Pagbabawal sa diskriminasyon sa edad sa paggawa, pumasa na sa Kamara
Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara de Representantes ang
panukalang batas na magbabawal sa age discrimination sa employment.
Sinabi
ni Representative Susan Yap ng Tarlac, ang principal author ng nasabing
panukala, na kompiyansiya umano siya na ang HB06418 ay maipapasa at maging
batas sa nalalabing mga araw ng sesyon sa 16th Congress sapagkat
nauna na rito ang pagkakapasa sa Senado ng SB00029 alinsabay sa House Bill ng
Mababang Kapulungan.
Ang
Anti-Age Discrimination Employment Act na kanilang ipinasa ay may layuning
maipagpapaibayo ang pantay na oportunidad sa pag-iempleyo para sa lahat at
susuporta sa mga indibidwal base na rin sa kanilang mga abilidad, kaalaman,
skills at qualification kaysa sa kanilang mga edad.
Layunin din ng panukala na ideklara bilang palisiya ng Estado na ang pagbabawal ng arbitrary age limitation sa employment at ang proteksiyon sa karapatan ng mga empleyado at mga manggagawa, regardless sa kanilang mga edad, at dapat pantay in terms of sahod, benepisyo, promotion, training at iba pang mga employment opportunities.

<< Home