Monday, July 30, 2012

Kasal sa simbahan, maaari nang ipawalangbisa


Hiniling ni ngayon sa Kamara ni Deputy Speaker at Cebu Rep Pablo Garcia na madaliin ang pagsasabatas ng panukalang kumikilala sa pagpapawalang-bisa o pagbuwag ng kasal sa simbahan  o anumang religious denomination.

Sa HB0 1290, layunin nito na gawing nang legal ang annulment ng isang kasal sa simbahan.

Sinabi ni Garcia na kinikilala ng batas ng gobyerno ang isang sagradong kasal alinsunod sa batas ng simbahan na ang ibig sabihin nito ay nirerespeto ng estado ang batas ng simbahan.

Binanggit ni Garcia ang pagpapatibay sa New Civil Code na kinikilala ng estado ang diborsyo ng Muslim o pagbuwag sa kasal alinsunod sa kanilang batas.

Ayon sa kanya, sa ilalim daw ng prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa harapan ng batas, kung ang diborsyo sa Muslim ay ligal, walang magiging seryosong pagtutol na kumikilala sa pagpapawalang-bisa ng kasal sa simbahan o anumang sekta ng relihiyon.

-30-
Free Counters
Free Counters