Monday, September 26, 2016

Isinalang na sa plenaryo ang P3.35T budget

Inumpisahan na kaninang alas diyes ng umaga ang pagbalangkas sa plenaryo ng Kamara de Representantes ng P3.35 trilyong budget ng administasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte Duterte para sa susunod na taon.

Si House appropriations committee chair at Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles ang naunang nagbigay ng sponsorship at nagpatuloy sa pagdepensa sa nabanggit na panukalang budget.

Sinabi ni Nograles na ang two-week marathon deliberations na nag-umpisa kanina hanggang sa susunod na Biyernes ay masusi nilang talakayin hanggang ito at maaprubahan ng tuluyan sa third and final reading sa susunod na lingo at tuluyang i-transmit sa Senado.

Sa unang araw ng pagtalakay kaninang umaaga ng pambansang budget, inumpisahan ito sa pagbigay ng General Prinsiples and Provisions at matapos nito, tumanggap kaagad si Nograles ng interpellation galing kina Minority Floor Leader Danilo Suarez at iba pang mga mambabatas at tuluyang  isinalang naman ang budget ng Department of Finance at ang mga ahensya na nakakabit dito.

Kampante si House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na mararatipikahan kaagad ang naturang budget bago ang adjournment ng sesyon sa Desiyembre 14.

Bahagi ng budget ang pagtataas ng conditional cash transfer program na umaabot na sa P78.7 bilyon na paghahati-hatian ng 4.62 milyong pamilya at dagdag na P23.4 bilyong rice allowance.

Thursday, September 15, 2016

SecGen Pareja meets House media

10 August 2016 11:05:00 AM

Newly-elected Secretary General Cesar Pareja meets members of the accredited media covering the House of Representatives. Pareja vowed to closely coordinate with them and address whatever concerns they may have in their coverage of the chamber. The meeting was held at the South Wing Annex of the House.

Thursday, September 08, 2016

Aprubado na sa Kamara ang P2,000 across-the-board na pagtaas ng SSS pension

Mabilis na naaprubahan ng House committee on government enterprises and privatization an may labing-anim na mga panukala, lahat ay may layuning magbigay ng dalawang libong pisong across-the-board na pagtaas ng buwanang pensiyon sa loob ng Social Security System na may kaakibat na adjustment sa minimum monthly pension.

Inaprubahan ng committee na punamumunuan ni Rep Jesus Sacdalan ng North Cotabato ang mga bill na mag-aamiyenda sa Section 12 ng RA 1161, as amended, na kilala sa katawangang Social Security Act of 1997

Aabot sa dalawang milyon ang kasalukuyang mga pensioner at mga darating pang pensioner at kanilang mga pamilya ang makikinabang dito sa naturang panukala.

Ang panukalang amiyenda sa nabanggit na batas ay magbibigay ng minimum monthly pension na P3,200 sa mga miyembro na at least may sampung credited years of service at P4,400 para sa may dalawampung credited years of service.

Sa kasalukuyan,, ang batas ay naggagawad ng minimum monthly pension na P2,400 lamang para sa may 20 crideted years of service.

Nagka-isa ang mga miyembro ng naturang komite na aprubahan ang committee report ng 16th Congress na nag-consolidate ng iba’t ibang mga proposal na magbibigay ng P2,000 across-the-board SSS mnthly pension para matulungang ma-fast-track ang enactment ng pension proposal ngayong 17th Congress.

Inaprubahan ng Kamara at ng Sendo ang ganitong proposal noong 16th Congress ngunit ito vinito ito ni Dating Pangulong Aquino.

Tuesday, September 06, 2016

Panawagan para sa pagkakaisa, hustisya para sa mga biktima ng Davao bombing, ipinursige

Nananawagan si Deputy Minority Floor Leader Anthony Bravo ng Coop-Natcco Partylist sa mga mamamayan na magkaisa at sumuporta sa mga hakbangin ng pamahalaan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pambobomba sa Davao and upang maseguro ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

Sinabi ni Bravo na kung ang buhay ng mga Filipino ay nawawala at ang seguridad ng mga ito ay may banta, dapat lahat ng mga mamamayan ay isantabi na muna ang pagiging Majority o Minority  at Administrasyon o Oposisyon.

Idinagdag pa ni Barvo na ang pagkakamit ng hustisya para sa ating mga kababayan na namatay at nasugatan sa Davao ay ang dapat nangingibabaw kaysa anupamang mga political agenda.

Samantala, ipinaliwanag ni Bravo na ang pagkakadeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang state of lawlessness ay dapat ituring na isang lehitimong pagtugon sa isang sitwasyon tha nangangailangan ng kapangyarihan na handang i-neutralize ang mga lawless element na nagbabanta sa seguridad ng bawat mamamayan.

Nagbabala ang mambabatas laban sa mga espekulasyon na ang deklarasyong ito ay prelude sa isang Martial Law at ang konstitusyon umano ay may mga kaukulang safeguard naman na harangin ang sinumang lider na gagamit ng Martial Law bilang isang entry point upang magtatag ng isang authoritarian regime.

Idinagdag pa niya na ang ating Kongreso ay may malaking papel kung sakaling ang Martial Law ay idiniklara at marapat lamang na magkaroon ng tiwala ang mga mamayan sa ating lehislatura na idepensa ang ating mga karapatan at civil liberties.

Kung sakaling ang Martial Law umano ay ideniklara, ang Saligang Batas ay nagre-require sa Kongreso na idetermina ang pangangailngan ng naturang extreme act at ang ating mga mamamayan ay dapat lamang magtiwala sa kanilang mga kinatawan upang i-exersice nila ang kanilang responsibilidad na protektahan ang ating mga civil liberty at mga karapatan ng kanilang mga constituent.
Free Counters
Free Counters