceilings.

Wednesday, June 22, 2016

Foreign Investment Liberalization Act, nakatakdang aprubahn ni PNoy

Ang panukalang Pagpapaluwag ng Dayuhang Pamumuhunan o ang Foreign Investment Liberalization Act na kamakailan lamang ipinasa sa Office of the President ay kasalukuyang nakaantabay na malagdaan upang maging ganap na na batas.
Ang HB06395 na inihain nina Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal at Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ay may layuning amiyendahan ang espesipikong  batas sa foreign participation limitations.

Ito ay tumatalakay sa mga restriksiyon sa adjustment, lending at mga financing company at sa mga investment house na nakapaloob sa Foreign Investment Negative List.

Batay sa panukala, lahat na mga statutory law at implementing rules and regulations na magre-require ng mga nationality requirement sa mga nabanggit na industriya ay i-abolish na.

Ang citizenship requirement at share of capital ay aalisin batay sa sinasabi ng Section 332 na tumutukoy sa seksiyon ng Adjusters ng RA10607 o ang tinatawag na The Insurance Code.

Ang HB06395 ay may layunin ding buksan ang mga additional investment na kakailanganin para sa objective ng pagpapaunlad ng bansa bagamat napagpasyahan ni PNoy noong nakaraang taon na hindi papalitan ang mga industry na tinukoy sa Foreign Investment Negative List sa pamamagitan ng kanyang Executive Order 184.

Monday, June 20, 2016

Pangungunahan ni Speaker Belmonte ang inagurasyon ng house legislative library, archives and museum building at congressional wall of honor

Pangungunahan ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang inagurasyon bukas sa katatapos pa lamang na gusali ng House of Representatives Legislative Library, Archives and Museum Building na siyang pangunahing ideya niya na may intensiyong maging epesyente at epektibo ang management ng legislative information resources ng institusyon at mapatatag ang legislative governance ng bansa.

Si Belmonte na siyang maging guest speaker sa naturang pasinaya ay inaasahang magpaliwanag ng kahalagahan ng pagtatag ng panbagong gusali lalu na sa pagtugon sa mga pangangailangang research, information at communication ng mga miyembro at staff ng Kongreso at ng publiko.

Napapanahong ang inagurasyon ng nabanggit na gusali natapat sa pagbubukas ng ng 17th Congress sa susunod na buwan.

Sa naturang tanggapan, dito matutunghayan ang kauna-unahan at ka-isa-isang electronic legislative library sa buong bansa, kompleto ng modernong impormasyon at communications technology equipment.

Modernisasyon ng NBI, nakatakdang lalagdaan ni Pangulong Aquino upang maging batas

Tinanggap na ng tanggapan ng Office of the President ang panukalang National Bureau of Investigation Modernization Act noong nakaraang Huwebes at ito naghihintay na lamang ng aprubal na maging ganap na batas bago magtapos ang termino ni Pangulong Aquino sa June 30, 2016.

Ang HB05855 na inakda nina Sorsogon Rep. Evelina Escudero at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na may layuning palawigin ang estruktura, capability at manpower ng NBI upang matugunan ang increasing demand ng investigative at detective na trabaho nito ay naghihintay na lamng ng pagkakalagda nito.

Ang nabanggit na punukala ay may layunin ding i-modernize ang facilities at intelligence devices at itatatag ang forensic at scientific laboratories at sasanayin ang mga NBI personnel.

I-prioritize din ditto sa panukala ang mga kaso ng human trafficking, extrajudicial killings, paglabag sa cybercrime prevention act, anti-dummy law violation, banta sa seguridad o assault laban sa katauhan ng Pangulo, Vice President, Senate President, House Speaker at Chief Justice ng Supreme Court.

Thursday, June 16, 2016

* Pagpapalawig ng prescriptive period sa paghain ng mga graft cases, maging batas na

Ang panukalang batas na magpapalawig ng prescriptive period sa paghahain ng mga graft cases laban sa mga lumalabag ditto ay nakatakdang nang lalagdaan o naghihintay na lamang sa pagkaka-apruba at lagda ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ay nangyari matapos aprubahan ng Senado at Kamara de Representantes ang pinal na bersiyon ng proposal bago nagkaroon ng congressional sine die adjournment noong ika-6 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ang panukala ay mag-aamiyenda sa RA03019 na kilala sa katawagang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, as amended, at gawing dalawampung taon o 20 years na ang prescriptive period sa pag-file ng mga graft cases laban sa mga violators nito, sa halip na 15 years lamang noon.

Sinabi ni House Deptuty Speaker Giorgidi Aggabao, isa sa mga may-akda ng panukala, na ang nasabing pag-iextend ng prescriptive period ay upang maseguro na ang mga lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practice Act ay hindi na maka-eskapo sa liability dahilan lamang sa technicality ng kasalukuyang 15-year prescription period.

Wednesday, June 15, 2016

Pagpasa ng Anti-Power Line Disturbance Act, ipupursige sa 17th Congress

Ipupursige ng iilang mga incoming representative ang panukalang Anti-Power Line Disturbance Act sa paparating na 17th Congress sa layuning matugunan na ang problemang disruption o pagtikil sa mga linya ng kuryente sa buong bansa.

