Friday, September 23, 2022

PANUKALANG FREE COLLEGE ENTRANCE EXAMS, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA

Inaprubahan ngayong Biyernes sa ikalawang pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang House Bill 5001, o ang panukalang “Free College Entrance Examinations Act.” 


Ayon sa panukala, imamandato sa mga pribadong higher education institutions (HEIs) na talikdan ang mga babayarin sa pagsusulit para makapasok sa kolehiyo, para sa mga maralitang graduate at gagraduate ng high school, na nabibilang sa top 10 percent ng kanilang graduating class. 


Isinasaad sa panukala na ang mga benepisaryo ay ang mga magulang na may pinagsamang kita na mababa sa poverty threshold, na tinutukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 


Bukod pa rito, isinasaad rin na ang Commission on Higher Education (CHED) na paparusahan ang mga opisyal at kawani ng mga pribadong HEIs na mabibigong talikdan ang nasabing kabayaran. 


Layon ng panukala na palawakin ang akses ng mga maralitang mag-aaral sa kalidad na higher education. 


Kapag naisabatas, titiyakin nito na pakikinabangan ito ng mga maralita at karapat-dapat na graduating high school students at high school graduates na mabigyan ng sapat na ayuda, kabilang na ang pantay na oportunidad na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kolehiyo at ang kanilang piniling direksyon sa karera. 


Pinangunahan ni Deputy Speaker Roberto Puno ang hybrid na sesyon sa plenaryo.

SEPTEMBER 23 EPISODE: ETHICAL BEHAVIOR SA PHARMA INDUSTRY DAPAT SUNDIN

Mga KaTropa, Ito na po ang ating huling araw ng kwentuhan tungkol sa pyramiding scam ng mga doktor na maaring nakakalagay sa mapanganib na sitwasyon sa kanilang mga pasyente.


Alam na natin ang kanilang estilo at modus pero ngayon ating hihilingin sa pharma company na gumagawa nito na tigilan na at sumunod sa ethical standards na inilaan para sa industriya.


Itong bahagi ng ating programa ay ihahango natin sa column ni Ginoong Teodoro Padilla ng Business World. Sa kaniyang isinulat noong August 31 na may pamagat na Promoting ethical behavior in the pharma industry, kaniyang ipinunto na makaka apekto ang mga masasamang modus ng mga kompanya na hindi sumusunod sa alituntunin ng ethical standards.


Kaniyang ipinunto na ang mga masasamang pharma companies na ang habol ay short term profits ay mas napapagastos ng long term dahil sa pangkalahatan, mas malaki ang kanilang kailangan na gastusin.


Ang pinapangalagaan na reputasyon ng mga doktor ay ilalagay sa alanganin at ang pinaka lugi at talo sa mga modus ay ang pasyente na kanilang dapat prino protektahan.


Babasahin natin ang sinabi ni Ginoong Padilla tungkol sa ethical standards mula sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP).


Ito rin ang buod ng Mexico City Principles na kailangan gawin ng Pharmaceutical industry.

  

The first principle is healthcare and patient focus which means that everything we do is intended to benefit patients.


The second principle is integrity which means dealing ethically, honestly and respectfully in everything we do.


Third is independence which means to respect the need for autonomous decision-making of all parties, free from improper influence.


Fourth is legitimate intent which means everything we do is for the right reasons, is lawful, and aligns with the spirit and the values of these Principles.


Fifth is transparency which means a general willingness to be open about our actions while respecting legitimate commercial sensitivities and intellectual property rights.


Finally, accountability means a willingness to be responsible for our actions and interactions.


Samakatuwid mga KaTropa, ang mga doktor na naghahabol ng quota para makuha ang cash incentives ay delikado at mali. Nakakamatay ang sobra at dapat bigyan na ng pansin ng Department of Health, Professional Regulations Commission, at ng Bureau of Internal Revenue.

UGNAYANG PILPINAS-US NANANATILING MATATAG SA PULONG NINA BIDEN-MARCOS – SPEAKER ROMUALDEZ

Sinabi ni Speaker Martin G. Romualdez noong Huwebes ng hapon (oras sa US), na ang ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos ay magpapatuloy na matatag, matapos ang pagkikita nina US President Joe Biden at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


“The productive meeting augurs well for the overall relations between our two countries,” ani Romualdez, na kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pulong kay President Biden Huwebes ng umaga (Huwebes ng gabi sa Manila).


