Mga anak ng military na may kapansanan, magkaroon pa ng benepisyo
Dapat lamang na
ituloy ang pagtanggap ng benepisyong pensyon ang mga may kapansanang anak ng
namatay o nakaligtas na military personnel kahit na sila ay lumampas sa edad na
21-taong gulang.
Iginiit ni Quezon
City Rep Winston Castelo na amiyendahan ang Presidential Decree 1638 na kilala
sa tawag na “AFP Military Personnel Retirement and Separation Decree of 1979”
sa ilalim ng HB06026, “AFP Derivative Retirement Pension for Children/Survivors
Act of 2012.”
Layunin ng HB06026
na dagdagan ng bagong Section ang nabanggit na batas na magbibigay sa mga anak
ng nakaligtas na military na napatunayang may kapansanan sa kaisipan at hindi
nakayang mamuhay ng normal ay ililiban sa terminasyon ng benepisyo ng pensyon
kapag dumating sa edad na 21.
Bagamat mayroon,
pero hindi marami, sinabi ni Castelo na ang mga naulilang anak ng military
personnel ay special, incompetent, mentally retarded, handicapped, o disabled.
Sa opinyon ng Judge
Advocate General’s Office o JAGO noong Enero 16, 2008, sinabi ni Castelo na
naging hadlang ito para sa buong kapasidad para sa lahat ng aspeto
ng pamumuhay.
Nagkaroon ito ng
katanungan sa 21-year age requirement para sa derivative pension sa ilalim
ng Presidential Decree 1638.
Nilinaw ni Castelo
na kung ang bata ay nasa wastong edad, pinapalagay na kaya na niyang mamuhay physically,
mentally, psychologically and emotionally.
Pero ito ay para
lamang sa mga mentally retarded persons o yung ang mga mental faculties ay hindi
normally developed, dagdag pa niya.
---
<< Home