Ang HB06450 na tinalakay ng Committee on Energy noong 16th Congress ay balak ng mga mambabatas, sa pangunguna ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, na ihain muli upang matalakay muli sa nabanggit na Committee.

Nakapaloob sa panukala na ipagbabawal ang pagtanim ng anumang mga punong kahoy at pagsasagawa ng kontruksiyon ng anumang estruktura sa ilalaim o sa loob ng right-of-way clearance ng lahat na mga power transmission lines at papatawan ng kaakibat na kaparusan para sa sinumang lalabag sa batas.

Sinabi ni Umali na ang kuryente ay ang lifeblood ng ekonomiya ng bansa at ang anumang disruption dito ay magiging sanhi ng malaking kalugian sa revenue at ito ay magdudulot lamang ng masamang epekto sa ekonomiya ng bansa.

Inaasahang isa ito sa mga panukalang batas na mauunang talakayin sa Committee sa darating na 17th Congress.

Thursday, June 02, 2016

* Buo ang suporta ni Speaker Belmonte sa administrasyong Duterte

Ipinahayag ngayon ni House Speaker Feliciano Belmonte ang kanyang buong suporta sa kay incoming President Rodrigo Duterte sa pag-umpisa ng panungkulan ng nahuli darating na ika-30 ng Hunyo.

Sa lingguhang pulong balitaang Ugnayan sa Batasan, sinabi ni Belmonte na ang Liberal Party (LP) wala sa posisyon na humiling ng anumang posisyon sa Gabinete para kay Vice President-elect Leni Robredo nang kanyang sinabi na sa palagay niya,hindi umano maganda ang approach na i-suggest sa Pangulo na bigyan ng Cabinet Position ang bise presidente at na mahalagang matuto silang magtrabaho ng sabay.

Ayon pa kay Speaker Belmonte, ang naging desisyon ng ilang mga miyembro ng Liberal Party at ang iba pang mga partido political na sumanib sa majority coalition na susuporta kay incoming Pantaleon Alvarez ay nasa best interest nila at ng kanilang mga constituent..

Ayon pa sa kanya, tinangka niyang makipag-negosasyon kay Alvarez na tratohin ang mga miyembro ng LP na sumanib sa coalition ng pantay kagaya ng pagtrato nila sa mga galling din sa Nationalista Party (NP) at sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Idinagdag pa ng kasalukuyang Speaker na ang oposisyon ay isang importanteng bahagi ng demokrasya

* Pinapurihan ng Bayan Muna ang suporta ni Duterte sa SSS pension hike

Nagpahayahg ng pagkatuwa sina Bayan Muna Representatives Carlos Isagani Zarate at Neri Colmenares Kay President-elect Rodrigo Duterte sa suporta nito na dagdagan ang pensiyon para sa mga senior citizen.

Sinabi ni Zarate na sinalubong nila ang naging desisyon ni incoming President Duterte na kanyang sinusuportahan ang pagdagdag ng Social Security System (SSS) pension at kanyang ikinumpara itong aksiyon ni Duterte sa malamig na puso ng administrasyong Aquino na hindi man lamang umano nakinig sa daing ng mga senior citizen.

Sa parte naman ni Colmenares na siyang namuno sa pagsulong ng P2,000 pension increase, hinimok nito si Duterte na ganap nitong supportahan ang override resolution na kanilang balak na ihahain bago magtapos ang 16th Congress sa adjournment nito sa susunod na lingo.

Umabot na sa 120 na mga miyembro ng House of Representatives ang lumagda na sa resolution na may layuning i-overturn ang veto ni Pangulong Aquino sa inaprubahang P2,000 pension hike.

Wednesday, June 01, 2016

Pagbabawal sa diskriminasyon sa edad sa paggawa, pumasa na sa Kamara

Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na magbabawal sa age discrimination sa employment.

Sinabi ni Representative Susan Yap ng Tarlac, ang principal author ng nasabing panukala, na kompiyansiya umano siya na ang HB06418 ay maipapasa at maging batas sa nalalabing mga araw ng sesyon sa 16th Congress sapagkat nauna na rito ang pagkakapasa sa Senado ng SB00029 alinsabay sa House Bill ng Mababang Kapulungan.

Ang Anti-Age Discrimination Employment Act na kanilang ipinasa ay may layuning maipagpapaibayo ang pantay na oportunidad sa pag-iempleyo para sa lahat at susuporta sa mga indibidwal base na rin sa kanilang mga abilidad, kaalaman, skills at qualification kaysa sa kanilang mga edad.

Layunin din ng panukala na ideklara bilang palisiya ng Estado na ang pagbabawal ng arbitrary age limitation sa employment at ang proteksiyon sa karapatan ng mga empleyado at mga manggagawa, regardless sa kanilang mga edad, at dapat pantay in terms of sahod, benepisyo, promotion, training at iba pang mga employment opportunities.
Free Counters
Free Counters