Sinabi ni Romualdez na ang US ay isang “major partner and ally” ng Pilipinas, sa usaping pang-ekonomiya, depensa, kultura, at kooperasyon sa pamuhunan.


“I can see the meeting fostering an improved bilateral partnership in those areas,” aniya.


Muling inulit ni Speaker ang panawagan ng Pangulo sa mga Amerikanong mamumuhunan na maglagak ng kanilang mga negosyo sa Pilipinas.


“We need more investments to create jobs and income and improve the lives of our people,” ani Romualdez.


Sinabi niya na may ilang lugar kung saan ang mga kompanya sa US ay maaaring mamuhunan, tulad ng pagmamanupaktura, riles, at iba pang imprastraktura, kuryente, at mga proyektong private-public partnership.


“As President Bongbong Marcos has said, we now have an improved investment climate in the Philippines,” giit niya.


Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga pangunahing pinagkukunan ng foreign direct investments (FDIs) ng bansa ay ang mga bansang Singapore, Japan, Estados Unidos at ang Netherlands.


Iniulat ng BSP ang mataas na tala ng FDI inflows na nagkakahalaga ng $10.518-bilyon noong 2021, na sinabing naglalarawan ito ng pag-unlad sa pamumuhunan, habang ang bansa ay nagsisimulang bumawi mula sa pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19).


Sinabi ng BSP na nilampasan ng 2021 inflows ang sinundang mataas na $10.3-bilyon noong 2017.


Iniulat rin ng banko sentral na ang FDIs sa pagitan ng Enero at Mayo ngayong taon ay umabot sa $4.2-bilyon, 18.8 porsyentong mas mataas sa nakatalang antas sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Sa kabila ng mga kaunlaran sa FDI inflows, sinabi ni Romualdez na higit pang kailangan ng Pilipinas ang marami pang pamuhunan mula sa Estador Unidos, at iba pang mga partner sa ekonomiya nito. 


“We have to attract more foreign capital because we are a bigger market than other smaller nations in our region,” aniya.


Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga negosyante sa US na hindi niya lubos maisip ang kinabukasan ng Pilipinas kung wala ang Estados Unidos bilang ating partner.

Palace: Gov't To Appeal Court Ruling On CPP-NPA

The Philippine government will appeal a Manila court’s move to dismiss the petition to declare the Communist Party of the Philippines (CPP) and its armed wing, the New People’s Army (NPA), as a terror organization, Malacañang said Friday (Manila time).


In a press briefing in New York City, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles said the government still has available remedies to overturn the decision of Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19 to junk the bid to classify the CPP-NPA as a terror group.


“Actually, since the decision is not yet final and this is an RTC decision, marami pang available remedies ang ating gobyerno (the government still has available remedies),” Cruz-Angeles said.


Cruz-Angeles said it would be “improper” to comment further, stressing that she wants to identify the parameters since “details are still not available to us.”


She, nevertheless, ensured that the legal battle is not yet over.


“I understand this might have been filed under the Human Security Act rather than the (Anti-)Terrorism Act,” Cruz-Angeles said.


“Malayo pa ‘to, malayo pa (It will take time). And you know, we don’t even know what parameters are here. By then, we’ll understand what remedies will be available if remedies are even necessary,” she added.


The court dismissed the Department of Justice’s (DOJ) petition for proscription filed in 2018 to label the CPP-NPA as a terror organization.


The DOJ’s petition was filed based on Section 17 of Republic Act (RA) 9372 or the repealed Human Security Act of 2007 which mandates the RTC’s ruling before an organization can be formally declared as a terrorist.


In its ruling, the court noted that “none” of the alleged terrorist acts of the CPP-NPA cited by the DOJ caused “widespread and extraordinary fear and panic among the Philippine populace.”


Justice Secretary Jesus Crispin Remulla on Thursday said the DOJ would file a motion for reconsideration. (PNA)

GARIN, UMAAPELA SA DSWD NA MABAYARAN ANG ₱4 MILYONG NA UTANG NG MGA ESTUDYANTE SA CHED

Hiniling ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin kay Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na tulungan ang may 338 mahihirap na estudyante upang mabayaran ang P4.4M na utang sa Commission on Higher Education (CHED).


Ang nasabing utang ay reimbursement o ang dapat na ibalik ng mga estudyante sa CHED dahil sumobra ang kanilang nakuhang financial aid sa ilalim ng scholarship program ng gobyerno.


