Monday, July 30, 2012

Suporta at kompiyansa ng taumbayan, susi sa kaunlaran

Pinahayag ngayon ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na ang pambansang pagkakaisa at pagtutulungan ang susi upang makamtan ng bansa ang pagbabago para sa susunod na dekada.

Sinabi n glider ng Kamara na bigyan umano ng katuparan ang kompiyansa at suporta ng taumabayan at hindi daw imposible na makamit ng taumbayan ang nais gawin ni Pangulong Aquino para sa bayan.

Naniniwala si Belmonte na kailangan din ang boses ng oposisyon sa Kamara upang magkaroon ng tunay na demokrasya at importabnte din umano ang boses ng lahat ng miyembro.

Ayon sa kanya, makikipag-uganay daw ang liderato ng Kamara sa liderato  ng Senado at mga komite nito para maisabatas ang 220 national bills at 550 local bills na inaprubahan na ng Kamara sa ikatlong pagbasa at nag-aantabay sa aksiyon ng Mataas na Kapulungan.

Prayoridad ng Kamara na aprubahan ang P2.006-triyon 2013 General Appropriations Act na tinawag ng Pangulo na isang empowerment budget.

(30)

Informal economy workers, magkakaroon na ng mga benepisyo


Ipinanukala ngayon sa Kamara ngayon na ipapasakop sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) ang lahat nang informal sector kagaya ng ordinaryong magsasaka, mangingisda, home-based workers, industrial home-based workers, self-employed, vendors, drivers, operators of jeepneys and tricycles, domestic helpers, small scale miners, workers of barangays, micro business enterprise, waste pickers and recyclers, on-call workers, volunteer workers, unpaid family workers at seasonally hired workers.

Batay sa panukala, ang HB06182 na iniakda ni TUCP partylist Rep Raymond Democrito Mendoza, marapat lamang na magbigyan ng proteksyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng institutional mechanism para sa informal sector na karaniwang matatagpuan sa agriculture, commerce, construction, transportation, manufacturing at services.

Sinabi ni Mendoza na sila ang mga casual, irregular o mga trabahador na palipat-lipat ng trabaho at pinapasukang trabaho.

 Sa ilalim ng panuakala, bibigyan ang mga informal workers ng karapatang na mamuhay ng maginhawa at mgkaroon ng patas na oportunidad para sa pagtataguyod, kaligtasan at kalusugan sa kanilang pinagta-trabahuhan.

(30)

Kasal sa simbahan, maaari nang ipawalangbisa


Hiniling ni ngayon sa Kamara ni Deputy Speaker at Cebu Rep Pablo Garcia na madaliin ang pagsasabatas ng panukalang kumikilala sa pagpapawalang-bisa o pagbuwag ng kasal sa simbahan  o anumang religious denomination.

Sa HB0 1290, layunin nito na gawing nang legal ang annulment ng isang kasal sa simbahan.

Sinabi ni Garcia na kinikilala ng batas ng gobyerno ang isang sagradong kasal alinsunod sa batas ng simbahan na ang ibig sabihin nito ay nirerespeto ng estado ang batas ng simbahan.

Binanggit ni Garcia ang pagpapatibay sa New Civil Code na kinikilala ng estado ang diborsyo ng Muslim o pagbuwag sa kasal alinsunod sa kanilang batas.

Ayon sa kanya, sa ilalim daw ng prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa harapan ng batas, kung ang diborsyo sa Muslim ay ligal, walang magiging seryosong pagtutol na kumikilala sa pagpapawalang-bisa ng kasal sa simbahan o anumang sekta ng relihiyon.

-30-

Wednesday, July 18, 2012

Proteksiyon sa economic espionage, ipinanukal

Hiniling ngayon ni Camarines Sur Rep Macapagal Arroyo sa Kamara na madaliin ang pagsasabatas ng HB01471 para ideklarang gawaing criminal ang “economic espionage” at gawaran ng parusa ang sinumang nagkasala dito.

Bibigyan ng proteksyon ang proprietary economic information sa ilalim ng panukalang ito na tatawaging Economic Espionage and Protection of Proprietary Information Act.

Sinabi ni Arroyo na ang economic espionage na nagawang kasalanan ninuman ay ang pagnakaw,  wrongfully appropriates, carries away, or conceals, or by fraud, artifics, or deception para makakuha ng proprietary economic information, ganun din sa pagkopya, pag-duplicate ng mga sketches, drawings, photographs, pag-download, uploads, pag-alters, pagsira, pag-photocopy, replicates, transmits, delivers, send mails, or conveys proprietary economic information.

Ang ibig sabihin proprietary economic information ay ang lahat ng forms at types ng financial, business, scientific, technical, economic or engineering information.

Kabilang naman dito, pero hindi limitado sa data, plans, tools, mechanisms, compounds, formulas, designs, prototype, processes, procedures, programs, codes o commercial strategies, tangible man o intangible at kahit stored, compiled, o memorialized physically, electronically, graphically, photographically, o in writing.

---

Monday, July 09, 2012

Mga anak ng military na may kapansanan, magkaroon pa ng benepisyo


Dapat lamang na ituloy ang pagtanggap ng benepisyong pensyon ang mga may kapansanang anak ng namatay o nakaligtas na military personnel kahit na sila ay lumampas sa edad na 21-taong gulang.

Iginiit ni Quezon City Rep Winston Castelo na amiyendahan ang Presidential Decree 1638 na kilala sa tawag na “AFP Military Personnel Retirement and Separation Decree of 1979” sa ilalim ng HB06026, “AFP Derivative Retirement Pension for Children/Survivors Act of 2012.”

Layunin ng HB06026 na dagdagan ng bagong Section ang nabanggit na batas na magbibigay sa mga anak ng nakaligtas na military na napatunayang may kapansanan sa kaisipan at hindi nakayang mamuhay ng normal ay ililiban sa terminasyon ng benepisyo ng pensyon kapag dumating sa edad na 21.

Bagamat mayroon, pero hindi marami, sinabi ni Castelo na ang mga naulilang anak ng military personnel ay special, incompetent, mentally retarded, handicapped, o disabled.

Sa opinyon ng Judge Advocate General’s Office o JAGO noong Enero 16, 2008, sinabi ni Castelo na naging hadlang ito para sa buong kapasidad para sa lahat ng aspeto ng pamumuhay.

Nagkaroon ito ng katanungan sa 21-year age requirement para sa derivative pension sa ilalim ng Presidential Decree 1638.

Nilinaw ni Castelo na kung ang bata ay nasa wastong edad, pinapalagay na kaya na niyang mamuhay physically, mentally, psychologically and emotionally.

Pero ito ay para lamang sa mga mentally retarded persons o yung ang mga mental faculties ay hindi normally developed, dagdag pa niya.

---
Free Counters
Free Counters