Pangungunahan ni Speaker Belmonte ang inagurasyon ng house legislative library, archives and museum building at congressional wall of honor
Pangungunahan
ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang inagurasyon bukas sa katatapos pa
lamang na gusali ng House of Representatives Legislative Library, Archives and
Museum Building na siyang pangunahing ideya niya na may intensiyong maging
epesyente at epektibo ang management ng legislative information resources ng
institusyon at mapatatag ang legislative governance ng bansa.
Sa naturang
tanggapan, dito matutunghayan ang kauna-unahan at ka-isa-isang electronic legislative
library sa buong bansa, kompleto ng modernong impormasyon at communications
technology equipment.
Si
Belmonte na siyang maging guest speaker sa naturang pasinaya ay inaasahang
magpaliwanag ng kahalagahan ng pagtatag ng panbagong gusali lalu na sa pagtugon
sa mga pangangailangang research, information at communication ng mga miyembro
at staff ng Kongreso at ng publiko.
Napapanahong
ang inagurasyon ng nabanggit na gusali natapat sa pagbubukas ng ng 17th
Congress sa susunod na buwan.
<< Home