Inisyuhan ng Commisison on Audit(COA) ng Notice of Disallowance ang CHED matapos lumabas sa kanilang audit na ilang mga estudyante ang nakakukuha ng dalawang magkaibang klase ng scholasrship grant gayong ipinagbabawal ito, bunga nito, kinumpirma ni CHED Chairperson Prospero de Vera na kamakailan lang ay nakapagpadala na sila ng notice of payment sa mga estudyante na karamihan ay mula sa Regions 2 at 5 at sinisingil nila itong ibalik ang nakuhang double scholarship na aabot sa halos P15,000.


“we are humbly asking Social Welfare Secretary Ewin Tulfo, may mga programa sila gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation(AICS) na maaaring paghugutan para makabayad na ang ating mga estudyante sa CHED. This is to free them from debt at wala na silang alalahanin na may utang silang dapat na bayaran, malaki ang halaga na ito na baka ipangutang pa din ng mga estudyante o ng kanilang magulang,”pahayag ni Garin.

.

Ayon kay Garin naniniwala sya na karamihan sa mga nakakuha ng double scholarship ang hindi alam ang patakaran ng COA kaya naman kung sisingilin ang mga ito ay tiyak na dagdag pasanin pa.


“gustuhin man ng CHED to allow double scholarship dahil may ilang estudyante na kailangan naman talaga ng dagdag na pinansyal na tulong ay tali ang kanilang kamay dahil sa patakaran ng COA na sa isa programa lang pwede mag-avail ng scholarship. Kung nakapag-avail na ng scholarship under CHED Scholarship Program(CSP) ay hindi na pwedeng maging scholar ng Department of Science and Technology(DOST) or sa ibang pang government scholarship programs”dagdag pa ng lady solon.


Ayon kay Garin ang disallowance ay nakita noon pang 2018 at sa ngayon ay wala nang kahalintulad na insidente dahil mayroon nang nailatag na mekanismo para matiyak na hindi magdodoble ang scholadsrhip grant.


“this have not been repeated because safeguards have been installed which includes an updated system for Local Universities and Colleges(LUCs) and State Universities and Colleges(SUCs) where they can check the list of students who have availed of the scholarship programs. The CHED have also assured us that they will be more aggressive in informing the general public not to avail duplicate scholarships since the risks of reimbursing is really there” paliwanag pa ni Garin.


Sa panig ng CHED sinabi ni Executive Director Cindy Jaro na sinusuportahan nila ang panawagan ni Garin sa DSWD, aniya,  sa ilalim ng kanilang patakaran, ang mga nakaenrol na estudyante ay hindi pinapayagan na makakuha ng educational aid hanggang hindi nakakabayad sa reimbursement habang ang mga nag-graduate na ay kanila ding hinahabol para magbayad.


Ang CHED ay may mandato na magbigay ng financial assistance sa pamamagitan ng scholarships sa mga kuwalipikado na mahihirap at walang tirahang estudyante sa ilalim ng RA 7279, persons with disability sa ilalim ng RA 7277, solo parents at kanilang dependents sa ilalim ng RA8972 at Indigenous people sa ilalim ng RA 8371.

RP-US RELATIONS, LALONG TATAYAG MATAPOS ANG PULONG NINA PBBM AT US PRESIDENT BIDEN

Lalo pang pinalakas at pinatatag ang relasyon ng Pilipinas at aLAmerika matapos ang pulong nina Pangulong Bongbong Marcos at U.S. President Joe Biden.


Ito ang reaksiyon ni House Speaker Martin Romualdez na kasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos sa kanyang working  visit sa Amerika.


Ayon kay Romualdez, higit pang tatatag ang bilateral partnership ng dalawang bansa lalo na sa aspeto ng economic, defense, cultural and investment cooperation lalo na’t ang amerika ang “major partner and ally” ng Pilipinas.


Muli rin inulit ni Romualdez ang panawagan sa mga American businessmen na maglagak ng negosyo sa ating bansa.


Sabi ni Romualdez, pwedeng mag-invest ang mga American companies sa manufacturing, railways, power generation at private-public partnership projects.


Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas,ang Amerika ang major sources ng foreign direct investments ng ating bansa bukod sa Singapore, Japan at the Netherlands.


Ang pahayag ni Speaker Romualdez ay kaugnay din ng sinabi ni Pangulong Marcos sa harap ng mga American businessmen na ang Pilipinas ngayon ay mayroon nang “improved investment climate.”

