Monday, September 26, 2016

Isinalang na sa plenaryo ang P3.35T budget

Inumpisahan na kaninang alas diyes ng umaga ang pagbalangkas sa plenaryo ng Kamara de Representantes ng P3.35 trilyong budget ng administasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte Duterte para sa susunod na taon.

Si House appropriations committee chair at Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles ang naunang nagbigay ng sponsorship at nagpatuloy sa pagdepensa sa nabanggit na panukalang budget.

Sinabi ni Nograles na ang two-week marathon deliberations na nag-umpisa kanina hanggang sa susunod na Biyernes ay masusi nilang talakayin hanggang ito at maaprubahan ng tuluyan sa third and final reading sa susunod na lingo at tuluyang i-transmit sa Senado.

Sa unang araw ng pagtalakay kaninang umaaga ng pambansang budget, inumpisahan ito sa pagbigay ng General Prinsiples and Provisions at matapos nito, tumanggap kaagad si Nograles ng interpellation galing kina Minority Floor Leader Danilo Suarez at iba pang mga mambabatas at tuluyang  isinalang naman ang budget ng Department of Finance at ang mga ahensya na nakakabit dito.

Kampante si House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo FariƱas na mararatipikahan kaagad ang naturang budget bago ang adjournment ng sesyon sa Desiyembre 14.

Bahagi ng budget ang pagtataas ng conditional cash transfer program na umaabot na sa P78.7 bilyon na paghahati-hatian ng 4.62 milyong pamilya at dagdag na P23.4 bilyong rice allowance.
Free Counters
Free Counters