Pagpapa-igting ng mga anti-drug law, ipinursige sa Kamara
Inumpisahan
nang talakayin ng House Committee on Drugs ang mga panukalang mag-aamiyenda sa
Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, na may layuning
pagpapaigting ng kakayahan ng mga law enforcement agencies at magpapalawig ng
awareness campaign laban sa illegal drugs sa bansa.
Isa sa
mga panukala na tinalakay ng naturang Komite ay ang HB00588 na inihain ni
Pangasinan Rep Leopoldo Bataoil na may layuning paigtingin ang mga anti-illegal
drug units ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng pagpapahusay
ng mga pasilidad nito at pagdadagdag ng manpower at pagpapaunlad ng isang sistema
at malawakang inter-agency partnership.
Malugod namang
sinalubong ni PDEA Assistant Secretary Ricardo Quinto, Deputy Director for
Operations ang planong pag-upgrade ng mga pasilidad at kagamitan ng ahensiya na
ayon sa kanya ay seguradong ito magbibenipisyo kahit sa PDEA Academy na mag-a-accommodate
ng may 150 na mga estudyante para sa 6 na buwang programa.
Iminungkahi
din ni Quinto ang pagtatatatg ng drug forensic laboratories para sa PDEA upang
ang ahensiyang ito ay magkaroon din ng sariling pasilidad kagaya ng ibang mga ahenisya
na mayroon silang sariling crime laboratories.
Sa mga talaan
ng mga mungkahi, ang panukala nina Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers, pinuno
ng nabanggit na Komite, ang HB03406, at Manila Rep Cristal Bagatsing, ang HB03733
na may layuning ihiwalay ang mga suspected drug-related activities sa scope ng
anti-wiretapping law ang pumangalawa sa mga tinalakay.