Thursday, September 22, 2022

SUMAKAY NA LAMANG NA SUBWAY SI SPEAKER ROMUALDEZ DAHIL SA SAMÂ NG LOCAL TRAFFIC SA NEW YORK

Dahil mali-late na dahil sa samâ ng traffic si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at si Special Assistant  Anton Lagdameo patungo sa isang meeting sa New York City sa Estados Unidos, sumakay na lamang ang dalawang mga matataas na opisyal ng Pilipinas sa subway.


Ito ay napag-alaman sa isang facebook post ni Juan Xavier Tengco kaninang umaga (Huwebes ng umaga sa Pilipinas) ng kanyang nasaksihan ang nabanggit na panyayari.


Si Romualdez at si Lagdamedo ay bahahi sa opisyal na deligasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang kasalilukuyang pagbisita sa Amerika.

SINAMAHAN NI SPEAKER ROMUALDEZ SI PBBM SA PAKIKI-PAGPULONG NITO SA MGA OPISYAL NG WORLD BANK SA NEW YORK CITY

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr., sa mga opisyal ng World Bank (WB) sa New York City Miyerkules ng hapon, na sina Mr. Erivaldo A. Gomes, WB Executive Director for the Philippines; at Ms. Manuela Ferro, WB Regional Vice President on East Asia and the Pacific.


Si Pangulong Marcos ay sinamahan nina Speaker Martin G. Romualdez, House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. "Sandro" Marcos III, Special Assistant to the President Sec. Antonio F. Lagdameo, Trade and Industry Sec. Alfredo E. Pascual, Philippine Ambassador to the Philippines Jose Manuel Romualdez, at Finance Sec. Benjamin E. Diokno, National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Felipe Medalla.


Samantala, sinamahan din ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta Marcos sa isang pagpupulong kay dating British Prime Minister Tony Blair Miyerkules ng umaga, matapos dumalo ang Punong Ehekutibo bilang panauhing pandangal sa 77th United Nations (UN) General Assembly sa New York. 


Nagpaabot si Romualdez ng taos-pusong pakikidalamhati kay Blair sa pagpanaw ni Her Majesty, Queen Elizabeth II.


Nauna nang nagpahayag ang Kamara de Representantes sa pamumuno ni Romualdez ng pakikiramay kay His Majesty, King Charles III, sa royal family, sa mga mamamayan ng United Kingdom ng Great Britain at ng Northern Ireland, sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Wednesday, September 21, 2022

SPECIAL COMMITTEE ON SENIOR CITIZENS, NAGDAOS NG PAGPUPULONG PANG-ORGANISASYON

Nagsagawa ngayong Miyerkules ng pagpupulong pang-organisasyon ang Espesyal na Komite ng Senior Citizens sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni SENIOR CITIZENS Rep. Rodolfo Ordanes at inaprubahan ang Internal Rules of Procedure nito. Sinabi ni Ordanes na aasahan niya ang karaniwang suporta at kooperasyon ng mga kasapi ng espesyal na Komite, tungo sa katuparan ng mandato nito na pag-aralan at aksyunan ang lahat ng bagay, pangunahin man at direktang may kinalaman sa mga pangangailangan at kapakanan ng mga senior citizen, gayundin ang mga polisiya at mga programa na magpapahusay sa kanilang aktibong pakikilahok sa lipunan. “We have much to learn from each other. And with our collective knowledge, dedication and enthusiasm, and efforts, we will be able to create the best and update laws that would cater to address the needs of our elderly citizens,” ani Ordanes sa Komite. Ipinaliwanag naman ni Special Committee on Senior Citizens Committee Secretary Chona Del Valle sa pamamagitan ng powerpoint na presentasyon ang mandato, hurisdiksyon, pagiging kasapi, kapangyarihan at mga tungkulin ng Komite na nakapaloob sa panukalang Committee Rules. Samantala, inimbitahan ng Komite ang mga ahensya ng pamahalaan na magbigay sila ng briefing hinggil sa mga mandato, programa, at panukalang batas para sa mga matatanda. Ito ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD); ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA); at ang National Anti-Poverty Commission (NAPC). Tinalakay naman ni DSWD Director Maricel Deloria ang mga programa ng DSWD para sa mga matatanda. Ito ay ang Social Pension para sa Indigent Senior Citizens; Centenarian; at Assistance to Older Persons. Nagbigay din siya ng update sa plano ng paglipat ng mga programa para sa mga matatanda, mula sa DSWD patungo sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).

