Wednesday, October 19, 2016

* Universal health care, itinulak sa Kamara

Hinimok ng House Committee on Health ang Departtmet of Health (DOH) na isama sa legislative agenda nito ang universal health care program.

Sinabi ni Kabayan partylist Rep Harry Roque, isa sa mga miyembro ng nabanggit na komite, na isa mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay kandidato pa sa pagka-pangulo ng bansa ang naturang programa, ang universal health care sa mga mamamayan, kaya marapat lamang na bigyang-prayoridad ito ng DOH.

Ayon sa mambabatas, mayroong umanong sapat na pondo para sa universal health care na nagmumula sa badyet ng DOH, hango sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nang ipresenta ni DOH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial ang mga proyekto, programa at legislative priories ng ahensiya sa komite na pinamumunuan ni Quezon Rep Angelina Tan.

Sinabi naman ni Ubial sa Komite na may programang PhilHealth na mula pa noong taong 2000 ngunit ayon naman kay Roque, ito ay hindi universal health care dahil nagbibigay lamang ito sa benepisyaryo ng P27 sa bawat P100 na gastos sa pag-gagamot sa pasyente kaya kulang pa rin ito at abunado pa ang pasyente na mang-gagaling sa kanyang sariling bulsa.

Kung gagawing universal health care umano ang PhilHealth, kakailanganin pa rin ng kaukulang batas dahil ang pondo nito ay mang-gagaling pa sa buwis.

Samantala, siniguro naman ni Tan kay Roque na tatalakayin ng komite ng anumang panukalang batas ukol dito sa universal health care.
Free Counters
Free Counters