MATAPOS ANG MAKASAYSAYANG PAGDALO SA UNITED NATIONS GENERAL ASSEMBLY - SPEAKER ROMUALDEZ: ‘NEVER BEEN PROUDER TO BE A FILIPINO’

Ipinahayag ni House Speaker Martin G. Romualdez, Martes ng hapon (oras sa US) na, “he has never been prouder" na maging Pilipino, matapos na mapakinggan ang makasaysayang talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 77th United Nations (UN) General Assembly sa New York


"I have never been prouder to stand as a Filipino in the company of world leaders. It was a great experience to see and hear our President spell out, in clear terms, what we as a people expect from the parliament of nations," ani Romualdez, na tumutukoy sa muling pagkumpirma na ginawa ni Pangulong Marcos, sa mga mithiin na pinaninindigan at isinusulong ng UN.


Sinabi ni Romualdez na ang paglahok ng pinakamataas na Pilipinong pinuno sa naturang kaganapan, ay isang makahalugang hakbang na magiging mahalagang papel sa pagsusulong ng kapayapaan at katatagan, hindi lamang sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya, kungdi maging sa saklaw ng impluwensya ng Pilipinas.


Ayon sa kanya, ang mensahe ni Marcos – sa kanyang kauna-unahan sa entablado ng mundo – ay nagpapakita ng, "how we all need to work together to address the urgent problems plaguing the globe in this generation...That we need to act fast if want humanity to survive."


“The UN has long been an independent arbiter and an effective facilitator of the international dialogue between and among nations. It continues to be our country’s honor to be part of this global family of nations that has continued to remain faithful to its mission of fostering world peace,” ani Romualdez, na sinamahan si Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos.


"President Marcos’ call for global unity resonates with each one of us who fear what the tectonic shifts in the world today may bring in the coming century. The President’s words struck a chord in every Filipino household. He verbalized what an average Filipino family would want to tell world leaders: please get your acts together so that we keep families all over the world feeling safe and secure for generations to come," ani Romualdez.


“Reaffirming the principles that the UN stands for means we also reaffirm our commitment to pursue dialogue and cooperation as a peaceful means to settle conflict and disputes. And this is crucial to the peace and stability in our region,” dagdag pa niya.


Nagtalumpati si Pangulong Marcos ng kanyang pambansang pahayag sa harap ng mga miyembro ng UN, sa kanilang 77th General Assembly na idinaos sa kanilang global headquarters dito.


Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo, bukod sa iba pa, ang kahalagahan ng UN sa pagpapatupad at pagsusulong ng pandaigdigang batas, kabilang na ang pagiging kampeon sa pandaigdigang ugnayan at kooperasyon.


Sinabi ni Romualdez na ang madamdaming talumpati ni Pangulong Marcos sa UN ay nagkukumpirma sa layunin ng bansa na igalang ang mga obligasyon sa ilalim ng pandaigdigang batas.


“By reaffirming the ideals of the UN, we also recognize that the Philippines is a part of a bigger world community and, as such, must adhere to the principles mutually agreed upon by members of the UN,” ani Romualdez.


Sa pagtatapos, pinasalamatan ni Romualdez ang Pangulo "for emphasizing to the community of nations what to expect from the Filipino nation...That we are a friend to all, and enemy of none."


Ang katatapos na pagbisita ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos ay bahagi lamang ng serye ng pandaigdigang biyahe, na naglalayong dalhin sa Pilipinas ang mga kinakailangang pamuhunan, matapos na maranasan ng bansa ang masamang epekto ng pandemya. #

GENERAL APPROPRIATIONS BILL (GAB) PARA SA FY 2023, DETERMINADONG IPASA NG KAPULUNGAN BAGO MAGBAKASYON ANG KONGRESO T

Tinalakay ngayong Martes ni House Committee on Appropriations Vice Chair at lloilo Rep. Janette Garin sa ginanap na pulong balitaan sa Kapulungan, ang kasalukuyang deliberasyon sa plenaryo ng House Bill 4488, o ang 2023 General Appropriations Bill (GAB), para sa taong 2023. 


Sinabi niya sa Ugnayan sa Batasan News Majority Forum na nilalayon ng Kapulungan na tapusin ngayong araw ang mga debate sa plenaryo ng badyet ng Department of Finance (DOF), at sa mga sangay na ahensya at korporasyon nito, National Economic and Development Authority (NEDA), Office of the Ombudsman, Commission on Human Rights (CHR), Commission on Elections (COMELEC), Department of Science and Technology (DOST) at mga sangay nitong ahensya, Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Mindanao Development Authority (MinDA). 


Ipinahayag din niya na layon ng Kapulungan na tapusin ang deliberasyon sa plenaryo sa ika-28 ng Setyembre, at ipasa ang panukalang batas sa Ikalawa at Ikatlong pagbasa bago ang nakatakdang bakasyon ng Kapulungan sa ika-1 ng Oktubre. 


Sa usapin naman ng abolisyon ng ARTA, sinabi ni Garin na hindi pa nila opisyal na napag-usapan ang usapin, dahil ito ay mangangailangan ng ekstensibong talakayan. 


“It will be best in the interest of the Filipino people na patuloy muna iyong ahensya na ito. Because while the Office of Ombudsman is there working based on its mandate, the Anti-Red Tape Authority was also created by law” aniya. 


Ang abolisyon ng ARTA ay nabanggit ni Ombudsman Samuel Martires sa kanilang mga panukala sa pagdinig noong nakaraang linggo ng Komite ng Katarungan. 


Aniya, inaagaw ng pagkakatatag ng ARTA ang kapangyarihan ng Ombudsman. 


Sa naturang pulong balitaan, ipinahayag ni Garin na handa na ang Kapulungan na aprubahan ang HB 4125, o ang “Ease of Paying Taxes Act” sa huling pagbasa sa susunod na linggo. 


Sinabi niya na hiniling ng Administrasyong Marcos sa Kongreso na magpasa ng mga panukala sa mahusay na koleksyon ng buwis. 


Kaugnay nito, sinabi ni Garin na ang abolisyon o mahigpit na regulasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ay magpapalakas sa koleksyon ng buwis, at paglikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng pag-hikayat ng mas maraming mamumuhunan. 


Idinagdag din niya na ang mga negatibong epekto ng mga iligal na operasyon ng POGO sa bansa ay nag-iiwan ng negatibong impresyon sa iba pang mamumuhunan.

DELIBERASYON SA PANUKALANG BADYET NG COMELEC SA 2023, TINAPOS NA NG KAPULUNGAN

Tinapos na ngayong Martes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang deliberasyon sa panukalang badyet ng Commission on Elections (COMELEC) sa taong 2023, na nagkakahalaga ng P5.22-bilyon, kabilang ang mga otomatikong apropriasyon. 


Nagsilbing isponsor ng badyet si Rep. Francisco Jose “Bingo” Matugas II, sa idinaos na deliberasyon sa plenaryo ng House Bill 4488, o ang 2023 General Appropriations Bill. 


Sa kanyang sponsorship speech, binanggit ni Matugas na ang panukala ng COMELEC ay 81 porsyento, o P21.7-bilyon na mababa kaysa kanilang 2022 badyet. 


Ipinaliwanag niya na ang badyet ngayong taon ay mas malaki dahil sa itinakdang halalang nasyunal at lokal noong Mayo 2022, at nakatakdang halalang Barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre 2022. 


Samantala, hiniling niya ang karagdagang pondo na P2-bilyon na gagamitin ng COMELEC sa kanilang itatayong bagong gusali, na magsisilbing kanilang bagong tanggapan, bodega para sa mga makina at kagamitan, at ang COMELEC Academy. 


Sa isinulong na pagpapaliban ng Kapulungan ng halalan sa Disyembre 2022 sa susunod na taon, binanggit ni Matugas na ang kanilang alokasyon ay magiging depende sa pinal na petsa na aaprubahan matapos na ito ay maisabatas. 


Binanggit rin niya na itutuloy pa rin ng COMELEC ang kanilang mga paghahanda, habang hinihintay nila na maisabatas ang panukala. 


Kapag ang halalan ay ipinagpaliban, tiniyak ni Matugas na isusulong ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang pagtataas ng honoraria ng mga guro, at ang pagtatanggal ng buwis nito na magiging epektibo sa susunod na taon. 


Samantala, sinabi ni Rep. France Castro (Party-list, ACT TEACHERS) na magbabalangkas siya ng panukala para sa salary upgrading ng mga kawani ng COMELEC. 


Tumanggap siya ng suporta mula kay Matugas at COMELEC upang maipasa ang isusulong na panukala.

DEBATE SA PLENARYO NG 2023 BADYET NG CHR, TINAPOS NA NG KAPULUNGAN

Tinapos ngayong Martes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panahon ng interpelasyon at debate sa plenaryo, ng panukalang badyet ng Commission on Human Rights (CHR) at kalakip na ahensya nito na Human Rights Violations Victims Memorial Commission (HRVVMC). 


Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Rep. Jocelyn Limkaichong (1st District, Negros Oriental) na para sa susunod na taon, ang CHR ay may badyet na P846.3-milyon sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), samantalang ang HRVVMC ay may P31.8-milyon sa ilalim ng NEP. 


“For 2023, the CHR’s budget decreased by P118 million or 12.27 percent lower from their budget for the current year,” ayon sa kanya. 


Dahil sa binawasang badyet, sinabi ni Limkaichong na maaaring hindi masuportahan ng CHR ang kanilang mga bago at pinaigting na mga inisyatiba, kabilang na ang kanilang planong Human Rights Institute, at mga programa nito sa climate change. 


Idinagdag niya na bukod sa iba pa, ang kabawasan sa badyet ay makakaapekto sa kanilang programa sa pinansyal na ayuda. 


Nagpahayag naman ng suporta para sa karagdagang pondo sa CHR sina Reps. Arlene Brosas (Party-list, GABRIELA) at France Castro (Party-list, ACT TEACHERS).

PAGTATATAG NG MGA DENGUE VIRUS TESTING AND SCREENING CENTER SA BAWAT SIYUDAD, IPINANUKALA

Inihain ni Cebu City Rep. Eduardo Roa Rama ngayong 19th Congress ang panukalang batas para sa pagpapatayo ng “Dengue Virus Testing and Screening Center” sa bawat siyudad at munisipalidad sa buong bansa.


Sa kanyang House Bill 4607, binanggit sa explanatory note na naitala ang higit 64,000 na mga kaso ng dengue sa ating bansa mula noong Enero hanggang Hunyo 2022, kung saan higit 270 ang nasawi.


(Habang base sa huling datos ng Department of Health o DOH, lagpas 100,000 na ang dengue cases mula Enero hanggang Agosto ngayong taon).


Ayon kay Rama, nakakaalarma ang numero, at ang sitwasyon ay nangangailangan ng tamang pagtugon mula sa gobyerno.


Sinabi ni Rama na sa kasalukuyan ay wala pang gamot para sa dengue, pero maaaring ma-manage o maagapan ito sa pamamagitan ng “early diagnosis” at tamang pamamahala.


Makakatulong aniya ang “rapid diagnostic test” o RDT para sa mga may sintomas ng dengue, upang mabawasan ang “morbidity at mortality.”


Bagama’t ang DOH ay naglunsad ng National Dengue Prevention and Control Program, hindi pa umano “institutionalized” o batas ang pagte-test para sa dengue. Marami ring lokal na pamahalaan ang walang dengue diagnostic test centers para matugunan ang mga residente.


Kaya kapag naging ganap na batas ang House Bill ni Rama, ang mga itatayong Dengue Virus Testing and Screening Center ay mag-aalok ng libreng RDT sa mga indibwal na “suspected dengue case” o mga taong nagmula sa lugar na may malaking banta o kaso ng dengue, base sa DOH.


Ang naturang center din ang magpapakalat ng mga tamang impormasyon ukol sa dengue, at magtuturo rin ng “detection, control at management” laban sa sakit.

MGA NEGOSYANTE SA AMERIKA, HINIKAYAT NI SPEAKER ROMUALDEZ NA MAMUHUNAN SA PILIPINAS

Humiling ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa mga negosyante sa Amerika na mag invest sa Pilipinas para suportahan ang mga programa ni Pangulong Ferdinand

“Bongbong” Marcos Jr., ang palaguin ang ekonomiya ng bansa. 


Binigyang-diin ni Romualdez na hinog na ang Pilipinas para tumanggap ng mga investments.


Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos dumalo ang Pangulo at nagbigay ng talumpati sa New York Stock Exchange economic

forum na dinaluhan ng Philippines and US-based business leaders.


Siniguro naman ng Chief Executive ang malaking oportunidad at isang masiglang ekonomiya para sa mga investors na mag-invest sa Pilipinas.


Nagpasalamat naman si Romualdez sa pagkakataon na ibinigay ng mga US businessmen sa Marcos administration at sa pagkunsidera nila sa agenda at vision ng Pangulo.


Siniguro ni Speaker na lalo pang palalawakin ng Pilipinas ang economic partnership nito sa mga negosyante at lalo pang lalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.


Tiniyak naman ni Speaker sa mga mamumuhunan na ang House of Representatives ay patuloy na nagsusumikap upang mapagaan ang pagnenegosyo sa Pilipinas at magiging conducive ang kapaligiran sa negosyo at magpapaunlad ng ekonomiya.


Ibinunyag din ni Speaker na nagkaroon ng mga series of meetings ang Pangulo sa mga malalaking business firms sa Amerika.


Binigyang-diin naman ni Romualdez na kailangan ng maraming trading partners ang bansa para maisakatuparan ang ang infrastructure modernization program ng Pangulong Marcos na siyang pinaka susi sa paglago ng ekonomiya.


Una ng inihayag ni Speaker na mataas ang kaniyang inaasahan sa pagbisita ng Pangulo sa Amerika.

PANUKALANG PAGPAPALIBAN NG BARANGAY AT SK ELECTIONS, APRUBADO NA

Aprubado na sa Mababang Kapulungan sa third and final reading ang panukalang batas House Bill No.4673 ang pagpapaliban sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.


Itinakda ang synchonized Barangay at SK Elections sa unang Lunes ng December 2023.


Ayon sa pamunuan ng Kamara ang pag apruba sa naturang panukala ngayong araw ay patunay na on track sila sa kanilang agenda na aprubahan ang House Bill 4673 bago mag October 1,2022 at para mapirmahan na rin ito ng Pangulong Bongbong Marcos bago ang December 5,2022 barangay and SK elections.


Sa sesyon ngayong araw, 264 lawmakers ang bumoto pabor, anim ang hindi pabor at tatlo ang nag abstained sa House Bill No. 4673 or An Act Postponing the 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections kung saan inamyendahan ang RA No. 9164 kung saan inaatrasan na gawing every three years ang halalan.


Ang nasabing panukalang batas ay consolidated version na ng mahigit 30 bills.


Kabilang sa mga bumoto na hindi pabor ay mga lawmakers mula sa Makabayan bloc na naniniwala na ang pag delay sa barangay elections ay paghadlang sa right to suffrage ng mga mamamayan.


Hindi rin pabor si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, na ipagpaliban pa ang halalan kaya bumoto ito ng no dahil wala siyang nakikitang credible reason na idelay ang barangay and SK  elections.

PHYSICAL PRESENCE NG ECONOMIC TEAM SA DELIBERASYON NG BUDGET 2023, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Nagtakda ng kundisyon ang Kamara na dapat physically  present ang mga miembro ng economic team ng Malakanyang sa plenary deliberations ng 2023 General Appropriations Bill na nagkakahalaga ng 5.268-trillion pesos.


Sa Ugnayan sa Batasan Majority forum, sinabi ni Congresswoman Janet Garin, Vice Chairman ng House Committee on Appropriations, mahalaga ang presensiya ng mga ito para maipaliwanag at masagot ng maayos ang mga tanong at interpellation ng mga kongresista sa   budget ng mga government agencies.


Karamihan sa mga miembro ng economic team ng malakanyang ay kasama sa working visit  ni Pangulong Bongbong Marcos sa Amerika sa pagdalo sa United Nations General Assembly.


Ang economic team ang bumubuo din sa Development and Budget Coordination Committee na magpi-prisinta sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa mga probisyon ng 2023 General Appropriations Bill.


Sa kabila nito, tiniyak ni Garin, uusad ang pagtalakay sa 2023 proposed national budget at inaasahan na makakahabol sa plenary deliberations ang mga miembro ng economic team.


Inaasahan na darating sa September 24 si Pangulong Marcos at kanyang delegasyon mula sa working visit sa Amerika.

PANUKALANG RICE SUBSIDY PARA SA MGA PRIVATE SECTOR EMPLOYEES, ISINUSULONG SA KAMARA

Panahon na para aksiyunan ng Kongreso ang mga panukala para mabigyan din ng allowance ang mga empleyado sa pribadong sektor.


Sa House Bill 1296, isinusulong ni Congressman Wilbert Lee ng AGRI Partylist na mabigyan ng rice allowance ang mga private sector employees at pwedeng pagtibayin ang partnership sa pagitan ng mga magsasaka.


Ayon kay Lee, kapag naisabatas ang panukala, malaking bagay ang rice allowance sa mga private sector employees habang matutulungan ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil maibebenta ang kanilang ani.


Sa ilalim ng bill, sasailalim sa “corporate farming agreements” ang mga  korporasyon para makapaglaan ng 600-kilograms ng bigas o mais sa bawat empleyado o katumbas ng 50-kilos kada empelyado bawat buwan.


Una rito, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hahanapan ng gobyerno ng alokasyon para mabigyan ng rice allowance ang mga government employees at makatulong sa kanilang gastusin.


Katuwiran ni Lee, “sana all…kung meron rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno, dapat meron din sa mga private sector employees.

Free Counters
Free Counters